Ellen Adarna, nag-post ng panibagong resibo umano: "I was 6 months pregnant here"

Ellen Adarna, nag-post ng panibagong resibo umano: "I was 6 months pregnant here"

  • Nag-viral si Ellen Adarna matapos mag-post ng video na nagpapakita ng comment umano ni Derek Ramsay
  • Bilang resibo, naglabas si Ellen ng old video mula noong June 2024 kung saan maririnig ang boses ng aktor
  • Ang video ay kinunan noong 6 na buwang buntis si Ellen, na nagbigay-linaw sa tensyon sa kanilang 2 umano
  • Ang post na ito ay nagpapakita ng pagtatanggol ni Ellen sa kanyang sarili

Nag-viral at nagdulot ng malaking kontrobersiya ang latest na post ni Ellen Adarna sa Instagram page niya matapos siyang mag-react sa isang comment na umano'y galing sa kanyang asawang si Derek Ramsay, kung saan sinabi ng aktor na hindi raw niya minumura ang kanyang partner.

Ellen Adarna, nag-post ng panibagong resibo umano: "I was 6 months pregnant here"
Ellen Adarna, nag-post ng panibagong resibo umano: "I was 6 months pregnant here" (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram
​"For your information I never cursed my wife, ma'am! Ellen and I would always prank each other and we never got mad at each other," aniya Derek umano. Dahil dito, nag-react si Ellen ng: "Hay nako, Derek..."

​Bilang tugon, nag-upload si Ellen ng isang story na nagpapakita ng screenshot ng comment na ito ni Derek, at sinundan niya ito ng lumang video mula pa noong June 2024, noong siya ay buntis pa kay Liana.

Read also

Ronnie Liang reveals he is almost ready for commercial pilot certification

Aniya Ellen sa caption: "I was 6 months pregnant here, check time and date."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

​Sa video, ipinarinig ni Ellen ang umano'y sinasabi ng aktor. Maririnig ang boses ni Derek na tila kino-confront ang dating aktres.

​"Napakaduwag mo, puro ka lang salita. Yan ang problema sayo. Go away you f*ck*ng c*nt."

​Ang video ay nagbigay ng direktang counter-evidence sa claim umano ni Derek na hindi niya minumura ang misis niya. Ang paglalabas ng pribadong recording na ito, na kinunan noong 6 na buwang buntis pa si Ellen, ay tila ikinagulat ng maraming followers ng aktres sa photo-sharing na app.

​Ang post na ito ni Ellen ay nagpapakita na seryoso siya sa pagtatama ng mga false narrative tungkol sa kanilang relasyon at kung ano ang naging tunay na kalagayan nila sa likod ng camera na tila nagva-viral online.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.

Read also

Ellen Adarna, may panibagong video: "Pina-barangay ko siya twice"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinunyag ni Ellen Adarna na dalawang beses siyang tumawag ng "barangay" upang paalisin ang isang hindi pinangalanang tao. Bukod pa rito ay ibinunyag din ni Ellen ang naging "agreement" nila tungkol sa pagtira niya sa bahay ng tao na ito. Bagama't ay wala siyang pinangalanang tao, marami ang napaisip kung si Derek Ramsay ang subject.

Samantalang ay nag-react kamakailan lang si Ellen Adarna sa isang "nepo baby" na satirical video. Nag-post kasi nito lamang si Ansis Sy ng video na para raw sa mga "nepo baby" ng bansa. Dahil dito, agad talagang napa-comment ang aktres at ni-repost pa nga ang video sa page niya. Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-comment si Ellen sa politics sa page niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco