Vice Ganda sa friendship nila ni Anne Curtis: "Makikipag-away ako for her"
- Inamin ni Vice Ganda na si Anne Curtis ang itinuturing niyang "best friend" sa 'It’s Showtime'
- Ikinuwento rin ni Vice ang kakaibang closeness nila ng kilalang Kapamilya star
- Sa interview, ibinahagi rin niya ang hirap na naramdaman nang wala si Anne sa show
- Para kay Vice, mas madali ang trabaho kapag kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi mapagkakaila ang saya na dala ng 'It's Showtime' tuwing tanghali, pero sa likod ng mga tawa ay isang malalim na pagkakaibigan na namuo sa pagitan nina Vice Ganda at Anne Curtis. Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naging emosyonal ang Unkabogable Star nang tanungin tungkol sa kanyang tunay na "best friend" sa programa.

Source: Instagram
Bagama’t mahal niya ang lahat ng kanyang mga co-hosts, sinabi ni Vice na iba talaga ang koneksyon nila ni Anne, "Iba yung closeness kasi namin ni Anne kasi madami kaming pinag-uusapan na kaming dalawa lang yung nag-e-enjoy."
Dagdag pa nga ni Vice, talagang makikipag-away din daw siya para sa kanyang matalik na kaibigan.
"Iba yung understanding namin tsaka open kami sa isa't isa. We support each other so much pero iba talaga yung love ko kay Anne, very special siya sa akin. I miss her, I long for her, I care for her so much, I love her so much, makikipag-away ako for her," aniya Vice.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Isa sa mga hinahangaan ni Vice sa kanilang samahan ay ang pagiging tapat nila. Ayon sa kanya, hindi siya natatakot na baka ma-offend si Anne sa kanyang mga biro, at ganun din daw si Anne sa kanya.
"I can be very brutally honest to her, siya rin ganun sa akin... yung hindi ako matatakot na ma-offend ko siya, at siya rin hindi matatakot na ma-offend niya ako because at the end of the day, we will still choose each other," paliwanag ni Vice.
Inamin din ni Vice na dumaan siya sa matinding lungkot noong pansamantalang nawala si Anne sa show.
"There was even a point na it was so hard for me to keep doing Showtime without her. Naihirapan ako, umiiyak ako sa kanya. Sabi ko, 'Nahihirapan ako kapag wala ka, kailangan kita, kailangan mong bumalik.' Pinapakiusapan ko siya na, 'Samahan mo ako. Kailangan ko yung support mo,'" pag-alala niya.
Say kasi ni Vice, para sa kanya, nagiging "walk in the park" at puno ng "bardagulan" ang trabaho kapag kasama niya si Anne sa kanilang noontime show.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng local showbiz.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay sinagot ni Vice Ganda ang netizen na nag-akusa sa kanya ng disrespect sa Thai artist na si Jeff Satur. Ipinaliwanag ni Vice na ang slang na "juliet juliet" ay nangangahulugang "inulit" lamang, at hindi patama sa performer. Mariin niyang itinanggi ang akusasyon, at sinabing huwag gawing "big deal lahat ng joke."
Samantalang ay inamin ni Vice Ganda na inusog muna nila ang inaabangang Magpasikat. Sa It's Showtime, nagpakatotoo si Vice tungkol sa desisyon nilang ito. Aniya kasi ng 'Unkabogable Star' sa show, "realistically, we can't afford that anymore." Gayunpaman, may inihahanda pa rin silang selebrasyon para sa kanilang mga loyal na viewers.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


