Bakasyon ni Kaye Abad at ng kanyang pamilya sa Vegas, nauwi sa abala

Bakasyon ni Kaye Abad at ng kanyang pamilya sa Vegas, nauwi sa abala

  • Ibinahagi ni Kaye Abad na nagtapos sa pagbisita sa police station sa Las Vegas ang kanilang family vacation
  • Nanakaw ang kanyang bag mula sa loob ng kotse, kasama ang lahat ng kanyang IDs at dalawang passports
  • Nagbigay si Kaye ng mahalagang paalala na wag mag-iwan ng bag sa loob ng sasakyan
  • Sa kabila ng insidente, nanatili siyang positibo at nagpasalamat dahil "importante my family is safe"

Isang nakakabigla at nakakalungkot na karanasan ang ibinahagi ng aktres na si Kaye Abad sa kanyang Facebook page, matapos siyang manakawan habang nagbabakasyon ang kanilang pamilya sa Las Vegas.

Bakasyon ni Kaye Abad at ng kanyang pamilya sa Vegas, nauwi sa abala
Photos: @kaye_abad on Instagram | Kaye Abad on Facebook
Source: Instagram

Ayon kay Kaye, ang inakala niyang masayang trip ay nauwi sa pagbisita sa police station, matapos mawala ang kanyang bag na naglalaman ng mahahalagang dokumento at IDs, bagay na ikinabahala ng marami.

​Nag-post si Kaye ng isang larawan kung saan makikita siyang nakaupo sa loob ng isang police station sa Vegas. Ikinuwento niya na ang kanilang bakasyon ay biglang nagkaroon ng hindi magandang turn sa lugar.

Read also

Babae na nagpakalat ng malalaswang video ng mister at ng isa pang babae, naaresto

​"We went to Vegas para magbakasyon and isuroy ang kids. Never did I think that one of the places I'd end up visiting was the police station."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

​Detalyado niyang isinalaysay ang nangyari at sinabing nanakaw ang kanyang bag sa loob ng sasakyan at na nandun ang mga IDs niya.

​"My bag was stolen inside the car. With all my IDs and 2 passports. (Never leave your bags inside the car) We just had lunch for 1 hour. And this happened."

​Sa kabila ng frustration sa pagkawala ng kanyang ID at passports, pinili ni Kaye na maging positibo, at inisip na may dahilan ang lahat.

​"Anyways, lesson learned. I still believe that everything happens for a reason. Kung ano man ang reason NIYA... Iniisip ko na lang everything can be replaced. Importante my family is safe. God is good."

​Ang kanyang mensahe ay nagpakita ng lakas ng loob ng isang ina, na mas mahalaga pa rin sa kanya ang kaligtasan ng kanyang pamilya kaysa sa materyal na bagay. Ang pagkawala ng mahahalagang dokumento ay isa nang malaking problema, ngunit ang kanyang pananampalataya at pagmamahal sa pamilya ang nagbigay-lakas sa kanya.

Read also

Ellen Adarna, may panibagong video: "Pina-barangay ko siya twice"

Si Kaye Abad ay isang aktres na kilala sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula sa Pilipinas. Naging tanyag siya dahil sa kanyang papel bilang Epifania "Eds" Delos Santos sa Tabing Ilog, isang sikat na teen drama series. Lumabas din siya sa ilang teleserye gaya ng Annaliza at Nang Ngumiti Ang Langit. Si Kaye ay kasal sa aktor at negosyanteng si Paul Jake Castillo. Kalaunan, sila ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki na sina Joaquin at Iñigo Leon.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Kaye Abad ang pagkapanalo ni Joaquin sa boxing match. Sa Instagram, ipinasilip ni Kaye ang ilang tagpo sa first boxing match ng kanyang anak. Ginawa ang laban sa isang local gym sa Cebu City at marami ang na-impress kay Joaquin.

Samantalang ay nagbigay si Kaye Abad ng update sa social media matapos ang malakas na lindol sa Cebu. Sinabi niyang ligtas siya at ang kanyang mga anak at kasalukuyan silang nasa Manila. Inilahad din niyang ligtas pati na rin ang kanyang pamilya sa Cebu. Ayon sa PHIVOLCS magnitude 6.9 ang lindol sa Cebu na nagdulot ng mahigit 60 nasawi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco