Alden Richards, naloka sa pag-uusap ng isang ginang at ng anak nito bago magpa-picture
- Nag-viral si Alden Richards dahil sa kanyang reaksyon sa isang fan na gustong magpa-picture
- Pabirong sumagot kasi ang anak ng ginang ng "ayoko" nang utusan niya ito na kuhanan sila ng litrato
- Ang video na ito ay umabot sa 1.7 milyong views, na nagpapakita ng nakakaaliw na reaksyon ni Alden
- Aniya pa kasi ng ginang sa kanyang anak, "Nakakayamot ka!" na lalong nagpatawa sa Kapuso star
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling nag-viral sa social media si Alden Richards dahil sa kanyang nakakatawa na reaksyon sa isang fan na gustong magpakuha ng litrato kasama siya.

Source: Instagram
Ang video, na ibinahagi sa Instagram, ay makikita si Alden na nakaupo at naka-barong sa isang event, nang biglang lumapit ang isang ginang sa kanya.
Ayon sa text sa video, sinabi ng ginang sa kanyang anak na, "Bunso! Picturan mo kami ni Alden!"
Ngunit ang naging highlight ng video ay ang mabilis at pabirong sagot ng anak ng "ayoko" sa kanyang ina na labis na ikinagulat ni Alden sa naturang video.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang ginang, na tila nagulat sa sinabi ng kanyang anak ay napamura na lamang, bagay na lalong nagpatawa pa nga kay Alden na hindi na matago ang tawa niya.
Ang kaganapan na ito ay kuha ng mga user na sina @lester_abion27 at @theaguinaldos8 at mabilis itong kumalat online. Sa Instagram pa lamang, umabot na sa 1.7 milyong views ang video, na patunay sa natural at approachable na personalidad ni Alden na labis na minamahal ng kanyang mga fans.
Ang interaksyon na ito ay nagpakita kung gaano ka-komportable at masayahin si Alden kahit sa gitna ng pagiging sentro ng atensyon, lalo na sa mga fans niya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Alden Richards ay isang sikat na Kapuso actor, singer, host, at host. Una siyang nakilala sa GMA-7 matapos sumali sa reality show na StarStruck. Mas lalo siyang sumikat sa mga teleserye tulad ng Alakdana, One True Love, at Victor Magtanggol, at kinilala rin bilang isang mahusay na dramatic actor. Taong 2015 naman nang lalong sumabog ang kasikatan ni Alden dahil sa phenomenal love team na AlDub kasama si Maine Mendoza sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Dahil dito, naging isa siya sa pinaka-prominent leading men sa industriya, nakagawa rin ng blockbuster movies, at nakatanggap ng maraming parangal. Bukod sa showbiz, kilala rin si Alden sa kanyang pagiging family-oriented, at sa pagiging malapit sa mga fans.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inalala ni Alden Richards ang ika-10 anibersaryo ng iconic na Kalyeserye segment ng Eat Bulaga. Mahalaga ang segment na ito dahil dito nabuo ang phenomenal AlDub tandem na kinabibilangan nina Alden at Maine Mendoza bilang Yaya Dub. Sa isang taos-pusong post, pinarangalan ni Alden ang mga alaala at masasayang sandaling binigay ng segment. Nagdulot naman ng matinding nostalgia sa mga AlDub fans ang tribute post ng Kapuso actor.
Samantalang ay ibinahagi ni Alden Richards sa isang panayam sa 24 Oras na ang 2024 ang itinuturing niyang pinaka-lowest point ng kanyang buhay at inilarawan niya ito na tila "rock bottom." Ayon sa aktor, bagama’t hindi siya clinically diagnosed, naramdaman niya ang tinawag niyang "depression at its finest."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

