Baron Geisler, inilahad kung gaano ka-instrumental ang kanyang misis sa pagiging grounded niya

Baron Geisler, inilahad kung gaano ka-instrumental ang kanyang misis sa pagiging grounded niya

  • Ibinahagi ni Baron Geisler na "very instrumental" ang kanyang asawang si Jamie Marie sa buhay niya
  • Aniya ng aktor, pag-uwi niya ng bahay, hindi siya artista kundi isang ama at asawa
  • Bilang isang psychologist, tinatapik siya ni Jamie paminsan kapag may nakikitang behaviors na tila bumalaik
  • Lubos siyang nagpapasalamat sa suporta ni Jamie sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay

Ibinahagi ng aktor na si Baron Geisler kung gaano naging malaking tulong ang kanyang asawa, si Jamie Marie, sa kanyang paglalakbay tungo sa paggaling at pagbabagong-buhay, lalo na sa pagiging grounded.

Baron Geisler, inilahad kung gaano ka-instrumental ang kanyang misis sa pagiging grounded niya
Baron Geisler, inilahad kung gaano ka-instrumental ang kanyang misis sa pagiging grounded niya (@baron.geisler)
Source: Instagram

Sa isang panayam kasama si Bianca Gonzalez para sa TFC's BRGY, inilahad ni Baron kung paano naging stabilizing force si Jamie sa kanyang buhay at karera, bagay na labis niyang ipinapasalamat palagi.

​Ayon kay Baron, malaki ang naitulong ng kanyang misis sa kanyang pagbabago at pananaw sa buhay.

​"Si Jamie very instrumental kasi dahil sa kanya grounded ako. Pagdating sa bahay hindi ako artista. Pagdating sa bahay ano ako, father, husband," pahayag niya.

Read also

Bettinna Carlos, ibinunyag ang kanyang pagbubuntis: "And 2 on the way"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

​Bilang isang psychologist, malaki rin ang tulong ni Jamie sa pagsubaybay sa mental health at well-being ni Baron, kung saan napaamin pa nga ang aktor na paminsan ay 'natatapik' pa rin siya ng kanyang misis.

​"Pag may nakikita siyang behaviors na bumabalik, tinatapik niya ako, kasi psychologist yan si misis so nakikita niya yung patterns ko," aniya.

​Lubos ang pasasalamat ni Baron kay Jamie dahil sa suporta nito sa bawat aspeto ng kanyang buhay.

​"I am grateful na nandiyan siya to help me with everything. Taking care of the kids, our marriage, my life, my sobriety, and my career. And my relationship also with God," pagbabahagi ni Baron.

​Ang kanilang matibay na pagsasama at suporta ay nagsilbing pundasyon para tuluyan nang makabangon si Baron at maging isang better man para sa kanyang pamilya, at pati na rin sa kanyang karera sa showbiz.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Baron Geisler ay isang kilalang aktor sa Pilipinas na sumikat sa larangan ng pelikula at telebisyon simula noong dekada '90. Una siyang nakilala bilang bahagi ng youth-oriented show na Ang TV, at mula noon ay naging bahagi ng maraming teleserye at pelikula. Kilala si Baron sa kanyang husay sa pag-arte, lalo na sa mga kontrabida at dramatic roles niya. Bukod sa kanyang talento, naging kontrobersyal din si Baron dahil sa kanyang personal na buhay. Gayunpaman, sa mga nakaraang taon ay unti-unti siyang nagbago, bagay na kanyang ikinuwento sa publiko. Siya ay nagpa-rehab, naging mas bukas tungkol sa kanyang mental health journey, at kalaunan ay tumanggap ng mga proyekto na mas makabuluhan para sa kanyang buhay at karera.

Read also

Sikat na YouTuber, hindi inaasahang biglang namatay sa edad na 27

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ipinagmalaki ni Baron Geisler ang kanyang misis na si Jamie dahil sa pagsama nito sa kanya sa The Delivery Rider. Nagpahayag siya ng tuwa na magkasama sila sa isang eksena, at pabirong sinabing "nag-upgrade na" ang papel ni Jamie. Binigyang-diin ng aktor na ang paglahok ng kanyang asawa ay dahil sa pagsuporta sa kanilang adbokasiya. Sa dulo ng post, tinawag ni Baron na "rock" at "peace" ang misis niya.

Samantalang ay muling pinahanga ni Baron Geisler ang publiko dahil sa kanyang recent Instagram post. Sa nasabing post, taos-pusong binati ni Baron ang kanyang misis na si Jamie Geisler. Aniya Baron, napaka-swerte raw niya na si Jamie ang kanyang napangasawa. Ngunit di lamang si Baron ang bumati kay Jamie kundi pati na rin si Sophia Angela.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco