Iya Villania, isinama ang mga yaya ng kanyang mga anak sa Disneyland
- Isinama ni Iya Villania ang mga yaya ng kanyang mga anak sa isang trip sa Disneyland sa Shanghai, China
- Ibinahagi ni Iya na matagal na niyang pangarap na maisama ang mga yaya sa kanilang trip, na aniya'y "dream come true"
- Ang pagpapasama niya sa mga yaya ay nagpapakita ng malaking pagkilala at pagmamahal sa mga ito bilang bahagi ng kanilang pamilya
- Si Iya at ang kanyang mister na si Drew Arellano ay may limang anak na sina Primo, Leon, Alana, Astro, at Anya Love
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbigay ng matinding inspirasyon ang host at celebrity mom na si Iya Villania matapos niyang ibahagi ang isang heartwarming na story sa Instagram, kung saan isinama niya ang mga yaya ng kanyang mga anak sa isang trip sa Disneyland sa Shanghai, China.

Source: Instagram
Sa now-expired na Instagram story ni Iya, nag-upload siya ng larawan ng kanyang mga anak at ang kanilang mga yaya na magkakasama, sa harapan ng sikat na theme park. Ang kanyang mensahe ay puno ng pasasalamat dahil nagawa niyang maisakatuparan ang pangarap niyang ito.
"It's been a dream of mine to take our ate's on a trip with us. This is our first trip abroad together (for a super last minute trip considering there are visas involved), so glad everything worked out! TYL!"
Ang pagsama ng kanilang mga yaya sa naturang trip ay nagpakita ng malaking pagpapahalaga at pagkilala ni Iya sa serbisyo at pagmamahal na ibinibigay ng mga ito sa mga anak nila ni Drew Arellano.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Iya Villania ay ikinasal sa kanyang asawa na si Drew noong 2014, at biniyayaan sila ng apat na anak na sina Primo na pinanganak noong 2016, si Leon na ipinanganak noong 2018, si Alana na pinanganak noong 2020, si Astro na ipinanganak noong 2022, at si Anya na ipinanganak nitong 2025 lamang.
Ang pag-aalaga sa limang bata ay nangangailangan ng malaking tulong, at ang pagmamahal na ibinibigay ni Iya sa kanyang mga yaya ay nagpapatunay na itinuturing niya ang mga ito bilang bahagi na ng kanilang pamilya. Ang biyahe sa Disneyland ay isang thank you gift na siguradong hinding-hindi malilimutan ng kanilang mga kasambahay, bagay na hinangaan ng maraming netizens online.
Si Iya Villania ay isang Filipina TV host, actress, singer, at model. Nagsimula ang kanyang karera sa telebisyon noong 2003 sa interactive program na Game Channel. Pagkatapos nito, lumabas siya sa daytime drama ng GMA Network na Walang Hanggan at Click. Noong 2004, lumipat siya sa ABS-CBN, kung saan naging VJ siya ng MYX at lumabas sa mga palabas tulad ng ASAP at Wowowee. Noong 2014, bumalik si Iya sa GMA Network. Sa personal naman niyang buhay, siya ay kasal kay Drew Arellano at may lima silang anak na sina Primo, Leon, Alana, Astro, at Anya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Iya Villania na ibinebenta na nila ang kanilang Sydney apartment. Aniya Iya, isa itong 2-bedroom at 2-bathroom unit na nasa magadang lokasyon. Bukod sa balitang ito, ibinahagi rin ni Iya ang "reason for selling" nila sa unit. Dahil dito, umani naman ng ilang papuri ang celebrity mom sa social media app.
Samantalang ay nag-react si Iya Villania sa desisyon ni Camille Prats na magpahinga muna. Nauna nang naging usap-usapan si Camille nang ibahagi niya ang tungkol sa kanyang pagpapahinga mula sa mga teleserye. Sa Instagram, muling ibinahagi ni Iya ang isang quote card ni Camille at nagsulat ng maikling mensahe. Sa kanyang post, buong suporta ang ipinakita ni Iya para sa kanyang "mars" sa social media, na nakaantig sa puso ng mga fans.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

