“I was once like them” Vice Ganda gets real about why education advocacy matters
- Ibinahagi ni Vice Ganda na ang kanyang pag-suporta sa mga estudyante ay naka-ugat sa sariling karanasan niya bilang scholar
- Isinalaysay niya na isang Japanese sponsor ang nagpaaral sa kanya mula pagkabata hanggang kolehiyo
- Patuloy siyang nagbibigay ng tulong sa mga kabataan at hindi niya inaasahan na makilala o pasalamatan siya nang personal
- Nagpapasalamat siya sa Belle Dolls owner na si Rhea Anicoche Tan dahil tumutulong din ito sa pagpapaaral ng mga estudyante
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbukas ng personal na kwento si Vice Ganda tungkol sa dahilan kung bakit napakalapit sa puso niya ang pagbibigay ng tulong sa mga estudyanteng nangangailangan. Sa paglulunsad ng bago nilang endorsement ni Ion Perez para sa Belle Dolls sa Solaire Resort North, inamin ng It's Showtime host na nagsimula ang lahat sa isang taong tumulong sa kanya noong siya ay bata pa.

Source: Instagram
Ayon kay Vice, ang pagsusulong niya ng edukasyon ay may malalim na pinagmulan. Ibinahagi niyang “I was once like them. I was once a kid who was sent to school by someone I didn't meet in person. So, ganun din ako.” Sinabi niyang mula pagkabata hanggang kolehiyo, sinuportahan siya ng isang Japanese woman na nagngangalang Noriko Tokura mula Kyoto.
Kwento niya, linggo linggo siyang sumusulat ng liham para sa kanyang sponsor. Ngunit nang subukan nilang puntahan ang address nito, wala na roon ang pamilya. Sinabi ni Vice na hindi niya nakilala si Tokura at wala ring natirang dokumento mula rito dahil nasira ang kanilang mga gamit noong bata pa siya. “So, di ko ma-prove na yung Noriko Tokura yung nag-sponsor sa akin sa school. Ganun yung experience ko.”
Dahil dito, hindi na rin niya inaasahan ang personal na pasasalamat mula sa mga sarili niyang scholars. Para kay Vice, sapat na ang makatulong. “I just need to send out help and that's it.” Gayunpaman, hindi niya itinatanggi ang saya tuwing may nagpunta sa It's Showtime para magpakita ng certificate o para magpasalamat.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kasama niyang nagbibigay ng tulong si Rhea Anicoche Tan ng Belle Dolls at Beautederm. Ayon kay Vice, matagal nang bukas ang loob ni Tan sa pagbibigay ng suporta. Hindi niya raw kailangang humingi dahil kusa itong lumalapit para mag-ambag sa mga proyekto niya, kabilang na ang kanyang travel series at scholarship efforts. Pati ang mga magulang ng scholars ay binibigyan din ng pangkabuhayan showcase.
Sa ngayon, tatlo na ang kanilang scholars na nasa third year sa kolehiyo. Umaasa si Vice na mas marami pang kabataan ang mabibigyan ng pagkakataon sa pag-aaral dahil sa kanilang partnership.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa bansa. Kilala siya sa kanyang trabaho sa It's Showtime at sa mga pelikulang pumalo sa pinakamalalaking kinita sa bansa. Matagal na rin siyang nagbibigay ng tulong sa iba’t ibang komunidad, lalo na sa larangan ng edukasyon. Sa kanyang personal na karanasan bilang dating scholar, naging layunin niya na makapagbigay ng kaparehong oportunidad sa mas maraming kabataan.
Vice Ganda roasts Charo Santos at birthday celebration Sa isang episode na pinag-usapan online, binida ng netizens ang paglalambing ni Vice kay Charo Santos matapos niyang magbitaw ng biro tungkol sa birthday celebration ng aktres. Naghatid ito ng tawanan at good vibes sa viewers ng It's Showtime habang ipinakita rin ni Vice ang kanyang natural na rapport sa mga bisita ng show.
Kiray Celis shares request to Vice Ganda bilang ninong sa kasal Nagbahagi si Kiray Celis ng kuwento tungkol sa pagiging ninong ni Vice Ganda sa kanyang kasal. Pinag-usapan ang masayang pag-uusap nila at ang request niyang ibinigay ng komedyante. Nagpasalamat si Kiray sa suporta ni Vice at sa pagiging bahagi nito sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay. Link:
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

