Karla Estrada, napa-comment sa video ni Lella at Joaquin sa loob ng 'PBB' house
- Kinilig si Karla Estrada matapos niyang i-post ang video ng anak niyang si Lella Ford at ni Joaquin Arce sa Bahay ni Kuya
- TIla tukoy ni Karla ang naramdaman ng kanyang anak nang makita ang clip
- Ang viral clip ay nagpakita kasi ng closeness kina Lella at Joaquin habang sila ay nag-uusap dalawa
- Ang reaksyon ni Karla ay nagpatindi sa kilig ng mga netizen at nagbigay suporta sa "LelQuin"
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi napigilan ng Queen Mother na si Karla Estrada ang mapa-comment matapos mag-viral ang isang clip sa social media na nagpapakita ng closeness ng kanyang anak na si Lella Ford at ni Joaquin Arce, ang anak ng film producer na si Neil Arce, sa loob ng Bahay ni Kuya.

Source: Instagram
Ipinost ni Karla sa kanyang Facebook account ang screenshot ng video nina Lella at Joaquin, na nagpapakita ng tila lowkey smile ni Lella habang kausap ang binata.
Sa video, makikitang nag-uusap at nagtutulungan sina Lella at Joaquin, na nagpakilig sa mga netizen na tila may namumuong spark sa pagitan ng dalawa.
Dahil dito, hindi pinalampas ni Karla ang pagkakataon na mag-react sa ipinakitang smile ng kanyang anak, "Kilala ko yang lowkey smile mo, Le."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang post na ito ni Karla ay mabilis na umani ng libu-libong reactions at comments mula sa mga netizens na kinikilig sa love team na tinawag nilang "LelQuin."
Ang video ay sinamahan ng soundtrack na 'Kusapiling' ni Anthony Meneses, isang kanta tungkol sa pagnanais na makasama ang minamahal, na lalong nagdagdag ng tila romantic na vibe sa naturang clip na ngayon ay viral sa social media.
Ang smile ni Lella at ang candid na reaksyon ni Karla ay kinaaliwan ng marami. Ang pag-e-endorso ni Karla sa tandem ay nagpatindi pa sa pananabik ng viewers sa kung ano ang susunod na mangyayari sa dalawa sa loob ng Bahay ni Kuya.

Source: Instagram
Si Karla Estrada ay isang Filipina actress, singer, at television host na kilala sa kanyang mga papel sa pelikula at teleserye. Naging bahagi siya ng iba't ibang TV shows at pelikula mula sa ABS-CBN. Bukod sa pag-arte, sumabak din siya sa pagkanta. Mas lalo pa siyang nakilala sa telebisyon bilang isa sa mga co-host ng morning talk show na Magandang Buhay, kung saan nakilala siya sa kanyang pagiging prangka at makuwelang personalidad. Sa personal na buhay, si Karla ay ina ng aktor at dating Teen King na si Daniel Padilla, pati na ng kanyang iba pang mga anak na sina JC, Magui, at Carmella. Bukas siya sa pagbabahagi ng kanyang karanasan bilang single mom at inspirasyon sa maraming ina na nagsusumikap para sa kanilang pamilya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbigay si Karla Estrada ng suporta sa kanyang anak na si Lella Ford matapos itong makita na umiiyak sa PBB. Pinaalalahanan niya si Lella na "hindi palaging mali ang pumili ng ikabubuti mo." Binigyang-diin ni Karla na ang mahalaga ay "malinis ang intensyon" ni Lella at alam nitong tama ang kanyang mga desisyon at pinipili.
Samantalang noong May, sa one-on-one interview nila, inamin ni Karla Estrada na minsan siyang nainis sa entertainment columnist na si Ogie Diaz. Nilinaw ni Karla na mas pinipili niyang unahin ang kanilang pagkakaibigan kaysa sa tampo o sama ng loob. Ibinahagi rin ni Karla ang pananaw niya sa naging breakup nina Daniel at Kathryn Bernardo noong November 2023.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

