Lars Pacheco, nagsalita matapos maugnay sa hiwalayan nina Clyde at Airha

Lars Pacheco, nagsalita matapos maugnay sa hiwalayan nina Clyde at Airha

  • Lars Pacheco nilinaw na wala silang balikan ni Clyde Vivas
  • Nagsimula ang usapan nang mag-post si Airha Shane Lee ng video tungkol sa kanilang paghihiwalay
  • Nagpaigting ang haka-haka matapos mag-post si Clyde ng clip kasama ang kamay ng isang babae
  • Lars nag-react online matapos siyang mamension nang paulit-ulit tungkol sa isyu

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling naging usap-usapan sa social media sina Lars Pacheco at Clyde Vivas matapos lumutang ang mga haka-hakang nagkabalikan umano sila. Ang usapin ay sumabog online kasabay ng emosyonal na post ni Airha Shane Lee, kasintahan ni Clyde, kung saan ibinahagi niyang hindi na sila magkasama.

Lars Pacheco, nagsalita matapos maugnay sa hiwalayan nina Clyde at Airha
Lars Pacheco, nagsalita matapos maugnay sa hiwalayan nina Clyde at Airha (đź“·Lars Pacheco/Facebook)
Source: Facebook

Maraming netizens ang agad na naghinala na may kinalaman dito si Lars, kaya napilitan na ring magsalita ang beauty queen at content creator.

Nagsimula ang diskusyon nang mag-upload si Airha ng video kung saan makikita siyang lumuluha. “The tears say it all, we're not together anymore,” ayon sa caption ng clip na agad naging viral. Marami ang nagpaabot ng mensahe sa kanya, ngunit aminado siyang hindi pa siya handang pag-usapan nang buo ang nangyari. “I'm not ready to talk about what happened… I'll talk about it when the time feels right,” dagdag pa niya.

Read also

Olympic boxer Hergie Bacyadan at asawang si Lady Digo, magkaka-baby na

Habang umiinit ang publisidad sa pahayag ni Airha, umigting pa ang mga espekulasyon nang mag-post si Clyde ng clip na naglip-sync lamang. Ngunit ang pumukaw ng pansin ng netizens ay ang kamay ng isang babae na bigla na lang sumulpot upang punasan ang gilid ng kanyang labi. Marami ang nagkomento na tila kamukha raw iyon ng kamay ni Lars, dahilan upang mag-trending muli ang kanilang dating relasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nagtagal, bumuhos sa social media accounts ni Lars ang mga tag, mentions, at komento mula sa mga nakakita ng clip. Dahil dito, naglabas siya ng kanyang sariling pahayag upang tapusin ang mga tsismis. “Di [kami] nagkabalikan ni Clyde pero kung tungkol sa lapad, i-spill the tea mo at sa mga ka-vid call niya, go mo na. [Tapos] ako naman. HAHAHA te kalma ha,” aniya. Sa mas magaan na tono, ipinahiwatig ni Lars na hindi dapat siya ang sentro ng isyu at may mga bagay pa raw na maaaring mas tutukan ng publiko kung nais nilang alamin ang buong kuwento.

Read also

Sam YG, nagbahagi ng video ng gov’t-tagged vehicle na may mga maleta sa likod

Sa nakalipas na taon, naging bukas si Lars tungkol sa mga pinagdaanan nila ni Clyde. Noong Agosto, inamin niya sa isang video online na hindi siya naging tapat sa kanilang relasyon at tatlong beses siyang nagkaroon ng pagkakamali sa panahong sila pa. Samantala, sa isang panayam noong Setyembre, sinabi naman ni Clyde na mayroon na siyang espesyal na tao, na ikinatuwa ng maraming tagasuporta niyang umaasang makapagmove-on siya nang maayos.

Sa gitna ng lahat ng ito, malinaw sa pahayag ni Lars na wala silang muling ugnayan romantically at hindi ito nakaapekto sa sitwasyon nina Clyde at Airha. Mas pinili niyang sagutin ang isyu nang diretsahan upang matigil ang pagkaladkad sa kanya, lalo na ngayong sensitibo at sariwa pa ang pinagdaanan ng dating kasintahan ni Clyde.

Si Lars Pacheco ay isang transwoman beauty queen at social media personality na unang sumikat sa online community dahil sa kanyang pagiging candid, witty, at relatable. Si Clyde Vivas naman ay isang content creator na nakilala rin sa social platforms. Ang kanilang dating relasyon ang madalas pinag-uusapan noon dahil parehong bukas ang dalawa sa pagsagot sa mga tanong ng fans tungkol sa kanilang samahan.

Read also

Kylie Padilla, nag-react sa video na binahagi ni AJ Raval

Clyde Vivas, nililigawan na raw: “Panibagong chapter na ako” Sa isang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Clyde na may bago na siyang nililigawan. Aniya, nasa panibagong yugto na siya ng kanyang buhay at mas nakatuon ngayon sa personal na pag-unlad at mga bagong oportunidad. Ang pahayag niyang ito ay nagbigay-linaw na nakausad na siya mula sa nakaraang relasyon.

Clyde speaks after Lars Pacheco’s confession Sa isa pang artikulo ng KAMI, nagbigay ng reaksyon si Clyde matapos ang pag-amin ni Lars tungkol sa kanilang nakaraan. Ibinahagi niya ang kanyang saloobin nang mahinahon at nagpasalamat sa mga taong sumuporta sa kanya. Nakatulong ito upang mas maintindihan ng publiko ang magkabilang panig sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate