Reaksyon nina Paul at Mikee sa 'brother-in-law' challenge nina Toni at Alex Gonzaga, viral

Reaksyon nina Paul at Mikee sa 'brother-in-law' challenge nina Toni at Alex Gonzaga, viral

  • Sinubukan nina Alex at Toni Gonzaga ang "Randomly Hugging Your brother-in-law Challenge" sa kanilang mga asawa
  • Umani ng mahigit 2.2 million views sa Instagram ang nakakatawang reaksyon nina Mikee Morada at Paul Soriano
  • Halatang nagulat ang dalawang asawa nang bigla silang yakapin ng kani-kanilang hipag
  • Pabirong nag-comment si Alex na "gulat sila eh" dahil sa pagkasa nila ni Toni sa challenge

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naging patok sa mga netizens ang ginawang pan-to-troll ng Gonzaga sisters na sina Alex at Toni sa kani-kanilang mga asawa. Sa isang viral video na ibinahagi ni Alex sa kanyang opisyal na Instagram account, sinubukan ng magkapatid ang sikat na 'Randomly Hugging Your Brother-in-Law Challenge.'

Reaksyon nina Paul at Mikee sa 'brother-in-law' challenge nina Toni at Alex Gonzaga, viral
Reaksyon nina Paul at Mikee sa 'brother-in-law' challenge nina Toni at Alex Gonzaga, viral (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Sa simula ng video, makikitang si Alex ang unang lumapit sa asawa ni Toni na si Paul Soriano para yakapin ito nang biglaan. Kitang-kita ang gulat sa mukha ni Paul at napa-atras pa nga ito nang bahagya habang bago siya natawa sa ginawa ng kanyang hipag, bagay na kinagiliwan din ng maraming netizens.

Read also

Rochelle Pangilinan, ibinahagi ang "simple pero puno ng pasasalamat" na Pasko ng kanyang pamilya

Hindi rin nagpaawat si Toni at ginawa rin ang hamon sa asawa ni Alex na si Mikee Morada. Nang biglang yakapin ni Toni si Mikee, nanatili itong nakatayo at tila naguguluhan sa nangyayari, habang si Toni naman ay tawang-tawa sa matapos kumasa sa naturang challenge nilang magkapatid online.

Dahil sa nakakaaliw na reaksyon ng dalawang mister, humakot na ng mahigit 2.2 million views ang nasabing post sa Instagram. Dahil dito ay maraming netizens ang nag-comment sa post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang cute nila."
"Yung shock na shock si Mikee."
"Trip ng bunso na sinakyan ulit ni ate."
"Si Mikee, di mo alam kung mata-touch o matatakot HAHAHA."
"Pakana mo na naman 'to Alex! Pero sobrang cute na may awkward reactions nung dalawang boys."

Maging si Alex ay hindi napigilang mag-comment sa sariling post at sinabing, "Gulat sila eh," na sinamahan pa niya ng laughing emoji. Patunay lang ito na kahit seryoso ang kanilang mga asawa sa kani-kanilang larangan, hindi sila ligtas sa mga kulit-moments ng magkapatid na Gonzaga.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Alex Gonzaga, na ipinanganak bilang Catherine Mae Cruz Gonzaga, ay isang sikat na Filipina actress, TV host, vlogger, at singer. Bukod sa kanyang trabaho sa showbiz, isa rin si Alex sa mga top YouTubers sa Pilipinas. Kadalasang tampok sa mga video niya ang kanyang pamilya, kabilang na ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga at ang kanyang asawa na si Mikee Morada.

Read also

Anak ni Iza Calzado, kinagiliwan online sa version nito ng 'Araw-Gabi'

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay labis na naantig ang puso ng maraming netizens sa bagong vlog ni Alex Gonzaga. Sinorpresa kasi niya ang longtime fan niya na isang PWD Artist sa Baguio City. Aniya Alex, ang buong akala nito ay Team Alex lang ang makakasama niya. Ngunit laking gulat niya nang biglang dumating si Alex at pati ang mister nito na si Mikee Morada sa Baguio City mismo.

Samantalang ay muling nagpatawa at nagpakilig sa social media si Alex Gonzaga. Sa Instagram, nag-post si Alex ng isang 'skit' na talagang relatable. Aniya Alex, ito raw ang "power couple" kasi sa buhay-high school noon. Ngunit may pa-fun fact naman si Alex sa kanyang mister sa viral post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco