Nathalie Hart, naglahad ng honest take tungkol sa future partner

Nathalie Hart, naglahad ng honest take tungkol sa future partner

  • Nathalie Hart nagkuwento tungkol sa kaniyang pag-aalinlangan sa cross-cultural relationships
  • Tampok siya sa bagong reality series na AFAM Wives Club na naglalahad ng tunay na karanasan ng Filipinas
  • Ibinahagi niya na hindi pa siya sigurado kung handa na siyang pumasok muli sa isang relasyon
  • Nabanggit niyang ayaw niya ng dating apps at hinahanap niya ang koneksyong pangmatagalan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng bagong kuwento tungkol sa kanyang personal na buhay si Nathalie Hart habang abala siya sa pagbabalik sa showbiz at sa paglahok sa reality series na AFAM Wives Club. Sa kabila ng bagong proyekto at sariwang simula, naging prangkahan ang aktres sa pagsasabing tila may “takot” na siya sa AFAM o A Foreigner Assigned in Manila, isang patok na tawag sa mga dayuhang naninirahan o nagtatrabaho sa bansa.

Nathalie Hart, naglahad ng honest take tungkol sa future partner
Nathalie Hart, naglahad ng honest take tungkol sa future partner (📷@imnathaliehart/IG)
Source: Instagram

Matatandaang previously married si Nathalie sa isang Australian citizen, at may anak naman siya sa isang Indian national. Matapos ang ilang taong pahinga sa limelight, bumalik siya sa industriya at isa sa mga tampok sa bagong reality show na nagtatampok ng totoong karanasan ng mga Filipina sa cross-cultural relationships. Ang AFAM Wives Club ay collaboration ng iWant at Project 8 Projects at nagtatampok ng apat na kababaihang dumaan sa iba’t ibang yugto ng pagmamahal, self-discovery, at pamilya.

Read also

Pokwang, umalis sa ‘TiktoClock’ dahil sa hindi natupad na talent fee request

Kasama sa cast sina Mari Fowler na magbabahagi ng paglalakbay niya sa motherhood; Keylyn Trajano, ang reigning Miss Universal Woman na isang proud transgender Filipina; at Julia Chu, isang abogada at negosyante na balanseng ibinabahagi ang career at love life. Si Nathalie naman ay magdadala ng kanyang kwento bilang single mom at kung paano siya nag-reset ng buhay matapos ang kanyang separation.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi tulad ng karamihan sa reality shows na heavily dramatized, ang AFAM Wives Club ay nakatutok sa real experiences ng bawat Filipina na nagmahal ng tao mula sa ibang kultura. Ayon sa producers, layunin nitong ipakita na anuman ang pinagmulan o tradisyon, may universal essence ang pag-ibig.

Sa isang recent interview, diretsong sinagot ni Nathalie ang tanong tungkol sa kanyang future partner. Aniya, ayos lang sa kanya kung hiwalay sa dating partner ang isang lalaki basta hindi ito nagsasabay ng relasyon. Sa tanong naman kung handa na siyang magmahal muli, pabirong sagot niya ay “Hindi ko alam kung ready na ako kasi lalabas pa nga lang ako ng bahay parang pagod na ako eh. So, hindi ko alam kung pwede na akong makipag-eme agad.”

Dagdag pa niya, wala raw siyang nakakausap o nahuhumaling sa kanya ngayon. Sa kanyang tono, may halong biro at pag-amin nang sabihin niyang “Wala ngang lumalapit sa akin sa Pilipinas. Parang natakot na ako sa AFAM kasi.” Ipinaliwanag din niyang ayaw niya gumamit ng dating app dahil para sa kanya ay “eme lang” iyon at mas gusto niya ng koneksyong pangmatagalan.

Read also

K-Pop star, dinala sa hospital matapos manlaban sa isang kawatan na pumasok sa kanilang bahay

Si Nathalie Hart, kilala rin bilang Princess Snell noong early years niya sa showbiz, ay naging bahagi ng iba’t ibang teleserye at pelikula bago siya nagdesisyong mag-focus sa kanyang personal life. Labas-masok man siya sa industriya, nananatili siyang bukas sa mga bagong proyekto at mas handang magbahagi ng mas grounded na perspective sa career at pamilya.

Nice Print Photo shares epic photos from Nathalie Hart’s wedding in Australia Ipinakita sa mga larawan ang eleganteng kasalan ni Nathalie sa Australia, kabilang ang bonding moments nila ng pamilya at ilang close friends. Nag-trend ang photos dahil sa ganda ng setup at natural na saya sa mga kuhang larawan. Mahalaga ang kuwentong ito dahil nagbibigay ito ng magandang backdrop tungkol sa naging love journey niya bago ang kanyang paghaharap ngayon sa mas personal na mga tanong tungkol sa future relationships.

Nathalie Hart nagsalita na ukol sa break niya sa kanyang mister Dito unang nag-open up si Nathalie tungkol sa kanyang separation at kung paano niya hinarap ang bagong yugto ng kanyang buhay. Ibinahagi niya ang adjustments bilang single mom at ang pag-prioritize sa kanyang anak at sarili. Ang pagsasalaysay niyang ito ay kaakibat ng mga bagong pahayag niya ngayon tungkol sa pagpasok muli sa mundo ng pag-ibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate