Benj Manalo, may nakakaantig na birthday note para kay Lovely Abella: "You are such a blessing"

Benj Manalo, may nakakaantig na birthday note para kay Lovely Abella: "You are such a blessing"

  • Nag-post si Benj Manalo ng heartfelt birthday greeting para sa kanyang asawang si Lovely Abella
  • Sa naturang online post, nagpasalamat si Benj sa Diyos dahil sa kanyang misis
  • Ipinagmamalaki rin niya ang patuloy na paglago ni Lovely sa relasyon nito sa Diyos
  • Nangako naman si Benj na susuportahan niya si Lovely sa lahat ng ginagawa nito

Nagbahagi ng isang sweet at taos-pusong mensahe ang aktor at dancer na si Benj Manalo para sa kanyang asawa, ang komedyante at aktres na si Lovely Abella, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Benj Manalo, may nakakaantig na birthday note para kay Lovely Abella: "You are such a blessing"
Benj Manalo, may nakakaantig na birthday note para kay Lovely Abella: "You are such a blessing" (@benj)
Source: Instagram

Sa kanyang opisyal na Instagram post, nag-upload si Benj ng ilang magandang selfie nilang mag-asawa at sinamahan niya ito ng isang mahaba at loving na caption para sa aktres.

Ipinahayag ni Benj ang kanyang pasasalamat at pagmamahal kay Lovely, at binibigyang-diin din niya ang bawat araw na nakakasama niya ito.

"Happy birthday my love, @lovelyabella_. I thank God everyday that I get to love you every single day."

Read also

Ellen Adarna, naaliw; napa-react sa interview ni Angelica Panganiban: "Taragis"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa pagmamahal niya, nagpasalamat din si Benj sa kabutihan ni Lovely at sa mga oportunidad na magamit niya ang kanyang impluwensya upang magbahagi ng mga salita ng Diyos.

"I am blessed to witness your continuous growth in your relationship with God. You are such a blessing to alot of people. Thank you for being you. I pray to God that He may give you more opportunities to spread His word everyday."

Sa huli ay ipinagmalaki rin ni Benj ang kanyang misis at sinabing susuportahan niya ito sa lahat ng bagay.

"I am so proud of you. I will be here always to support you in everything that you do. I love you and happy birthday, mama!" pagtatapos ni Benj.

Ang mag-asawa, na ikinasal noong 2021, ay kilala sa kanilang matibay at inspirational na pagmamahalan, na madalas nilang ibinabahagi sa kanilang mga followers.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Read also

Claudine Barretto, nag-react sa 2017 comment ni Aga sa kanya: "Once upon a time, he was my rock"

Si Benj Manalo ay isang Filipino aktor. Anak siya ng tanyag na komedyanteng si Jose Manalo at Anna Lyn Santos. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang Pinggoy sa hit seryeng FPJ's Ang Probinsyano, pati na rin sa iba pang palabas tulad ng On the Wings of Love at Kadenang Ginto. Bukod sa telebisyon, nagtagumpay din siya sa teatro, kasama ang Rak of Aegis. Sa kanyang personal naman na buhay, si Benj ay ikinasal kay Lovely Abella noong 2021 sa Quezon City.

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong July ay umani ng atensyon si Benj Manalo dahil sa kanyang health update. Sa Instagram, ibinahagi ni Benj ang isang video clip niya na nagpaantig sa marami. Nagsulat kasi ang aktor ng isang makabuluhang mensahe tungkol sa kanyang faith. Ang nasabing post ay may kinalaman sa kanyang post-surgery recovery.

Samantalang noong 2024 ay kumita sina Lovely Abella at Benj Manalo ng P4 milyon hanggang P5 milyon kada buwan mula sa live selling noong kasagsagan ng pandemya. Ngunit nawala ang kanilang Facebook page na may mahigit 1 milyong followers habang nasa Singapore sila para sa isang jewelry convention na nagdulot ng matinding takot sa dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco