Alex Gonzaga, nagbalik-tanaw sa 'taon ng pagsubok at biyaya' bago mag-2026
- Nagbahagi si Alex Gonzaga ng isang emosyonal na post sa Instagram habang naghahanda para sa huling araw ng 2025
- Ipinagmalaki ng aktres na sa kanilang bagong bahay sila magdiriwang ng New Year kasama ang asawang si Mikee Morada
- Inamin ni Alex na bagama't nagsimula ang taon sa isang "loss," nakita niya kung paano sinagot ang kanyang mga dasal sa tamang panahon
- Pinasalamatan niya ang Panginoon at nangakong patuloy na mananalig sa Kanyang mga pangako para sa susunod na taon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Habang napapalapit na ang pagtatapos ng taon, naging madamdamin ang social media post ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga-Morada. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Alex ang kanyang repleksyon tungkol sa mga pinagdaanan niya ngayong 2025, na tinawag niyang taon ng matinding pananampalataya.

Source: Instagram
"Still can’t believe we’ll be spending the last day of 2025 in our new home," masayang bungad ni Alex sa kanyang caption.
Makikita sa mga larawan na kuha ng Nice Print ang aktres habang nag-aayos ng kanilang dining set sa kanilang bagong tirahan, at isang sweet na litrato nila ni Mikee Morada sa harap ng kanilang Christmas tree.
Hindi rin itinago ni Alex na naging mahirap ang simula ng kanyang taon. "This year began with loss, but look how far God can take you when you hold on to your faith," pahayag niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon pa nga sa aktres, napatunayan din daw niya kung papaanong nakikinig talaga ang Panginoon.
"He answers prayers one at a time, in His perfect time," aniya Alex sa post.
Punong-puno ng pasasalamat ang mensahe ni Alex para sa taong 2025 at sinabing patuloy silang mananalig sa kanilang pananampalataya.
"Thank You, Lord Jesus. We will always cling to Your promises," pagtatapos ng aktres na sinamahan pa ng prayer at Christmas tree emojis. Maraming netizens at mga kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng kanilang suporta at "Happy New Year" greetings para sa pamilya Morada.
Si Alex Gonzaga, na ipinanganak bilang Catherine Mae Cruz Gonzaga, ay isang sikat na Filipina actress, TV host, vlogger, at singer. Bukod sa kanyang trabaho sa showbiz, isa rin si Alex sa mga top YouTubers sa Pilipinas. Kadalasang tampok sa mga video niya ang kanyang pamilya, kabilang na ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga at ang kanyang asawa na si Mikee Morada.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay sinubukan naman nina Alex at Toni Gonzaga ang "Randomly Hugging Your brother-in-law Challenge" sa kanilang mga asawa. Umani na nga ito ng mahigit 2.2 million views sa Instagram ang nakakatawang reaksyon nina Mikee Morada at Paul Soriano. Halatang nagulat ang dalawang asawa nang bigla silang yakapin ng kani-kanilang hipag.
Samantalang ay labis namang naantig ang puso ng maraming netizens sa bagong vlog ni Alex Gonzaga. Sinorpresa kasi niya ang longtime fan niya na isang PWD Artist sa Baguio City. Aniya Alex, ang buong akala nito ay Team Alex lang ang makakasama niya. Ngunit laking gulat niya nang biglang dumating si Alex at pati ang mister nito na si Mikee Morada sa Baguio City mismo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

