Anjo Yllana, sinabing si Jose Manalo ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobya

Anjo Yllana, sinabing si Jose Manalo ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobya

  • Anjo Yllana, naglabas ng saloobin tungkol sa umano’y pang-aagaw ng dating nobya ni Jose Manalo
  • Ibinahagi niyang ang dating kasintahan ay isang dancer mula sa Eat Bulaga
  • Ayon kay Anjo, siya at ang nobya ay halos isang taon ding nagsama bago ito nagbago
  • Jose Manalo, wala pang inilalabas na pahayag hinggil sa isyung ito

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Umalingawngaw muli sa social media ang pangalan ni Anjo Yllana matapos ang kanyang rebelasyong personal tungkol sa isang nakaraan niyang relasyon. Sa isang emosyonal na panayam, inamin ng aktor at dating konsehal na nasaktan siya nang malaman niyang ang kanyang dating nobya ay naugnay na kay komedyanteng Jose Manalo.

Anjo Yllana, sinabing si Jose Manalo ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobya
Anjo Yllana, sinabing si Jose Manalo ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobya (📷@The Isyu is You/YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Anjo, nagsimula ang lahat matapos siyang maghiwalay sa kanyang asawa. Doon umano siya nakilala ng isang babae mula sa programang Eat Bulaga, isang dancer na inilarawan niyang mabait, masipag, at simple. “Nung ako po ay hiwalay sa aking asawa, nagkaroon po ako ng girlfriend at minahal ko naman siya. Sa katunayan, nag-live in kami ng almost one year,” ani Anjo.

Read also

Eman Bacosa Pacquiao, ipinasilip ang simpleng bahay nila sa probinsya ng kanyang ina

Ayon sa kanya, tulad ng karamihan sa mga magkasintahan, dumaan sila sa ilang hindi pagkakaunawaan. Isang araw, umuwi raw ang babae sa kanya habang umiiyak matapos pagalitan umano ni Jose Manalo. “Pinagalitan daw siya ni Jose Manalo. Ang sabi, ‘Bakit ka kumakabit sa may asawa? May asawa na ‘yan. Hiwalayan mo ‘yan si Anjo,’” kwento ng aktor.

Ngunit ang ikinagulat ni Anjo ay nang kalaunan ay malaman niyang ang parehong tao na nagsabing hiwalayan siya ay siya ring naging asawa ng dating nobya. “Eh hiwalay na nga ako, ‘di ba? Pero sinabi niya na hiwalayan ako. Ang ending, inahas pala ako. Kaya pala niya ginawa ‘yun. Oo, ngayon asawa na niya si Mergene Maranan,” pag-amin ni Anjo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagaman halatang may kirot pa rin ang alaala, sinabi ng aktor na wala siyang galit ngunit naramdaman niya ang labis na pagkadismaya. “Girlfriend ko ‘yan isang taon. Okay kami niyan. Wala kaming problema masyado. Ang ano ko lang… ahas talaga itong si Jose Manalo,” dagdag pa niya.

Hanggang sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Jose Manalo kaugnay sa sinabi ni Anjo. Maraming netizens naman ang nagbahagi ng kani-kanilang opinyon—ang ilan ay nakisimpatya kay Anjo, samantalang may ilan ding nananatiling neutral sa usapin.

Read also

Piolo, nag-react sa ‘Piolo Pacquiao’ comment ng netizens sa anak ni Manny Pacquiao

Bukas ang KAMI.com.ph para sa panig ni Jose Manalo kung nanaisin niyang magbigay ng kanyang sagot o paglilinaw hinggil sa isyu.

Si Anjo Yllana ay isang beteranong aktor, komedyante, at dating pulitiko na nagsimula sa showbiz noong dekada ’80. Kilala siya sa mga sitcom at variety shows tulad ng Abangan Ang Susunod Na Kabanata at Eat Bulaga. Bukod sa kanyang karera sa telebisyon, nagsilbi rin siya bilang konsehal ng Quezon City at Paranaque.

Anjo Yllana admits his fear during FPJ and Sheryl Cruz’s wedding scene Ibinahagi ni Anjo Yllana ang kanyang karanasan habang kinukunan nila ang kasal nina FPJ at Sheryl Cruz para sa pelikula. Inamin niyang nakaramdam siya ng matinding kaba sa presensya ng “Da King” ngunit labis din niyang pinasalamatan ang pagkakataong makatrabaho ito.

Tito Sotto, prangkang tugon nang tanungin tungkol sa isyu ni Anjo Yllana Nagbigay ng diretsong pahayag si Tito Sotto nang tanungin tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ni Anjo Yllana. Ipinahayag niya ang kanyang respeto kay Anjo at sinabing may tiwala pa rin siya sa kakayahan nito bilang artista at kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: