Jinkee Pacquiao, may bagong pasilip sa kanyang apo na si Clara
- Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang mga bagong larawan ng kanyang unang apo, si Baby Clara, sa Instagram
- Ang mga larawan, na kuha sa Los Angeles, ay nagpakita ng masayang family bonding ni Baby Clara
- Ipinahayag ni Jinkee ang kanyang pagpapahalaga sa sandaling ito, na sinabing: "Living for these moments"
- Ang post ay nagbigay ng magandang glimpse sa pagiging lola ni Jinkee
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ibinahagi ng celebrity mom at asawa ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao ang panibagong heartwarming na glimpse sa kanilang apo na si Baby Clara, ang anak ng kanyang panganay na si Jimuel Pacquiao at ng non-showbiz partner nito.

Source: Instagram
Sa kanyang Instagram post, nag-upload si Jinkee ng carousel ng mga larawan na kuha sa Los Angeles, California, kung saan makikitang kalmado at masaya ang buong pamilya habang ipinagdiriwang ang mga unang araw ni Baby Clara.
Isang larawan ang nagpakita kay Jinkee na buong pagmamahal na nakatingin kay Baby Clara habang buhat buhat niya ito. Makikita rin sa background ang ilang mga decoration para sa Pasko, na lalong nagpa-init sa vibes at feeling ng naturang post.
Sa isa pang photo, tila ipinapakita ang pagtulog ni Baby Clara na balot na balot sa pink blanket, habang mahimbing itong nagpapahinga sa piling ng kanyang pamilya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang caption ni Jinkee sa kanyang post ay nagpapakita ng labis na pagpapahalaga sa mga precious moments na ito: "Living for these moments," aniya Jinkee.
Si Baby Clara ang unang apo ni Jinkee at Manny. Mula nang ipanganak ang bata, masayang ibinabahagi ni Jinkee ang kanyang journey bilang isang lola, na nagpapakita ng kanyang unconditional love para sa bagong miyembro ng pamilya.
Ang mga larawan ay nagbigay ng good vibes sa social media, na pinatunayan na ang pagdating ng isang apo ay nagdudulot ng kaligayahan at pag-asa sa buong pamilya, lalo na sa napapalapit na panahon ng Pasko ngayong taon ng 2025.
Swipe left para makita ang iba pang photos:
Si Jinkee Pacquiao ay isang Filipina socialite, media personality, at dating politiko. Kilala siya bilang asawa ng boxing legend at dating senador na si Manny Pacquiao, na pinakasalan niya noong 1999. Nagsilbi rin si Jinkee bilang vice governor ng lalawigan ng Sarangani. Kilala siya sa kanyang marangyang pamumuhay at madalas magbahagi sa social media ng kanyang mga designer outfits.

Read also
Kim Chiu, naloka sa pag-'relapse' ng mga tao sa feed niya: "Akala mo talaga di tayo niloko"
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbahagi si Jinkee Pacquiao ng mga larawan ng kanilang pamilya na muling nagkita matapos ang apat na taong pagkakahiwalay. Ang kanilang anak na si Jimuel ay nasa Amerika para sa boxing training habang ang anak naman nilang si Princess ay nag-aaral sa United Kingdom. Inihayag ni Jinkee ang labis na kagalakan at pasasalamat sa kanyang caption, na aniya’y puno ng saya ang kanyang puso bilang isang ina.
Samantalang noong nakaraang Mayo, ibinunyag ni Jinkee Pacquiao ang kanyang pagkadismaya sa mga paid ads na bumabatikos kay Manny Pacquiao. Tinawag pa ng ilang bashers ang naturang boksingero na "clown" habang nangangampanya ito. Naniniwala si Jinkee na may ilang grupo na gumagastos ng malaking halaga para sirain ang kanyang imahe. Hinikayat niyang gamitin na lamang ang pera para tulungan ang mga nangangailangan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
