Vice Ganda, na-touch, may pasilip sa heartfelt letter ni Nadine Lustre

Vice Ganda, na-touch, may pasilip sa heartfelt letter ni Nadine Lustre

  • Ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang Instagram story ang isang sulat mula kay Nadine Lustre na nagpahayag ng kanyang paghanga
  • Sinabi ni Nadine sa sulat na ang pagiging "phenomenal" ay hindi nasusukat sa palakpak kundi sa dami ng taong natutulungan nito
  • Nagpasalamat din ang aktres kay Vice sa pagbabahagi ng kanyang talento sa ibang tao
  • Kamakailan lang ay nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang 'Call Me Mother' na idinirek ni Jun Lana

Matapos ang kanilang naging matagumpay na pagtatrabaho sa pelikulang Call Me Mother, muling pinatunayan nina Vice Ganda at Nadine Lustre ang kanilang espesyal na samahan. Sa isang Instagram story, ipinasilip ni Vice ang isang sulat na galing mismo sa kanyang "dearest" Nadine.

Vice Ganda, na-touch, may pasilip sa heartfelt letter ni Nadine Lustre
Photos: @praybeytbenjamin, @nadine on Instagram
Source: Instagram
"Ate Vice, phenomenal isn't measured by applause, but by how many others are lifted along the way," ang madamdaming bungad ni Nadine sa kanyang liham. "Thank you for sharing that gift," dagdag pa niya.

Dahil sa taos-pusong mensaheng ito, napa-post si Vice ng pasasalamat sa co-star niya sa pelikula.

Read also

Robin Padilla, ibinida ang setup na inihanda at 'pinagpuyatan' ni Mariel Padilla para kay Mommy Eva

"I am so blessed to have felt your sincerest love! I love you my dearest @nadine!" ang naging sagot ng komedyante sa kanyang story.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa sulat, makikita rin sa mga post ni Vice ang ilang moments nila ni Nadine sa sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal. Kasama sa mga larawan ang kanilang mahigpit na yakapan matapos tanggapin ni Vice ang parangal bilang "Best Actor" sa naturang awards show.

Sa gitna ng post na ito, patulo na marami ang natutuwa dahil muling nagka-reunion sina Nadine at Vice sa big screen matapos ang kanilang pagsasama sa 'Petrang Kabayo' noon.

Vice Ganda, na-touch, may pasilip sa heartfelt letter ni Nadine Lustre
Screenshot mula sa Instagram ni @praybeytbenjamin
Source: Instagram

Vice Ganda, na-touch, may pasilip sa heartfelt letter ni Nadine Lustre
Screenshot mula sa Instagram ni @praybeytbenjamin
Source: Instagram

Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng local showbiz.

Read also

Pagkapanalo ni Helen Gamboa sa 'Whitney Houston' challenge, kinagiliwan online

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inamin ni Vice Ganda na si Anne Curtis ang itinuturing niyang "best friend" sa 'It’s Showtime.' Ikinuwento rin ni Vice ang kakaibang closeness nila ng kilalang Kapamilya star. Sa interview, ibinahagi rin niya ang hirap na naramdaman nang wala si Anne sa show. Para kay Vice, mas madali ang trabaho kapag kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan.

Samantalang ay sinagot ni Vice Ganda ang isang netizen na nag-akusa sa kanya ng disrespect sa Thai artist na si Jeff Satur. Ipinaliwanag ni Vice na ang slang na "juliet juliet" ay nangangahulugang "inulit" lamang, at hindi patama sa performer. Mariin niyang itinanggi ang akusasyon, at sinabing huwag gawing "big deal lahat ng joke" at tigilan ang over-analyzing. Ginamit ni Vice ang pagkakataon para magbigay-diin na ang "ka-OA-yan" ng netizen ang mas unacceptable kaysa sa kanyang biro.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco