Kiray Celis, may post ukol sa pagiging 'on-screen husband to best man' ni Enchong Dee
- Nagbahagi si Kiray Celis ng madamdaming post para sa aktor na si Enchong Dee na nagsilbing Best Man sa kanyang kasal
- Binalikan ni Kiray ang kanilang pagsasama sa 2016 film na 'I Love You to Death; kung saan kinasal ang kanilang mga roles
- Ipinagmalaki ng aktres ang kanilang malalim na pagkakaibigan na nananatiling matatag sa loob ng maraming taon
- Pinasalamatan ni Kiray si Enchong sa pagpayag na maging bahagi ng isa sa pinakaimportanteng araw ng kanyang buhay
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa isang nakakaantig na Instagram post, binigyang-pugay nii Kiray Celis ang kanyang matalik na kaibigan na si Enchong Dee matapos itong tumayo bilang Best Man sa kanyang kasal kay Stephan Estopia.

Source: Instagram
"Sinong mag-aakala na yung pinakasalan kong si TONTON noon, magiging BEST MAN ko pala sa totoong KASAL ko... hihihi!" masayang kwento ni Kiray sa kanyang caption.
Ang tinutukoy ni Kiray ay ang kanilang mga karakter sa comedy-horror film na I Love You to Death noong 2016, kung saan gumanap sila bilang sina Gwen at Tonton na mag-childhood friends.
Ayon kay Kiray, isang malaking karangalan na si Enchong ang napili niyang maging Best Man dahil sa lalim ng kanilang pagkakaibigan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa mga larawang ibinahagi ni Kiray online, makikita ang mga throwback photos nila mula sa shooting ng kanilang pelikula hanggang sa mga kuha sa mismong araw ng kanyang kasal kung saan emosyonal at masaya ang aktor para sa kanya.
Hindi rin nakalimot si Kiray na ipaabot ang kanyang pasasalamat at pagmamahal sa aktor.
"Appreciation post para sa asawa kong si TONTON.. Mahal na mahal kita @mr_enchongdee! Salamat sa pagpayag at hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo. Mahal ka namin ng asawa ko," mensahe ng aktres.
Tunay ngang isang "full circle moment' ito para sa dalawang matalik na magkaibigan.
Swipe left para makita pa ang ibang photos:
Si Kiray Celis ay isang Filipina actress, komedyante, negosyante, at vlogger. Nakilala siya nang husto bilang child star sa ABS-CBN show na Goin' Bulilit at kalaunan ay lumabas din sa Mara Clara. Sa paglipas ng mga taon, ipinakita ni Kiray ang kanyang versatility sa pagganap ng iba't ibang papel sa TV at pelikula. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nadiskubre ang kanyang hilig sa live selling sa social media, na naging daan para maitayo niya ang sarili niyang mga brand. Sa kanyang personal na buhay, inanunsyo ni Kiray ang kanyang engagement sa longtime boyfriend niyang si Stephan Estopia noong 2025 lamang.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Kiray Celis ang mga unang larawan ng kanilang "grand honeymoon" ni Stephan Estopia sa Amanpulo. Matatandaang ikinasal ang dalawa sa isang bonggang ceremony nitong December 13, 2025. Ipinasilip ng aktres ang kanilang luxury villa, private pool, at ang puting buhangin ng sikat na resort. Kita ang saya ng mag-asawa habang ine-enjoy ang kanilang unang mga araw bilang "Mr. and Mrs. Estopia."
Samantalang ay pinabulaanan ni Jazel Sy ang kumakalat na post tungkol sa presyo ng wedding gown ni Kiray Celis. Sinabi ng designer na "way off" ang presyo na nakalagay sa photo. Sa kabila nito, natuwa pa rin si Jazel dahil naipakita ang galing ng mga Pinoy artisan. Aniya kasi ng sikat na designer, "pure magic" daw kasi ang Pinoy craftsmanship.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

