Ellen Adarna, nagbahagi ng matapang na tips para sa mga nakararanas ng pagmamanipula

Ellen Adarna, nagbahagi ng matapang na tips para sa mga nakararanas ng pagmamanipula

  • Naglabas si Ellen Adarna ng personal tips para sa pagharap sa panglilinlang at pagmamanipula
  • Marami siyang natanggap na mensahe mula sa followers na dumaraan sa mahirap na relasyon
  • Nag-post siya ng listahan ng payo kabilang na ang pangangalap ng ebidensya at pagprotekta sa sarili
  • Nagbahagi rin siya ng clip upang sagutin ang pagtanggi ni Derek na nagtaas siya ng tono

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbigay si Ellen Adarna ng serye ng personal tips para sa mga taong nakararanas ng panglilinlang at pagmamanipula sa kanilang relasyon, matapos muling dagsain ng mensahe mula sa mga followers na nakaka-relate sa pinagdaraanan niya. Ang aktres ay nagbahagi nito sa Instagram noong Nobyembre 21, kasunod ng patuloy na pag-usbong ng isyu sa pagitan nila ni Derek Ramsay.

Ellen Adarna, nagbahagi ng matapang na tips para sa mga nakararanas ng pagmamanipula
Ellen Adarna, nagbahagi ng matapang na tips para sa mga nakararanas ng pagmamanipula (📷@maria.elena.adarna/IG)
Source: Instagram

Nagmula ang kanyang mga payo sa isang follower na nagkuwento ng pakiramdam ng pagiging laging nagso-sorry para lamang mapanatili ang katahimikan sa relasyon, kahit ramdam niyang hindi na tama ang sitwasyon. Lubos na nagpasalamat ang fan kay Ellen dahil sa pagtayo nito at pagbibigay-lakas sa iba na kumilos. Sinabi pa nito na dahil kay Ellen, napagtanto niyang hindi pala siya nag-iisa.

Read also

Netizens speculate engagement as Loisa Andalio shows ring in new post

Sumagot ang aktres at sinabi: “I got so many messages and these are my tips.❤️️” Kasunod nito, inilista niya ang sampung hakbang na nakatulong umano sa kanya, gaya ng mabilis na pag-screenshot bago ma-unsend, pagrerecord na parang nasa isang documentary, pag-iingat ng lahat ng written proof, pag-back up ng files, paggawa ng timeline, pananatiling kalmado, pagpalit ng passwords, tahimik na pangangalap ng ebidensya, paghahanap ng witnesses, at paghingi ng tulong sa isang abogado. Tinapos niya ito sa mensaheng: “Collect the truth — and let them choke on it.”

Dagdag pa niya sa sumunod na Instagram story, mahalaga rin ang pagpunta sa therapist at pagkakaroon ng matibay na support system upang makapagsimula ng paghilom. “Healing is power,” ani Ellen.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang lumalawak ang usapin online, patuloy na sinasagot ni Ellen ang mga tanong mula sa publiko. Sa isa niyang naunang Instagram story, sinabi niyang hindi nag-sorry si Derek nang harapin niya ang isyu. “He blames everything, everyone, but himself,” sabi niya, sabay dagdag na nagawa pa raw nitong kumbinsihin ang ilang tao na postpartum ang dahilan ng kanilang problema.

Ibinahagi rin ni Ellen ang pagiging kumbinsido umano ni Derek na may ex-girlfriend na naglagay ng “kulam” sa kanya. Aniya, bigla raw may lumabas na mangkok na may asin at bawang, na ayon sa helpers ay pang-protekta. “Blame it on the kulam,” biro ni Ellen habang tinatawanan ang sitwasyon.

Nang tanungin naman kung siya ay umiyak noong malaman ang buong pangyayari, sinabi niyang mas nakaramdam siya ng validation. “Imagine all these years I felt like I was gaslighted… the truth comes out in so many ways,” paliwanag niya.

Read also

Catriona Gray questions Q and A relevance after Miss Universe 2025 results

Isa sa mga pinaka-pinag-usapang post ni Ellen kamakailan ay ang clip na ipinakita niya kung saan may boses na naririnig na nagsasalita nang may matinding emosyon at nagsasabing: “Napakaduwag mo! Puro ka lang salita… Go away! You, go avoid every f**king conflict in life!” Ipinost niya ito matapos magkomento si Derek online na hindi raw siya nagtaas ng boses kay Ellen. Sinabayan pa ni Ellen ng caption na: “Hay naku derek…”

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Derek tungkol sa lahat ng alegasyong naka-post online.

Si Ellen ay isang kilalang aktres at personalidad sa social media na madalas nagbabahagi ng candid na kwento tungkol sa kanyang buhay, pamilya, at karanasan. Dahil sa pagiging direkta at walang paliguy-ligoy sa kanyang content, malakas ang connection niya sa followers na humahanap ng authenticity at relatability.

Ellen Adarna, ipinakita ang message sa kanya ni Alexa na umano’y may kaugnayan kay Derek Sa ulat ng KAMI, nagbahagi si Ellen ng screenshot ng mensahe mula kay Alexa, na nagbigay umano ng dagdag linaw sa pinagdadaanan ni Ellen. Maraming followers ang nag-react dahil tila mas lumalalim ang usapan sa isyu at mas marami pang detalye ang lumalabas. Nagbigay-diin ito sa kahalagahan ng pagiging bukas ni Ellen sa mga sumusubaybay sa kanya.

Read also

Valentine Rosales announces temporary social media break and shares reminder

Ellen Adarna, nagbigay ng mabilis na video update kasama si Dai Sa isa pang KAMI article, nag-post si Ellen ng maikling video update kung saan kasama niya si Dai. Ikinatuwa ng fans ang pagiging kalmado at masaya ni Ellen sa kabila ng mga pagsubok. Ipinakita nito kung paano niya patuloy na ginagampanan ang kanyang daily life kahit may mga isyung nakaumang sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate