Pamilya Gutierrez, humingi ng dasal para sa kanilang ama na si Eddie: "May everything go smoothly"

Pamilya Gutierrez, humingi ng dasal para sa kanilang ama na si Eddie: "May everything go smoothly"

  • Humiling ng panalangin si Ruffa Gutierrez para sa kanyang ama, si Eddie Gutierrez
  • Sasailalim kasi si Eddie sa kanyang unang spinal procedure sa Singapore ngayon
  • Nag-post ang aktres ng mga larawan nila kasama ang kanilang ama sa ospital
  • Nagpasalamat sila sa lahat ng nagpapakita ng suporta at nagdarasal para sa kanilang tatay

Nag-post kamakailan lang ang aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account na @iloveruffag ng mga larawan kasama ang kanyang pamilya, lalo na ang kanilang tatay na si Eddie Gutierrez, habang sila ay nasa Mount Elizabeth Hospital sa Singapore para sa isang operasyon.

Pamilya Gutierrez, humingi ng dasal para sa kanilang ama na si Eddie: "May everything go smoothly"
Pamilya Gutierrez, humingi ng dasal para sa kanilang ama na si Eddie: "May everything go smoothly" (@iloveruffag)
Source: Instagram

Ibinahagi ni Ruffa na kailangan nang sumailalim ng kanyang ama sa unang spinal procedure nito ngayon. Aniya Ruffa, si Dr. Prem Pillay ang mangunguna sa operasyon na ito ni Eddie sa Neuro Spine & Pain Center.

Ang mensahe ni Ruffa ay galing mula sa buong pamilya Gutierrez, at humihingi sila ng tulong at panalangin:

Read also

RR Enriquez, nahirapang sumawsaw sa Kim-Lakam isyu: "We have no right to judge Kim"

"Please join us in prayer as our dad, Eddie Gutierrez, undergoes his first spinal procedure today in Singapore with Dr. Prem Pillay at the Neuro Spine & Pain Center, Mount Elizabeth Hospital," ani Ruffa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa nga sa aktres, sana raw ay maging "smooth" ang operasyon ng kanilang ama sa Singapore.

"We humbly ask for prayers for a successful procedure, steady hands for the doctors, and complete healing for our dad. May everything go smoothly and unfold according to His perfect will."

Nagpasalamat din sila sa mga nagdasal, sumuporta, at nagbigay ng kabutihan sa gitna ng pagsubok na ito.

"Thank you from the bottom of our hearts to everyone who has been praying, supporting, and standing with us through this difficult journey. Your prayers, generosity, and kindness mean more to us than words can express. We truly feel your love."

Hindi rin nakalimutan ni Ruffa na batiin ang mga Pinoy nurses na nag-aalaga sa kanilang tatay sa Singapore.

"To all the Filipino nurses who are helping us here and taking such good care of our dad—maraming salamat po. Mabuhay kayong lahat!" aniya ng aktres.

Read also

PNP Bicol in full manhunt after two sisters found dead in Naga

Sa huli, nagbigay sila ng mensahe ng pag-asa sa lahat ng may pinagdadaanan sa buhay ngayon.

"To everyone facing their own battles this season, may God grant you strength, peace, and His healing embrace. From our family to yours, you are not alone. — The Gutierrez Family."

Ipinakita sa mga larawan si Eddie na naka-wheelchair, kasama sina Ruffa, Annabelle Rama, at si Mond Gutierrez. Mayroon ding larawan si Eddie habang pinapakita sa kanya ng doktor ang isang x-ray result.

Swipe left para makita ang iba pang posts:

Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, model, TV host, at beauty queen. Siya ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Noong 1993, kinoronahan siya bilang Binibining Pilipinas World at nagwaging Second Runner-Up sa Miss World na ginanap sa South Africa. Sa kanyang personal na buhay, mayroon siyang dalawang anak na babae — sina Lorin at Venice — kasama ang dati niyang asawang si Yilmaz Bektas. Bukod sa showbiz, ipinagpatuloy din niya ang kanyang pag-aaral sa Philippine Women’s University, kung saan nagtapos siya ng Communication Arts noong 2022, at nagsilbi itong inspirasyon sa maraming kababaihan na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.

Read also

Jennica Garcia, emosyonal nang makita ang sub count niya sa Twitch: "Pinapaiyak niyo ko ha"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ipinagdiwang naman ni Ruffa Gutierrez ang kaarawan ni Donita Rose sa pamamagitan ng isang taos-pusong tribute sa Instagram. Nag-post siya ng photo collage na nagpapakita ng kanilang matatag na pagkakaibigan. Nagbigay din siya ng mainit na pagbati para sa kaligayahan ni Donita. Ipinahayag din niya ang kanyang pagmamahal at pasasalamat para sa kanyang kaibigan.

Samantalang ay nagbahagi si Ruffa Gutierrez ng reflection tungkol sa walang kupas na pagmamahalan ng kanyang mga magulang. Aniya Ruffa, ang kanilang 52 taon na pagsasama ang dahilan kung bakit naniniwala siya sa “forever.” Naantig siya habang pinagmamasdan ang kanyang ina na ibinubuhos ang oras at lakas para alagaan ang kanyang ama. Dahil dito, muling pinagtibay ni Ruffa ang kanyang paniniwalang hindi dapat siya sumuko sa pangarap na magkaroon ng isang magandang pamilya balang araw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco