Alexa Ilacad, naloka sa paggamit ng isang netizen sa photo niya: "Ano po konek"

Alexa Ilacad, naloka sa paggamit ng isang netizen sa photo niya: "Ano po konek"

  • Nagpahayag ng pagkalito si Alexa Ilacad matapos makita ang kanyang larawan na ginamit sa isang post ng netizen
  • Ang caption ng post ay tungkol sa hindi pagtanggap ng disrespect at family boundaries
  • Dahil dito ay napatanong na laman si Alexa kung ano raw ang "konek" ng kanyang litrato
  • Inulan naman ng funny comments at reactions ang naturang posts na ito ni Alexa online

Nagpahayag ng pagtataka at pagkalito ang aktres na si Alexa Ilacad sa kanyang Instagram at Facebook matapos makita ang isang post ng netizen na ginamit ang kanyang larawan, kasabay ng isang mahabang caption tungkol sa mga aral sa buhay at pamilya.

Alexa Ilacad, naloka sa paggamit ng isang netizen sa photo niya: "Ano po konek"
Alexa Ilacad, naloka sa paggamit ng isang netizen sa photo niya: "Ano po konek" (@alexailacad)
Source: Instagram
Ibinahagi ni Alexa ang screenshot ng post na galing sa isang account na may nakaka-intrigue na caption na nagsisimula sa linyang: "I WILL NEVER TELL MY KIDS!"

Ang caption ay nagdetalye tungkol sa boundaries na dapat matutunan ng mga tao, lalo na ang mga bata.

"That's still your aunt. That's still your grandma. That's still your cousin. That's still your family. Family is not a a free pass to disrespect. My children will grow up knowing they don't have to accept poor treatment from anyone, blood or not. Kindness and respect are non-negotiable, regardless of the title."

Read also

Angelica Panganiban, nagpakatotoo nang matanong tungkol kay Derek Ramsay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Alexa Ilacad, naloka sa paggamit ng isang netizen sa photo niya: "Ano po konek"
Screenshot from @alexailacad on Instagram
Source: Instagram

Ang nakakagulat ay ang larawan ni Alexa, na isang black and white selfie, ang ginamit bilang visual ng post.

Hindi napigilan ni Alexa ang magtanong at magpahayag ng kanyang pagkalito sa koneksyon ng kanyang larawan at ng sensitibong topic ng caption.

Sa screenshot na ibinahagi niya sa Instagram, isinulat niya sa itaas ang: "Beh, ano kinalaman ng picture ko sa post mo HAHAHAH."

Samantalang sa Facebook naman ay muling napatanong si Alexa kung ano raw ang koneksyon nito:

"Ano po konek ng picture ko sa post na ito HAHAHAHAH ang random," aniya ng Kapamilya artist.

Si Alexa Ilacad ay isang Filipina celebrity na kilala bilang aktres, singer, host, at vlogger. Sinimulan niya ang kanyang showbiz career bilang child performer sa Goin' Bulilit. Kalaunay ay lumipat siya sa teen at adult roles at lumabas sa mga matagumpay na serye ng ABS-CBN tulad ng Luv U, Bagito, The Good Son, at ang kilalang The Killer Bride, kung saan ginampanan niya si Luna Dela Cuesta. Bukod sa pag-arte, isa ring established singer at content creator si Alexa. Sa kabila ng kanyang kasikatan, naging bukas si Alexa tungkol sa kanyang mental health struggles, kabilang ang body dysmorphia at depression. Sa ngayon, patuloy siyang nagsasalita tungkol sa self-acceptance at self-love, at nagbibigay-inspirasyon sa maraming fans.

Read also

Maxene Magalona, inaming "almost 4 years" siyang lumayo sa kanyang pamilya noon

Sa nakaraang ulat ng KAMI, hindi naitago ni Alexa Ilacad ang kanyang excitement at kilig matapos dumalo sa GMA Gala 2025. Sa Instagram, nagbahagi si Alexa ng mga larawan mula sa event na ginanap sa Pasay. Gayunpaman, ang talagang nagpasaya sa marami ay ang tinawag ni Alexa na “highlight of my night.” Ang tinutukoy niyang highlight ay ang encounter niya sa Primetime Queen ng Kapuso network, si Marian Rivera.

Samantala, noong June 2024, sinupalpal ni Alexa Ilacad ang isang basher niya sa social media. Nakakuha kasi si Alexa ng unsolicited comment tungkol sa kanyang katawan. Agad namang sumagot ang aktres at pinagsabihan ang basher dahil sa pagiging bastos nito. Ayon kay Alexa, hindi bahagi ng kanyang trabaho bilang isang artista ang pag-tolerate ng mga rude comments mula sa mga netizens sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco