Rochelle Pangilinan, ibinahagi ang "simple pero puno ng pasasalamat" na Pasko ng kanyang pamilya

Rochelle Pangilinan, ibinahagi ang "simple pero puno ng pasasalamat" na Pasko ng kanyang pamilya

  • Ipinagdiwang ni Rochelle Pangilinan ang Pasko nang "simple pero puno ng pasasalamat" kasama ang asawang si Arthur Solinap at anak na si Shiloh
  • Binigyang-diin ng dancer-actress na hindi kailangang maging "bongga" ang selebrasyon basta't kumpleto ang pagmamahal
  • Tampok sa kanilang pagdiriwang ang tawanan, kwentuhan, dasal, at kaunting sayawan
  • Nagpaabot din siya ng pagbati sa kanyang mga followers sa naturang online post

Sa gitna ng makukulay at bongga na mga dekorasyon at dami ng mga regalo, mas pinili ni Rochelle Pangilinan na balikan ang tunay na kahulugan ng Pasko: ang pasasalamat at pamilya.

Rochelle Pangilinan, ibinahagi ang "simple pero puno ng pasasalamat" na Pasko ng kanyang pamilya
Rochelle Pangilinan, ibinahagi ang "simple pero puno ng pasasalamat" na Pasko ng kanyang pamilya (@rochellepangilinan)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post ngayong araw ng Pasko, December 25, 2025, ibinahagi ng 'SexBomb' leader ang ilang mga larawan ng masayang pagtitipon sa kanilang munting tahanan.

"Simple pero puno ng pasasalamat. Kasama ang pamilya, may tawanan, kwentuhan, at dasal," ang bungad na mensahe ni Rochelle sa kanyang caption.

Makikita sa mga larawan ang aktres kasama ang kanyang asawa na si Arthur Solinap at ang kanilang bibong anak na si Shiloh sa harap ng kanilang makulay na Christmas tree.

Read also

Anak ni Iza Calzado, kinagiliwan online sa version nito ng 'Araw-Gabi'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Rochelle, hindi nasusukat sa rangya ang ganda ng selebrasyon. "Hindi kailangan ng bongga—ang mahalaga, kumpleto ang pagmamahal, tahimik ang puso, at ramdam ang biyaya ng Diyos," paliwanag niya.

Ipinakita rin sa kanyang post ang picture ni Shiloh na tuwang-tuwa habang hawak ang kanyang regalo.

Hindi rin kinalimutan ni Rochelle na magbigay ng payo tungkol sa pagiging mapagpakumbaba. Binanggit niya na mahalaga ang pagkakaroon ng "pusong marunong umalala kung saan nagsimula."

"Happy Merry Christmas from our family to yours," pagtatapos ni Rochelle, na agad namang inulan ng "Merry Christmas" messages mula sa kanyang mga fans at mga kasamahan sa showbiz.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Si Rochelle Pangilinan ay isang kilalang Filipina dancer at aktres na unang sumikat bilang founding member at dating leader ng SexBomb Dancers, isa sa pinakasikat na dance groups sa bansa noong early 2000s. Dahil sa kanyang husay sa pagsayaw at malakas na stage presence, naging isa siya sa mga pinaka-recognizable na personalidad sa entertainment industry. Lumawak pa ang kanyang karera nang mapasama siya sa SexBomb Girls bilang recording artist, at nagkaroon sila ng mga hit songs at TV shows. Kalaunan, pumasok siya sa pag-arte at napanood sa iba’t ibang teleserye at drama anthologies, kung saan napatunayan niya ang kanyang versatility bilang performer. Sa personal na buhay, mas lalong minahal ng publiko si Rochelle nang ibahagi niya ang kanyang journey bilang asawa at ina. Ikinasal siya sa aktor at dancer na si Arthur Solinap noong 2017, at biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Shiloh Jayne.

Read also

Karla Estrada, sinagot ang mga pumuna sa kanyang itsura sa PBB: "Ako pa rin yan!"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay umapela si Rochelle Pangilinan sa publiko na igalang ang desisyon ng mga miyembro ng SexBomb na hindi nakasama sa reunion concert. Aniya, ang bawat miyembro ay may "valid na dahilan" upang hindi sumali sa concert. Hiniling niya na itigil ang bashing at pananakit sa salita laban sa mga hindi nakasama sa kanilang reunion concert nitong taong 2025.

Samantalang ay inihayag ni Rochelle Pangilinan na "sumugal" sila nang magdesisyon na magkaroon ng SexBomb reunion concert. Ibinunyag niya na "walang gustong mag-produce" at puno ito ng kawalan ng kasiguraduhan. Aniya Rochelle, ang kanilang layunin ay makapagpasalamat at makapagbigay ng regalo sa kanilang fans. Para kay Rochelle, ang fans nila ang "backbone" nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco