Anjo Yllana, nagbigay pahayag hinggil sa “Bakit Papa” lyric change

Anjo Yllana, nagbigay pahayag hinggil sa “Bakit Papa” lyric change

  • Nagsalita si Anjo Yllana matapos palitan ang pangalan niya sa “Bakit Papa” segment sa noontime show
  • Binanggit niya umano na salaik lamang daw umano ni Jose Manalo ang pagpapalit
  • Ibinahagi rin ni Anjo ang personal na tampo sa dating co-host tungkol sa dati niyang karelasyon
  • May banat din si Anjo kay Joey at Vic matapos makita ang kanilang reaksyon sa studio

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagpaulan ng matitinding pahayag si Anjo Yllana matapos umere sa isang noontime program ang iconic na SexBomb performance ng “Bakit Papa,” kung saan mapapansing pinalitan ang kanyang pangalan sa lyrics at ipinalit ang pangalan ni Jose Manalo. Sa isang video, itinuring ni Anjo na mayroon umanong personal na dahilan ang ginawa at hindi lamang simpleng biro.

Anjo Yllana, nagbigay pahayag hinggil sa “Bakit Papa” lyric change
Anjo Yllana, nagbigay pahayag hinggil sa “Bakit Papa” lyric change (📷The Isyu is You/YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Anjo, hindi siya nagulat sa nangyari at tila may nakahahalatang dahilan kung bakit siya pinili para sa naturang moment. Ibinunyag din niya na si Jose Manalo umano ang may ideya sa pagpapalit ng lyrics. Hindi rin niya pinalampas ang pagkakataon na ilahad ang ilang taong kinikimkim na tampo laban sa kanyang dating kasamahan.

Read also

Eman Bacosa, nagbahagi ng karanasan sa paglaking malayo sa ama

Aniya, may pagkakataon umano noon na naramdaman niyang hindi maganda ang pakikitungo sa kanya off-cam. “Sasabihin ko na sa inyo, isa sa pinakamasamang ugali dyan sa Eat Bulaga si Jose Manalo. Kapag wala po si Bossing dyan, napakayabang ng taong yan. Ilang beses ko nang gustong sapakin yan…” saad ni Anjo, sabay paliwanag na pinili niyang maging kalmado noon bilang propesyonal.

Hindi lang tungkol sa trabaho ang sinabi ni Anjo. Sa video, ibinahagi rin niya ang isang personal na sitwasyon umano noon kung saan nasangkot ang kanyang dating nobya. “Ito for the first time, aminin ko sa inyo… nagkaroon ako ng girlfriend at minahal ko naman siya… Minsan nag LQ kami… nagsumbong sa akin yung girlfriend ko… Pinagalitan daw siya ni Jose Manalo…” ayon sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Humantong pa ito sa pagsasabing naging mag-partner na umano ngayon si Jose at ang naturang babae. “Kaya pala niya ginawa yun… ngayon asawa na niya si Mergene Maranan. Girlfriend ko yan isang taon,” sambit niya, at idiniing “Ahas talaga itong si Jose Manalo.”

Sa kabila ng lahat, sinabi rin ni Anjo na mas natawa siya kaysa na-offend sa pagpapalit ng pangalan sa kanta. “Naano lang ako sa kanta. Natawa lang… para lang maasar ako. E hindi naman ako naaasar, natatawa nga ako,” biro pa niya.

Read also

Anjo Yllana, sinabing si Jose Manalo ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobya

Gayunman, may mensahe rin siya kina Joey de Leon at Vic Sotto matapos mapansin ang kanilang reaksyon sa studio. “Ok lang sa akin na tumawa kayo basta hanggang tawa lang a? Huwag n’yo kong sisiraan. Alam n’yo na, pareng Joey, pareng Vic,” ani niya.

Sa dulo, sinabi ni Anjo na kahit pa pinalitan, magiging bahagi ng original lyrics ang kanyang pangalan. “At least once naging original ako doon sa lyrics,” pagtatapos niya.

Hindi ito ang unang pagkakataong naging sentro ng atensyon si Anjo dahil sa mga opinion niya tungkol sa mga dating katrabaho. Sa patuloy na pag-usad ng showbiz history ng noontime television, tila hindi mawawala ang matinding nostalgia at emosyon sa mga ganitong usapin.

Si Anjo Yllana ay matagal na naging bahagi ng entertainment industry at kilala sa comedy, hosting, at acting. Isa siya sa mga naging mukha ng “Eat Bulaga” noong mga nakaraang dekada bago tuluyang lumipat sa ibang proyekto at maging aktibo rin sa lokal na serbisyo publiko.

Tito Sotto prangkang tugon sa isyu ni Anjo Nauna nang sumagot si Tito Sotto sa mga naging pahayag ni Anjo tungkol sa noontime program. Sa ulat, diretsahang sinabi ni Tito na matagal na raw alam ni Anjo ang kanilang posisyon at wala naman silang personal na galit sa kanya. Bagamat may halong emosyon ang diskusyon, makikitang nananatili ang respeto sa magkabilang panig.

Read also

Eman Bacosa Pacquiao, ipinasilip ang simpleng bahay nila sa probinsya ng kanyang ina

Anjo sinabing si Jose Manalo ang dahilan ng hiwalayan nila ng dating nobya Sa isa pang artikulo, muling binuksan ni Anjo ang tungkol sa dating karelasyon na naging dahilan ng tampuhan nila ni Jose. Ayon sa kanya, may relasyon na raw ang naturang babae at si Jose kaya lumala ang sitwasyon. Ang kwento ay muling bumabalik ngayon kasabay ng bagong isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate