Jay Luu of Miss Cosmo responds to Ahtisa Manalo’s pageant experience claims

Jay Luu of Miss Cosmo responds to Ahtisa Manalo’s pageant experience claims

  • Miss Cosmo marketing head Jay Luu posted an Instagram story criticizing an unnamed person for making a joke out of a past stage accident
  • The executive’s remarks came shortly after Ahtisa Manalo described her "worst" pageant experience in a vlog with Vice Ganda
  • Manalo recalled sustaining a sprain and using a wheelchair during an international pageant after a stage reportedly collapsed
  • Luu clarified that while an accident occurred during construction, the organization managed to build a new stage within 48 hours

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mukhang hindi nagustuhan ng isang executive mula sa Miss Cosmo organization ang naging pagbabahagi ni Ahtisa Manalo ng kanyang "worst" pageant experience. Noong Lunes, December 22, nag-post sa Instagram Stories si Jay Luu, ang Head of Marketing and Communications ng Miss Cosmo, para magpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa stage accident na nangyari sa kompetisyon noong nakaraang taon. Bagama’t hindi direktang binanggit ang pangalan ni Ahtisa, marami ang naniniwalang ang ating Pinay beauty queen ang pinariringgan nito.

Read also

Gerald Anderson shares how he handles social media negativity

Jay Luu of Miss Cosmo responds to Ahtisa Manalo’s pageant experience claims
Jay Luu of Miss Cosmo responds to Ahtisa Manalo’s pageant experience claims (📷@ahtisa/IG)
Source: Instagram
Ayon kay Luu, hindi kabayanihan ang gawing biro ang isang aksidente. Turning an accident into a joke doesn't make you brave. It only proves how small your perspective is. Yes, there was an accident during the stage construction last year. That is a fact, aniya.

Binigyang-diin pa niya na may mga detalyeng "conveniently ignored" sa usapan, tulad ng mabilis na pag-aksyon ng organisasyon. But here is the full fact you conveniently ignore: Within 48 hours, a second stage was built and a completely new, large-scale stage was delivered for the grand finale, dagdag pa ng executive.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang matapang na pahayag na ito ni Luu ay lumabas matapos i-upload ang interview ni Ahtisa sa YouTube channel ni Vice Ganda noong December 22. Sa nasabing vlog, tinanong ni Vice si Ahtisa tungkol sa kanyang pinakamalalang karanasan sa pageant. Dito na naikwento ni Ahtisa ang insidente kung saan gumuho ang stage habang sila ay naghihintay para sa rehearsals.

Read also

Zack Tabudlo addresses negative comments after recent performance

Hindi ko alam kung bakit pero magre-rehearsals dapat kami nagwi-wait kami, biglang gumuho ang stage. Na-sprain ako, nagkaroon ng fluid 'yung bone marrow ko or something, hindi ako nakalakad, kwento ni Ahtisa. Inihalintulad pa niya ito sa pelikulang "Final Destination" dahil sa takbuhan at pagbagsak ng mga scaffoldings.

Matatandaang si Ahtisa Manalo ang naging kinatawan ng Pilipinas sa kauna-unahang Miss Cosmo pageant noong 2024 kung saan siya ay pumasok sa Top 10. Ang panayam niya kay Vice Ganda ay inilabas dalawang araw lamang matapos ang ikalawang edisyon ng Miss Cosmo noong December 20, kung saan ang pambato nating si Chelsea Fernandez ay tinanghal na first runner-up.

Sa kabila ng tensyon, nananatiling proud si Ahtisa sa kanyang mga naging laban, lalo na ang kanyang naging journey sa Miss Universe 2025 kung saan siya ay nagtapos bilang third runner-up.

Matapos ang kanyang matagumpay na laban sa Miss Universe 2025, nagbahagi si Ahtisa Manalo ng isang emosyonal na post tungkol sa kanyang karanasan. Pinasalamatan niya ang lahat ng sumuporta sa kanya at inilarawan ang kompetisyon bilang isa sa mga pinakamahalagang yugto ng kanyang buhay. Binigyang-diin din niya ang paglago ng kanyang pagkatao sa gitna ng pressure ng international stage.

Read also

Tragic loss in Ozamiz City: 13-year-old boy dies after alleged oxygen delay

Nilinaw ni Ahtisa Manalo ang mga bali-balita tungkol sa alok sa kanya na maging Miss Universe Asia matapos ang coronation night sa Mexico. Sa kanyang naging pahayag, ipinaliwanag ng beauty queen ang kanyang naging desisyon at ang tunay na nangyari sa likod ng entablado. Ang kanyang katapatan ay muling hinangaan ng mga pageant fans sa buong mundo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate