Angeline Quinto, ibinahagi ang saya ng Pasko na puno ng "love and laughter"

Angeline Quinto, ibinahagi ang saya ng Pasko na puno ng "love and laughter"

  • Ipinagdiwang ni Angeline Quinto ang Pasko kasama ang asawang si Nonrev Daquina at kanilang mga anak na sina Sylvio at Sylvia
  • Ibinahagi ng "Power Diva" ang mga larawan ng kanilang pamilya sa harap ng Christmas tree
  • Tuwang-tuwa ang mga netizens nang makita ang mga anak ni Angeline na ine-enjoy ang kanilang mga bagong laruan
  • Sa kanyang caption, binigyang-diin ng singer ang kahalagahan ng saya at pag-ibig ngayong buwan ng December

Puno ng kulay at ligaya ang naging selebrasyon ng Pasko sa tahanan ni Angeline Quinto. Sa kanyang pinakabagong Instagram post, ipinasilip ng singer ang kanilang family portrait kasama ang asawang si Nonrev Daquina at ang kanilang dalawang cute na babies na sina Sylvio at Sylvia.

Angeline Quinto, ibinahagi ang saya ng Pasko na puno ng "love and laughter"
Angeline Quinto, ibinahagi ang saya ng Pasko na puno ng "love and laughter" (@loveangelinequinto)
Source: Instagram
"Here’s to love and laughter this month," ang naging maikling mensahe ni Angeline para sa kanyang mga followers.

Suot ang kulay pulang mga damit, makikita ang pamilya na masayang nagpo-pose sa tabi ng kanilang Christmas tree na punong-puno ng mga dekorasyong candy canes at nutcrackers.

Read also

Pagkapanalo ni Helen Gamboa sa 'Whitney Houston' challenge, kinagiliwan online

Bukod sa pormal na portrait, nag-post din si Angeline ng mga "candid" moments ng kanyang mga anak. Makikita ang panganay na si Sylvio na mahigpit na nakayakap sa kanyang mga bagong Hot Wheels cars.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, hindi rin nagpahuli ang bunsong si Sylvia na abala naman sa pagbubukas ng kanyang regalo na isang cute na manika mula sa Toy Kingdom.

Agad na umani ng libo-libong likes at positibong komento ang post na ito mula sa mga fans ng kilalang singer. Marami ang nakapansin sa mabilis na paglaki ng mga bata at sa bakas na bakas na kaligayahan sa mukha ni Angeline bilang isang ganap na asawa at ina.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Si Angeline Quinto ay isang sikat na singer, actress, at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Nakilala siya matapos manalo sa talent search na Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar noong 2011, kung saan ipinamalas niya ang kanyang makapangyarihan na boses. Mula noon, naging tanyag siya sa pagbirit ng mga ballad at theme song para sa mga pelikula at teleserye. Bukod sa pagkanta, pumasok din si Angeline sa pag-arte, at gumanap sa iba't ibang pelikula at teleserye. Kilala rin siya sa kanyang pagiging palabiro at masayahin sa mga palabas at panayam, dahilan upang maging paborito siya ng mga tao, lalo na nga ng kanyang mga fans.

Read also

Reaksyon nina Paul at Mikee sa 'brother-in-law' challenge nina Toni at Alex Gonzaga, viral

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Angeline Quinto na nakatanggap siya ng “diamonds” matapos ang ASAP show. Hindi man niya pinangalanan, nahulaan ni Antoinette Jadaone na si Regine Velasquez ang nagbigay. Kinuwento rin ni Angeline na hindi ito ang unang beses na niregaluhan siya ng jewelry ng Asia’s Songbird. Matagal nang fan ni Regine si Angeline at malaki ang impluwensiya nito sa kanyang career.

Samantalang ay umani ng papuri si Angeline Quinto matapos niyang pansinin ang isang matandang fan o lola sa gitna ng kanyang performance. Tahimik na kumakaway ang lola sa stage, at tila umaasa lamang na makawayan din ni Angeline. Sa halip na kumaway, iniwan ni Angeline ang stage para lapitan at yakapin ang lola na fan. Ang gesture ay nagpakita ng pagpapahalaga at humility ni Angeline sa kanyang mga tagahanga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco