IG Story ni Ellen Adarna tungkol sa “YYSS”, usap-usapan online

IG Story ni Ellen Adarna tungkol sa “YYSS”, usap-usapan online

  • Nag-post si Ellen Adarna ng IG Story na may linyang “If merong GGSS… meron din YYSS” na agad nagdulot ng usapan online
  • Wala siyang binanggit na pangalan ngunit inilabas ito kasabay ng mainit na isyu nila ni Derek Ramsay
  • Matatandaang sa dati niyang IG Q and A, diretsahan niyang sinagot ang mga tanong ng netizens tungkol sa kanilang sitwasyon at sa pagkakasangkot ni John Lloyd Cruz
  • Patuloy siyang humaharap sa mga isyu sa mahinahon na paraan habang naka-focus sa pag-aayos ng kanyang buhay kasama ang anak niyang si Elias

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Usap-usapan ngayon ang panibagong IG Story ni Ellen Adarna kung saan nag-post siya ng linyang “If merong GGSS.. meron din YYSS” at sinundan ito ng “Yanan yaman sa sarili..”. Wala siyang direktang binanggit na pangalan, pero maraming netizens ang nag-uugnay nito sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Derek Ramsay, lalo na’t kasunod ito ng mga naging pahayag niya sa Instagram nitong mga nagdaang araw.

Read also

“Sobrang bigat.” Kim Chiu, emosyonal matapos ireklamo ang kapatid na si Lakam

IG Story ni Ellen Adarna tungkol sa “YYSS”, usap-usapan online
IG Story ni Ellen Adarna tungkol sa “YYSS”, usap-usapan online (📷@maria.elena.adarna/IG)
Source: Instagram

Matatandaang kamakailan ay nagbigay si Ellen ng sunod-sunod na sagot sa mga tanong ng netizens sa kanyang IG Stories. Isa sa mga pinaka-pinag-usapan ay ang tungkol sa kanyang kasalukuyang living arrangement. Ayon sa aktres, nakatira pa siya sa bahay ni Derek kasama ang anak niyang si Elias dahil hindi pa tapos ang pag-aayos ng sarili niyang tahanan. May malinaw daw silang napagkasunduan na pansamantala munang hindi uuwi si Derek upang maging maayos ang sitwasyon.

Tinanong din siya tungkol sa isyu kung bakit umano niya dine-deny noon ang ibinunyag ni Xian Gaza na hiwalay na sila. Agad niyang nilinaw na hindi siya nag-deny; hindi lang daw siya handang magsalita noong panahon na iyon at hindi niya gustong ilabas agad ang nangyayari sa kanilang relasyon. Ayon sa kanya, gusto niyang hintayin ang tamang oras.

Nagbigay din siya ng reaksyon sa komento ni Xian tungkol sa umano’y pagiging billionaire ni Derek. Doon niya nabanggit si John Lloyd Cruz, ang ama ng kanyang anak. Aniya, mas naramdaman daw niya ang pagiging maalaga at may kakayahan si JLC, lalo na nang mag-charter ito ng private plane para makita si Elias noong kasagsagan ng COVID. Dahil dito, nag-react ang maraming netizens at sinabing malinaw ang mensahe ni Ellen tungkol sa pagiging hands-on at consistent ni John Lloyd bilang ama.

Read also

Buong pahayag ni Kim Chiu ukol sa reklamo laban sa kapatid, inilabas

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa pa sa naging tanong sa kanya ay kung bakit sinabi ni Derek na hindi sila hiwalay kahit na may mga lumalabas nang post na taliwas dito. Sagot ni Ellen, matagal na silang hiwalay nang sumabog ang isyu at pinili niyang manahimik dahil hindi pa niya kayang pag-usapan noon ang kanilang sitwasyon.

Para sa mga sumubaybay sa kanilang relasyon, malinaw na nasa yugto si Ellen ng pag-aayos ng buhay, at naka-pokus siya sa pagiging hands-on na ina kay Elias. Habang lumalabas ang iba’t ibang spekulasyon, pinili pa rin niyang maging tapat sa paraan na komportable para sa kanya.

Si Ellen Adarna ay isang modelo at aktres na matagal nang nasa industriya. Kilala siya sa pagiging prangka at transparent sa social media, lalo na pagdating sa motherhood at personal na sitwasyon. May anak siya kay John Lloyd Cruz, at kahit hiwalay na sila bilang magkapareha, nananatiling maayos ang kanilang pagiging magulang kay Elias. Isa si Ellen sa mga personalidad na laging nagiging sentro ng usapan dahil sa kanyang candid posts at uncensored humor.

Read also

Maxene Magalona nag-sorry sa ina matapos ang masinsinang pag-uusap nila sa podcast

Samantala,iniulat ng KAMI ang pag-alis ni Ellen mula sa bahay na tinitirhan nila ni Derek. Makikita sa mga larawan na nagtulak siya ng malalaking maleta at nagpasalamat sa mga kaibigan na tumulong sa kanya. Ipinakita rin dito ang paspasang transition ni Ellen habang inaayos ang bagong chapter ng kanyang buhay. Ang pangyayaring ito ay nagbigay ng dagdag na konteksto sa estado ng kanilang relasyon.

Matatandaang, nagbahagi si Ellen ng biro sa gitna ng isang isyu tungkol sa flood control project. Habang abala siya sa pag-iimpake, nagbigay siya ng playful remark na mabilis ding kumalat online. Muli nitong ipinakita ang natural na personalidad ni Ellen na may halong humor kahit sa gitna ng personal na pagsubok. Nagdagdag ito ng kulay sa sunod-sunod niyang IG updates.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate