Jessy Mendiola, may pasilip sa simple ngunit heartwarming na birthday celebration niya

Jessy Mendiola, may pasilip sa simple ngunit heartwarming na birthday celebration niya

  • Ibinahagi ni Jessy Mendiola ang mga larawan ng kanyang simple ngunit heartwarming na birthday celebration
  • Makikita sa post si Jessy, si Luis Manzano, at ang anak nilang si Isabella Rose sa harap ng maraming cakes
  • Ipinahayag ng Kapamilya artist ang kanyang pasasalamat at contentment sa buhay
  • Ang simpleng selebrasyon na ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pamilya at gratitude

Nagbigay ng candid at sweet na glimpse ang aktres na si Jessy Mendiola sa kanyang birthday celebration kasama ang kanyang pamilya, matapos siyang mag-post ng isang carousel ng mga larawan sa Instagram.

Jessy Mendiola, may pasilip sa simple ngunit heartwarming na birthday celebration niya
Jessy Mendiola, may pasilip sa simple ngunit heartwarming na birthday celebration niya (@jessymendiola)
Source: Instagram

​Sa photos, makikita si Jessy na nakangiti, kasama ang kanyang asawang si Luis Manzano at ang kanilang unica hija na si Isabella Rose o Baby Rosie, na nakaupo sa harap ng isang lamesa na puno ng mga cakes.

​Ang caption ng aktres ay nagbigay-diin sa kanyang pasasalamat at contentment sa kanyang buhay kasama ang pamilya na binuo nila ni Luis: ​"I've got everything I need right here. Grateful," aniya Jessy sa post.

Read also

Angeline Quinto, pinuri dahil sa ginawa niya sa isang lola habang siya ay nagpe-perform

​Ang kanyang pahayag ay nagpapakita na ang tunay na kaligayahan niya ay hindi matatagpuan sa grand parties, kundi sa simple moments na kasama niya ang kanyang asawa at ang kanilang cute na anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

​Ang birthday celebration na ito ay nagbigay inspirasyon sa kanyang mga fans tungkol sa halaga ng pamilya.

​Samantalang sa ika-33 niya na kaarawan, ibinahagi rin ni Jessy ang isang magandang photoshoot. Kalakip ng post na ito ay ang isang madamdaming reflection tungkol sa kanyang natutunan sa edad na 33.

Swipe left para makita ang iba pang photos:

Si Jessy Mendiola ay isang sikat na Filipina aktres. Noong 2007, opisyal siyang inilunsad bilang bahagi ng Star Magic Batch 15 ng ABS-CBN. Sa sumunod na mga taon, gumanap siya sa ilang mga supporting role sa serye at kalaunan ay bumida na rin sa ilang hit series tulad ng Budoy, Paraiso, at Maria Mercedes. Bukod sa kanyang mga tungkulin sa telebisyon, nagkaroon din siya ng ilang pagganap sa pelikula. Sa kanyang personal na buhay naman ay kasal siya kay Luis Manzano at sila ay may isang anak na nagngangalang Isabella Rose, na tinatawag din nilang Rosie o Peanut.

Read also

Baron Geisler, inilahad kung gaano ka-instrumental ang kanyang misis sa pagiging grounded niya

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Jessy Mendiola ng pasasalamat para sa opisyal na pagbabalik ng kanyang asawang si Luis Manzano bilang host ng Pinoy Big Brother. Labis na pinasalamatan ni Jessy ang management ng ABS-CBN at GMA Network para sa opportunity na ibinigay kay Luis. Tinawag ni Jessy si Luis na "nag-iisang pambansang host" at ipinahayag ang kanyang kagalakan para sa kanyang asawa. Ang pagbabalik ni Luis ay sinalubong ng mainit na pagtanggap online.

Samantalang si Jessy Mendiola ay naging usap-usapan dahil sa kanyang interview. Kamakailan ay ininterview kasi si Jessy ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel. Dito ay natanong ni Ogie si Jessy sa kung anong "fake news" ang gusto niyang linawin. Nabanggit tuloy ni Jessy ang isyung "third party" niya noon sa nasabing interview, bagay na pumukaw sa atensyon ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco