Kris Aquino, nagpaliwanag tungkol sa naging ugnayan nila ni Anjo Yllana

Kris Aquino, nagpaliwanag tungkol sa naging ugnayan nila ni Anjo Yllana

  • Kris Aquino naglabas ng salaysay kontra sa pahayag ni Anjo Yllana na tatlong linggo lamang ang kanilang dating
  • Ikinuwento niyang nagkaroon sila ng monthsary, kabaligtaran ng sinabi ng aktor
  • Mariin niyang itinanggi na may iba siyang kasabay na manliligaw nang panahong iyon
  • Ibinahagi niya ang isang eksenang hindi niya malilimutan kasama si Yllana at isang “surprise” visitor

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling naging usap-usapan online sina Kris Aquino at Anjo Yllana matapos maglabas ng sariling salaysay ang Queen of All Media tungkol sa pahayag ng aktor na mayroon silang tatlong linggong naging relasyon. Sa isang panayam noong Hunyo, sinabi ni Anjo na nag-date sila ni Kris matapos magsama sa ilang pelikula. Ayon sa kanya, natapos ito nang bigla raw sabihin ng TV host-actress na may iba pa siyang kasabay na manliligaw noon, kabilang sina Robin Padilla at Aga Muhlach.

Kris Aquino, nagpaliwanag tungkol sa naging ugnayan nila ni Anjo Yllana
Kris Aquino, nagpaliwanag tungkol sa naging ugnayan nila ni Anjo Yllana (📷@krisaquino/IG)
Source: Instagram

Matagal nang nanahimik si Kris tungkol dito, lalo’t abala siya sa kanyang kondisyon. Ngunit nitong Nobyembre 17, nag-post siya sa Instagram upang ituwid ang ilang detalye na aniya’y hindi accurate. Ayon kay Kris, malinaw pa sa kaniya na ipinagdiwang pa nila ni Anjo ang kanilang monthsary, isang bagay na sumasalungat sa sinabing tatlong linggong relasyon.

Read also

Sen. Kiko Pangilinan kay Sen. Bato Dela Rosa: “Hindi kami tahimik, nagmamasid kami”

Sa kanyang post, sinabi niya: “Anjo Yllana, you filled my room with pink balloons for our first monthsary. Hindi ako proud, but he said we didn’t last 3 weeks because pinagsabay ko sila ni Robin. Wala syang kasabay.”

Idiniin ni Kris na wala siyang ibang karelasyon noon at hindi totoo na pinagsabay niya ang sinuman. Dagdag pa niya, nagsimula lamang siyang maging malapit kay Robin Padilla pagkalipas na ng kanilang naging ugnayan ni Anjo, at malinaw niyang inilarawan kung paano siya sinamahan ni Robin sa ilang public functions noong panahong naging sila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ibinahagi rin ni Kris ang isang pagkakataong tumatak sa isip niya. Ayon sa kanya, inihatid siya ni Anjo sa Times Street, sa bahay ng kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino. Doon ay may isang taong nag-abang sa kanya, isang “surprise” na hindi niya inaasahan. Kuwento niya, nagbigay si Anjo ng ilang komento bago umalis, na tumimo raw sa kanya.

Ayon sa post ni Kris: “Anjo, ano ba, we were outside my mom’s house. Hinatid mo ko — may naghihintay. It was a big surprise for me and you. You left with these parting lines: ‘Mukhang nakakagulo ako. FYI, girlfriend ko sya, kahit feeling ko pag gising ko wala na.’… I stood unmoving, staring at the floor.”

Read also

CJ Ramos, matagumpay sa pagtahak ng bagong direksyon sa trabaho at pamilya

Sa naturang post, binanggit din ni Kris ang edad nila noon—21 siya, samantalang nasa 23 o 24 taong gulang si Anjo. Ang tinutukoy niyang “Mr. Surprise” ay pareho raw nilang edad. Hindi na niya idinetalye ang iba pang impormasyon ngunit malinaw niyang pinunto na hindi tugma ang mga lumabas na pahayag sa kung ano ang tunay na pagkakatanda niya.

Sa ngayon, wala pang tugon si Anjo Yllana sa inilabas na paliwanag ni Kris. Samantala, kasalukuyan siyang aktibo sa mga public appearances dahil sa umano’y pagnanais niyang tumakbo para sa Senado. Kaugnay nito, naging mainit ang kaniyang pangalan matapos ang ilang komento niya laban sa ilang host ng “Eat Bulaga,” kung saan naging bahagi siya noon.

Para naman kay Kris Aquino, hindi bago sa publiko ang pagiging bukas niya sa kanyang personal na kuwento. Sa kabila ng kanyang pinagdaraanan sa kalusugan, pinili niyang sagutin ang isyu upang ihatid ang sariling bersyon ng pangyayari.

Si Kris Aquino ay isang kilalang TV host, aktres at personalidad sa showbiz na matagal nang nasa mata ng publiko. Kilala siya sa kanyang pagiging prangka at pagiging tapat sa mga isyung ibinabato sa kanya. Sa kabila ng matagal niyang pagkakaroon ng health concerns, nananatili siyang one of the most talked-about personalities online.

Kris Aquino, binati si Bea Alonzo kahit may dinadala sa kalusugan

Read also

Matinding sakripisyo: Rescuer tumulong sa iba, sariling pamilya tinangay ng baha

Sa balitang ito, ipinakita ni Kris ang kabutihan ng loob sa kabila ng kanyang pinagdadaanan. Binati niya si Bea Alonzo at ipinakita ang suporta rito. Mula rito, makikita kung paano nananatiling gracious si Kris kahit may personal siyang hinaharap, tulad ng muling paglalabas niya ng paliwanag tungkol kay Anjo Yllana.

Kris Aquino, nagpahayag tungkol sa bone pain ngunit hindi nawawalan ng lakas ng loob

Dito, ibinahagi niya ang nararamdaman niyang discomfort dahil sa kanyang kondisyon, ngunit inemphasize niyang buo pa rin ang kanyang tapang at pag-asa. Ang pagiging matatag niya ay parallel sa pagiging vocal niya tungkol sa kontrobersya kay Anjo Yllana.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate