Angelica Panganiban sa binili ni Gregg Homan sa Australia: "Papakasalan kita ulit pag uwi mo"
- Ibinahagi ni Angelica Panganiban sa Instagram Stories ang binili ng kanyang asawang si Gregg Homan sa Australia
- Dahil dito ay nagbiro si Angelica at sinabing "papakasalan kita ulit" sa tuwa niya sa nabili ni Gregg
- Aniya, gagamitin nila ito para sa kanilang paparating na Christmas break kasi
- Marami naman ang naaliw sa pagiging makuwela ni Angelica sa kanyang mister
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Naghatid ng tawa sa kanyang mga followers ang aktres na si Angelica Panganiban matapos niyang ibahagi sa Instagram Stories ang nakakatuwang resulta ng pagpapabili niya sa kanyang asawang si Gregg Homan sa Australia.

Source: Instagram
Ipinakita kasi ng aktres ang isang digital video camera na kulay pink ang binili ni Gregg na may nakakaaliw at nakakatawang commentary mula kay Angelica.
"Inutusan ko mag shopping asawa ko sa Australia. Ang masasabi ko lang, papakasalan kita ulit pag uwi mo, @gregg_homan."
Base sa reaksyon ng aktres, tila tuwang-tuwa si Angelica sa pink na gadget na ito at pati na rin sa pagka-sweet ng kanyang asawa sa pagpili nito ng gusto niyang bilhin.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinahagi rin ni Angelica ang kanyang pananabik na gamitin ang bagong camera para mag-video sa kanilang paparating na Christmas break ngayong taon.
"Excited to film us during our Christmas break. But for now, umuwi ka na!" dagdag pa ni Angelica.
Ipinakita ng post na ito ang magaan at masayang dynamic ng mag-asawa, na madalas magbahagi ng kanilang mga sweet at nakakaaliw na moments sa social media.
Si Angelica at Gregg, na naging couple noong 2020, ay ikinasal noong 2023 sa US. Nagkaroon din sila ng second wedding, isang beach getaway kasama ang kanilang pamilya't mga kaibigan noong 2024 sa Siargao.
Biniyayaan din sila ng isang cute na anak na si Amila Sabine na madalas nilang ibahagi sa social media.

Source: Instagram
Si Angelica Panganiban ay isang Filipina actress, komedyante, at television host na kilala sa kanyang husay sa parehong drama at komedya. Nagsimula siya bilang child actress at sumikat sa kanyang mga papel sa iba't ibang teleserye at pelikula. Ipinamalas niya ang kanyang galing sa drama sa mga teleseryeng tulad ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife, kung saan hinangaan ang kanyang intense na mga roles. Kilala rin siya sa kanyang talento sa komedya, lalo na sa programang Banana Split. Noong 2022, isinilang niya ang kanyang unang anak kasama ang partner niyang si Gregg Homan, bilang bahagi ng kanyang bagong yugto bilang isang ina.

Read also
Benj Manalo, may nakakaantig na birthday note para kay Lovely Abella: "You are such a blessing"
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay natanong si Angelica Panganiban tungkol kay Derek Ramsay. Kamakailan ay na-interview kasi ang aktres sa media launch ng 'Unmarry' na movie. Bukod sa tanong tungkol kay Derek, natanong din si Angelica ukol sa toxic relationships. Marami naman ang humanga kay Angelica dahil sa pagpapakatotoo nito.
Samantalang ay binalikan ni Angelica Panganiban ang postpartum phase niya. Sa opisyal na guesting niya sa podcast ni Alyssa Valdez, isang volleyball player, labis na nag-open up ang aktres. Aniya, umabot pa sa puntong naging posessive din siya kay Amila noon. Biro pa nga ng kilalang aktres kay Alyssa sa naturang podcast, "Teh, baliw lang."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
