Melai Cantiveros, inunahan na ang mga marites ukol sa kanyang mister: "O diba, alam ko na"

Melai Cantiveros, inunahan na ang mga marites ukol sa kanyang mister: "O diba, alam ko na"

  • Nag-post si Melai Cantiveros ng litrato kasama ang kanyang mga anak na may caption na "just the three of us"
  • Agad niyang nilinaw sa caption na baka hanapin na naman ng mga netizen ang asawa niya na si Jason Francisco
  • Pabiro tuloy na in-address ng kilalang celebrity mom ang mga marites sa social media platforms
  • Aniya pa nga ni Melai, alam na alam na raw niya ang sasabihin ng mga marites sa post niya

Kilala si Melai Cantiveros sa pagiging masayahin at totoo, kaya naman sa kanyang bagong Instagram post, hindi na niya hinintay na gawan siya ng kwento ng mga mapang-usisang netizens o mga "marites."

Melai Cantiveros, inunahan na ang mga marites ukol sa kanyang mister: "O diba, alam ko na"
Melai Cantiveros, inunahan na ang mga marites ukol sa kanyang mister: "O diba, alam ko na" (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Nag-post kasi ang TV host ng ilang mga larawan kasama ang kanyang dalawang anak na sina Mela at Stela, habang nasa labas ng kanilang simpleng bahay.

Dahil ang caption niya ay "just the three of us," alam ni Melai na mabilis na mapapansin ng publiko ang kawalan ng kanyang asawang si Jason Francisco sa frame.

Read also

Atom Araullo, may "storytime" tungkol sa isang sekyu na laging bumabati sa kanya

Sa parehong post, naglagay siya ng mahabang "disclaimer" para sa mga mahilig mag-isip ng kung anu-ano.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Oh hahanapin niyo na naman si Jason, tapos pag di ako mag-react, ima-marites niyo ang posts ko hanggang Christmas... Ime-message niyo na kapwa niyong marites, 'Di sila magkasama mag asawa, away yan.' O diba, alam ko na, dahil lang yun sa post ko and caption ko na 'just the three of us,' kasama na kami sa holiday break niyo," birong sulat ni Melai.

Ayon sa kanya, alam na niya ang takbo ng isip ng iba kaya inunahan na niya ang mga ito.

Dagdag pa ni Melai, wag daw mag-alala ang mga fans dahil kasama naman nila si Jason sa kanilang holiday break.

"Well well well, abangan ang next picture," hirit pa niya para sa mga gustong makita ang kanyang mister.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Si Melai Cantiveros ay isang sikat na Filipina actress, TV host, at comedian. Sumikat siya noong 2009 matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Double Up. Ang kanyang nakakaaliw na personalidad, kakayahang magpatawa, at natural na karisma ang dahilan kung bakit siya naging paborito ng mga manonood habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Pagkatapos niyang manalo, pumasok si Melai sa showbiz kung saan siya naging matagumpay bilang komedyante at TV host. Sa kanyang personal naman na buhay ay pinakasalan niya si Jason Francisco. Kilala silang mag-asawa bilang 'MelaSon' at sila ay may dalawang anak na babae.

Read also

Nadine Lustre, inaming "takot na takot" noon kay Vice Ganda

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ipinagmalaki ni Melai Cantiveros ang asawang si Jason Francisco, na aniya ay isang "very secure person." Inamin ni Melai na "very old school" din daw ang kanyang mister pagdating sa kanilang finances. Aniya Melai, nakaka-proud daw dahil yun ang pananaw ni Jason pagdating sa kanilang mga pera. Say pa nga ng celebrity momshie, "Wala talaga siyang pakiaalam sa pera ko."

Samantalang ay talagang kinabahan si Melai Cantiveros dahil sa tanong ni Kaye Abad sa kanya. Kamakailan ay nag-guest kasi si Kaye sa sikat na show ni Melai na 'Kuan on One.' Dito ay napa-look back si Kaye sa panahong nakasama ni Melai si Paul Jake Castillo. Matatandaang isa si Paul Jake sa ka-batchmate ni Melai sa Pinoy Big Brother: Double Up kung saan nagwagi ang actress-host sa naturang show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco