Angelica Panganiban, nagpakatotoo nang matanong tungkol kay Derek Ramsay
- Natanong kamakailan lang si Angelica Panganiban tungkol kay Derek Ramsay
- Kamakailan ay na-interview kasi ang aktres sa media launch ng 'Unmarry' na movie
- Bukod sa tanong tungkol kay Derek, natanong din si Angelica ukol sa toxic relationships
- Marami naman ang humanga kay Angelica dahil sa pagpapakatotoo nito sa harap ng press
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng candid na pananaw ang aktres na si Angelica Panganiban tungkol sa mga toxic relationship at ang proseso ng healing, sa kasagsagan ng media launch ng kanyang bagong pelikula, ang Unmarry.

Source: Youtube
Sa video ng ABS-CBN, tinanong si Angelica tungkol sa hirap ng pag-alis sa isang toxic relationship. Inamin niya na ang pinakamalaking hamon ay ang pagtanggap sa sarili na nasa ganitong sitwasyon ka.
"Mahirap ah, kasi hindi mo alam kung andun ka eh, mahirap siyang damahin o kapain. Kasi of course, minsan, in denial ka na it's really happening sa sarili mo na, 'Talaga ba? Nasa toxic relationship ako?'"

Read also
Melai Cantiveros, proud sa pagiging 'old school' ng mister: "Wala siyang pakiaalam sa pera ko"
Ayon kay Angelica, malaki ang laban sa sarili dahil tila sa ego na humahadlang sa pagtanggap ng tulong.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"And as much as possible, dahil sa ego mo, hindi mo i-entertain yung ganung klaseng idea kahit pa na sabihin sa'yo ng mga tao sa paligid mo na, 'Tama na 'yan, hindi na healthy yung relationship niyo, at red flag yang tao na 'yan,' eh mahirap. Ikaw lang din talaga ang kakalas sa ganung klase ng relationship when you've had enough."
Sa kabila ng hirap ng pag-alis, iginiit ni Angelica na ang healing process ay hindi dapat katakutan ng mga tao.
"Ang akala ng mga tao na ang healing ay nakakatakot na proseso, but no, ang healing? Ang sarap niyang journey, na for me ha, diba pag nagkakasakit tayo tas alam mong pagaling ka na, tapos ka na dun sa nilalagnat ka, dun sa halimbawang surgery, kapag andun ka na sa healing? Kasi alam mong patapos na siya eh, alam mong it's only gonna get better."
Ngunit nang tanungin siya kung naging toxic ba ang relasyon nila noon ni Derek, pinili ni Angelica na iwasan ang direktang sagot at sa halip ay siniguradong patuloy niyang ma-protektahan ang "peace" na meron siya.
"Yung sa amin? Siguro, tulad nung sabi ko kanina, meron akong peace ngayon na sobra kong iningatan at patuloy na iniingatan, and I really don't want na mag-comment sa kahit na ano from my past."
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Angelica Panganiban ay isang Filipina actress, komedyante, at television host na kilala sa kanyang husay sa parehong drama at komedya. Nagsimula siya bilang child actress at sumikat sa kanyang mga papel sa iba't ibang teleserye at pelikula. Ipinamalas niya ang kanyang galing sa drama sa mga teleseryeng tulad ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife, kung saan hinangaan ang kanyang intense na mga roles. Kilala rin siya sa kanyang talento sa komedya, lalo na sa programang Banana Split. Noong 2022, isinilang niya ang kanyang unang anak kasama ang partner niyang si Gregg Homan, bilang bahagi ng kanyang bagong yugto bilang isang ina.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi kamakailan ni Angelica Panganiban na dumaan siya sa "5 sleepless nights." Sa Instagram, ibinunyag ni Angelica ang pagkakaroon ng sakit ni Amila Sabine. Gayunpaman, nagpasalamat pa rin si Angelica matapos gumaling ang anak. Marami naman ang tila naka-relate sa pag-aalaga at sakripisyo ni Angge para kay Amila.

Read also
Baron Geisler, inilahad kung gaano ka-instrumental ang kanyang misis sa pagiging grounded niya
Samantalang ay binalikan ni Angelica Panganiban ang postpartum phase niya kamakailan. Sa opisyal na guesting niya sa podcast ni Alyssa Valdez, isang volleyball player, labis na nag-open up ang aktres. Aniya, umabot pa sa puntong naging posessive din siya kay Amila noon. Biro pa nga ng kilalang aktres kay Alyssa sa naturang podcast, "Teh, baliw lang."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
