Ion Perez, may sweet na mensahe sa kanyang 'Best Actor' na si Vice Ganda

Ion Perez, may sweet na mensahe sa kanyang 'Best Actor' na si Vice Ganda

  • Nagbahagi si Ion Perez ng isang nakakaantig na post para parangalan ang partner na si Vice Ganda
  • Ito ay matapos tanggapin ni Vice ang parangal bilang "Best Actor" sa 2025 MMFF Gabi ng Parangal para sa pelikulang 'Call Me Mother'
  • Siniguro ni Ion sa 'Unkabogable Star' na mananatili siya sa tabi nito "forever"
  • Nag-comment din ang komedyanteng si Pokwang sa nasabing post para magpaabot ng kanyang pagmamahal sa dalawa

Hindi nagpahuli ang model at TV host na si Ion Perez sa pagpapakita ng kanyang suporta at pagmamalaki para sa kanyang partner na si Vice Ganda. Sa gitna ng matagumpay na gabi ni Vice sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal, isang espesyal na mensahe ang ibinahagi ni Ion sa social media.

Ion Perez, may sweet na mensahe sa kanyang 'Best Actor' na si Vice Ganda
Photos: @iamnoelferrez, @pereziion27 on Instagram
Source: Instagram

Kinilala si Vice Ganda bilang "Best Actor" para sa kanyang natatanging pagganap bilang Twinkle sa pelikulang Call Me Mother. Sa kanyang Instagram post, nag-upload si Ion ng larawan nilang dalawa ni Vice kasama ang kanilang alagang aso sa harap ng isang maganda, bongga, at pulang Christmas tree.

Read also

Vice Ganda, na-touch, may pasilip sa heartfelt letter ni Nadine Lustre

"To my 'BEST ACTOR,' I'm here to stay forever. I love you," ang naging maikli ngunit punong-puno ng pagmamahal na caption ni Ion.

Ang mensaheng ito ay nagsilbing pagpupugay hindi lamang sa talento ni Vice kundi pati na rin sa tibay ng kanilang relasyon sa kabila ng anumang pagsubok na paparating sa kanilang dalawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad namang inulan ng mga positibong komento ang nasabing post at talagang tinadtad din ito ng mga puso at pagbati mula sa kanilang mga fans at mga kasamahan sa industriya. Kabilang sa mga nag-comment ay si Pokwang na naglagay ng apat na heart emojis para sa dalawa.

Ang tagumpay ni Vice Ganda sa MMFF ngayong taon ay lalong naging espesyal dahil sa suportang natanggap niya mula sa kanyang 'Unkabogable' family at lalo na mula sa kanyang pinakamamahal na si Ion.

Ion Perez, may sweet na mensahe sa kanyang 'Best Actor' na si Vice Ganda
Screenshot mula sa Instagram ni @pereziion27
Source: Instagram

Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng local showbiz.

Read also

Pagkapanalo ni Helen Gamboa sa 'Whitney Houston' challenge, kinagiliwan online

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Vice Ganda sa Instagram ang isang sulat mula kay Nadine Lustre na nagpahayag ng kanyang paghanga. Sinabi ni Nadine sa sulat na ang pagiging "phenomenal" ay hindi nasusukat sa palakpak kundi sa dami ng taong natutulungan nito. Nagpasalamat din ang aktres kay Vice sa pagbabahagi ng kanyang talento sa ibang tao.

Samantalang ay inamin ni Vice Ganda na si Anne Curtis ang itinuturing niyang "best friend" sa 'It’s Showtime.' Ikinuwento rin ni Vice ang kakaibang closeness nila ng kilalang Kapamilya star. Sa interview, ibinahagi rin niya ang hirap na naramdaman nang wala si Anne sa show. Para kay Vice, mas madali ang trabaho kapag kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco