Milano Sanchez, nagpahayag ng pasasalamat kay Claudine Barretto sa kaniyang social media post

Milano Sanchez, nagpahayag ng pasasalamat kay Claudine Barretto sa kaniyang social media post

  • Nagpasalamat si Milano Sanchez kay Claudine Barretto sa pagtatanggol nito laban sa mga negatibong komento
  • Tinawag ni Milano si Claudine na “queen” at sinabing honored siyang ipagtanggol nito
  • Ayon kay Milano, may mga taong nagtangkang siraan siya sa pamamagitan ng maling impormasyon
  • Humingi siya ng paumanhin sa mga tagahanga ni Claudine at pinasalamatan ang kaniyang mga anak at kaibigan sa suporta

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Lubos ang pasasalamat ni Milano Sanchez, kapatid ng batikang mamamahayag na si Korina Sanchez, sa Optimum Star Claudine Barretto matapos siyang ipagtanggol ng aktres sa gitna ng mga usaping bumabalot sa kaniya kamakailan.

Milano Sanchez, nagpahayag ng pasasalamat kay Claudine Barretto sa kaniyang social media post
Milano Sanchez, nagpahayag ng pasasalamat kay Claudine Barretto sa kaniyang social media post (📷@claubarretto/IG)
Source: Instagram

Matatandaang muling umingay ang pangalan nina Claudine at Milano nang i-“soft launch” ng aktres ang tila bagong yugto ng kaniyang love life sa pamamagitan ng isang Instagram post. Ginamit ni Claudine ang awiting “Can We Stop and Talk Awhile” bilang background music ng kanilang video, na agad namang ikinatuwa ng mga tagahanga.

Read also

Kylie Padilla, nagbigay ng reaksyon sa pag-amin ni AJ Raval tungkol sa mga anak nila ni Aljur

Ngunit ilang araw lamang matapos nito, muling naging sentro ng usapan si Claudine nang maglabas siya ng matapang na pahayag laban sa umano’y dating karelasyon ni Milano Sanchez. Ayon kay Claudine, paulit-ulit umanong nanggugulo sa kanila ang naturang babae, dahilan upang umani siya ng suporta mula sa mga tagahanga at kaibigan.

Sa gitna ng usapin, nagbigay ng pahayag si Milano sa kaniyang Facebook post, kung saan ibinahagi niyang natapos na raw ang tila bangungot na kaniyang pinagdaanan. Aniya, ang pinakamahalaga raw ay ang paniniwala ng kaniyang mga anak sa katotohanan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Basically, what’s important is what my children believe in... the truth," saad niya.

Dagdag pa ni Milano, malinaw umano na may intensyong sirain siya sa pamamagitan ng maling impormasyon. Dahil dito, sinabi niyang nagsimula na siyang kumonsulta sa kaniyang mga abogado upang pag-aralan ang mga susunod na hakbang. "I will not take this sitting down," ani pa niya.

Gayunman, hindi rin nakalimutan ni Milano na pasalamatan si Claudine Barretto sa pagtatanggol nito sa kaniya. "To CB, thank you! I am very lucky to have someone on my side, like you. I must say, I’m very honored to be defended by a queen!" mensahe ni Milano.

Read also

Netizens humanga sa kabayanihan isang 15-anyos sa kasagsagan ng bagyong Tino

Nagpasalamat din siya sa mga tagahanga ni Claudine, na kilala bilang mga “Claudinians.” Aniya, nakita niya mismo kung gaano kalalim ang pagmamahal ng mga ito sa aktres. "Your fans really love and care for you! Sobrang blessed ka! Priceless! My promise still stands," pagtatapos ni Milano.

Si Claudine Barretto ay kilala bilang isa sa mga pinakatanyag na aktres ng bansa na minsang tinaguriang Optimum Star. Sa loob ng ilang dekada sa industriya, nakilala siya sa mga teleserye at pelikulang nagpakita ng kaniyang husay sa drama. Kamakailan lamang, muling naging laman ng showbiz news ang aktres matapos maiugnay sa kapatid ni Korina Sanchez, na si Milano.

Samantala, si Milano Sanchez naman ay isang businessman na nananatiling low-profile bago pa man siya masangkot sa mga isyung ito. Sa kabila ng mga kontrobersiya, kapansin-pansin ang pagiging mahinahon nito sa mga pahayag, at ang pagpapahalaga niya sa kaniyang pamilya at mga anak.

Claudine Barretto posts cryptic message, labeled ‘villain’ for speaking up Sa ulat ng KAMI.com.ph, nag-post si Claudine ng makahulugang mensahe matapos siyang tawaging kontrabida sa isyung kaniyang kinakaharap. Aniya, mas pipiliin na raw niyang manindigan para sa katotohanan kaysa manahimik.

Claudine Barretto, matapang na pahayag laban sa aniya’y dating karelasyon ni Milano Sanchez Matapang na ipinaabot ni Claudine ang kaniyang saloobin laban sa umano’y dating karelasyon ni Milano. Ayon sa aktres, araw-araw umano silang ginugulo ng babae, kaya’t napilitan siyang magsalita.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate