Pokwang, umalis sa ‘TiktoClock’ dahil sa hindi natupad na talent fee request

Pokwang, umalis sa ‘TiktoClock’ dahil sa hindi natupad na talent fee request

  • Pokwang ipinahayag na hindi na siya nag-renew ng kontrata para sa TiktoClock matapos hindi maibigay ang dagdag talent fee na kanyang hiniling
  • Inamin niyang siya ang tinutukoy sa kumalat na blind item tungkol sa kapalit na drama actress sa show
  • Nilinaw niyang hindi siya tinanggal at personal niyang desisyon ang hindi pag-renew para sa susunod na quarter
  • Nagpasalamat siya sa halos apat na taon niyang pagiging bahagi ng programa at sa mga pagkakataong ibinigay sa kanya ng GMA

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Kinumpirma ni Pokwang na tuluyan na siyang umalis sa morning variety show ng GMA Network na TiktoClock matapos hindi maibigay ang hinihiling niyang dagdag sa talent fee. Ang komedyana, na naging isa sa mga pangunahing host ng programa, ay nagkuwento tungkol sa sitwasyon sa isang panayam matapos siyang maipit sa isang blind item.

Pokwang, umalis sa ‘TiktoClock’ dahil sa hindi natupad na talent fee request
Pokwang, umalis sa ‘TiktoClock’ dahil sa hindi natupad na talent fee request (📷@itspokwang27/IG)
Source: Instagram

Matatandaang nagsimula si Pokwang sa ABS-CBN kung saan siya unang sumikat sa iba’t ibang comedy at entertainment shows. Taong 2021 nang lumipat siya sa GMA Network sa gitna ng mga pagbabago sa kanyang dating istasyon. Pagkatapos pumirma sa Kapuso, nagsunod-sunod ang mga proyekto niya at isa na rito ang pagiging main host ng TiktoClock kasama sina Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo.

Read also

Joj Agpangan gets baptized, talks about spiritual struggle as a social media star

Kamakailan, kumalat ang isang blind item tungkol sa isang babaeng host na papalitan ng isang drama actress. Nang tanungin si Pokwang, agad niyang sinabi na malinaw naman daw mula sa mga clue na siya ang tinutukoy sa naturang blind item.

Ayon sa kanya, Given na given na namanyong mga clue. Ako talagayon. Totoo, totooyong nasa blind item.” Idinagdag pa niya na kada tatlong buwan sila nagre-renew ng kontrata para sa show, at para sa quarter ng Oktubre hanggang Disyembre, minabuti niyang huwag nang mag-renew. Nilinaw niyang hindi siya inalis sa programa; bagkus ay siya mismo ang nagdesisyong mag-step back.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inamin din niya ang tunay na dahilan ng kanyang pag-alis. Ayon kay Pokwang, hiningi niyang magkaroon siya ng dagdag sa talent fee, ngunit hindi ito naibigay. Sa paliwanag niya, Totoo namanyon. Nanghihingi tayo ng kaunting karagdagan. Siyempre, alam mo naman, tumataas na rin ang mga bilihin. And dinadagdagan ko naman din ang mga sweldo ng mga nagtatrabaho sa akin.”

Read also

Catriona Gray nagpahayag ng matinding pagkadismaya sa kasalukuyang takbo ng pamahalaan

Bagama’t hindi natupad ang kanyang hiling, nagpasalamat si Pokwang sa show dahil naging tahanan niya ito nang halos apat na taon. Malaki raw ang natutunan niya mula rito at masaya siyang nakatrabaho ang ilang malalapit niyang kaibigan sa industriya.

Samantala, kamakailan ay nagbigay si Pokwang ng isang emosyonal na mensahe tungkol sa sitwasyon sa bansa. Sa kabila ng kanyang personal na isyu at pag-alis sa programa, ipinakita niya muli ang kanyang malasakit sa kapwa Pilipino at sa mga pinagdadaanan ng bansa ngayon. Ibinahagi niya na patuloy siyang umaasa sa kaginhawaan at mas maayos na sistema para sa bawat Pilipino.

Si Pokwang ay isa sa pinakakilalang komedyante sa bansa na matagal nang nagtatrabaho sa telebisyon at pelikula. Nakilala siya hindi lang sa kanyang pagpapatawa kundi pati sa personalidad niyang straightforward at expressive. Ilang dekada na siyang nasa industriya at patuloy siyang nakatatanggap ng iba’t ibang proyekto mula comedy, drama, hanggang hosting.

Pokwang, nagbahagi ng emosyonal na post tungkol sa sitwasyon ng bansa

Sa balitang ito, ibinahagi ni Pokwang ang kanyang pag-aalala sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. Naging emosyonal siya sa kanyang mensahe at nagpaabot ng panawagan para sa pagkakaisa at malasakit. Ang pagiging vocal niya tungkol sa pambansang isyu ay nagpapakitang hindi lamang siya nakatuon sa showbiz, kundi may malasakit din siya sa mga nangyayari sa paligid—katulad ng pagiging bukas niya sa tunay na dahilan ng pag-alis sa TiktoClock.

Read also

Pag-amin ni Oyo Sotto sa kanyang nakaraan, tinalakay sa family show

Pokwang, nagbigay ng heartfelt birthday message para kay Angelica Panganiban

Sa nasabing artikulo, nagbahagi si Pokwang ng taos-pusong pagbati para sa kaibigang si Angelica Panganiban. Ipinakita nito ang kanilang matagal nang pagkakaibigan at suporta sa isa’t isa. Ang pagiging expressive ng aktres-comedienne sa kanyang personal na relasyon ay kahalintulad ng pagiging tapat niya sa pagsagot sa isyung kinasasangkutan niya ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate