Kim Chiu, nag-post ng video montage na may makabuluhang audio: "I'm exhausted"
- Nagbahagi si Kim Chiu ng isang emosyonal na video montage na may audio tungkol sa pagod
- Aniya ng isang babae sa audio na ginamit ng Kapamilya star, "I’m exhausted by strength"
- Ang post na ito ay ang kanyang unang update matapos niyang mag-file ng kasong qualified theft laban sa kanyang kapatid
- Ang paggamit ni Kim ng audio ay nagpahiwatig ng kanyang pagiging vulnerable sa gitna ng kanyang mga personal at legal battle
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbahagi ang kilalang aktres na si Kim Chiu ng isang striking at emosyonal na video montage sa kanyang opisyal na Instagram account, na tila nagpapahayag ng pagod at pangangailangan para sa suporta.

Source: Instagram
Ang post ay isang series ng mga candid na clip ng Kapamilya star habang siya ay nasa iba't ibang mga trips o travels, sinamahan niya ito ng isang voice-over audio na nagsasalita tungkol sa bigat ng pagiging strong.
Ang audio na ginamit ni Kim sa kanyang montage ay tumutukoy sa pagod sa patuloy na pagpapakita ng lakas at ang pagnanais para sa pagmamahal at suporta, bagay na nagpaantig sa puso ng mga fans niya.
"I dream of never being called strong again. I’m exhausted by strength. I want support, I want love, I want understanding, not patted on the back for how well I take a hit," aniya ng audio.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang emosyonal na post ni Kim ay lumabas bilang kanyang unang update matapos ang kontrobersyal na balita kung saan nag-file siya ng kasong qualified theft laban sa kanyang kapatid na si Lakambini Chiu.
Sa kabila ng personal na struggles na ito, pinili ni Kim na ipahayag ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng makabuluhang post na nagpapakita ng kanyang pagiging human at vulnerable sa kanyang mga followers.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Kim Chiu ay isang Filipina actress, television host, at singer na sumikat matapos niyang manalo sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006. Kilala siya sa lokal na showbiz bilang "Chinita Princess." Matapos ang kanyang tagumpay sa PBB, naging isa siya sa mga pangunahing artista ng ABS-CBN, at gumanap sa mga sikat na teleserye tulad ng Sana Maulit Muli, My Girl, Ina, Kapatid, Anak, at Love Thy Woman. Bukod sa pag-arte, isa rin siya sa mga hosts sa It's Showtime.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagpahayag si Kim Chiu ng pagtataka dahil sa "nakakaloka" na pag-relapse ng mga netizen. Ang tweet ay tila patama sa mga nag-e-emote dahil sa reunion nila ni Gerald Anderson. Sa naturang tweet, nabanggit pa nga ni Kim na, "Akala mo talaga di tayo niloko 15 years ago!". Ang post ay nagbigay-diin sa kanyang paninindigan na ang nakaraan ay dapat nang iwanan.
Samantalang ay nag-alay si Kim Chiu ng birthday greeting para kay Angelica Panganiban. Sa nasabing Instagram story ni Kim, biniro pa niya si Angelica at tinawag na "patron saint. Ipinahayag ni Kim na ang kanilang friendship ang nagbigay sa kanya ng "mga panahong mega laugh ako. Ang post ay nagpapakita ng kanilang walang patid na pagmamahalan at matibay na samahan sa showbiz.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

