OG members ng Sexbomb girls, muling napanood sa Eat Bulaga
- Muling napanood ang orihinal na miyembro ng Sexbomb girls sa Eat Bulaga
- Binisita nila ang dating mga kasama sa nasabing programa at nagpaunlak din ng ilang performances
- Matatandaang sila ang masasabing orihinal na girl group sa bansa
- Sa darating na Disymebre 4, gaganapin ang kanilang reunion concert sa Araneta Coliseum
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling nagpakilig at nagpasaya sa publiko ang orihinal na miyembro ng Sexbomb Girls nang sila ay muling napanood sa noontime show na Eat Bulaga nitong Nobyembre 8.

Source: Facebook
Ang grupo ay nagbalik sa entablado ng programa upang bisitahin ang kanilang dating mga kasamahan at maghandog ng ilang espesyal na performances na nagbigay ng matinding nostalgia sa mga manonood.
Sa kanilang pagbabalik, muling nasilayan ng mga tagahanga ang kanilang markadong choreography at masiglang awitin na minsan nang nagpayanig sa tanghalan.
Hindi maitago ng mga host ng Eat Bulaga ang tuwa lalo na nang kantahin nila ang isa sa mga sikat nilang naging awitin na "Bakit Papa" kung saan nabanggit pa sa lyrics ng kanta sina Bossing Vic Sotto, Joey Marquez at maging si Jose Manalo. Nagkaroon pa sila ng pagkakataong makipagkulitan kina Allan K at Paolo Ballesteros na nagbihis "PPop girls" at nakipag-showdown sa kanila.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Masasabi kasing isa ang Sexbomb girls sa bahagi ng kasaysayan ng palabas.
Bukod sa performances, nagkaroon din ng masayang pagbabalik-tanaw sa mga alaala ng grupo sa nasabing programa, kung saan sila unang nakilala ng publiko.
Ayon sa grupo, isa lamang ito sa mga sorpresa na inihahanda nila para sa kanilang mga tagahanga. Noong September 19, inilabas ang teaser ng sinasabing reunion project ng grupo. At sa darating na Disyembre 4, opisyal na gaganapin ang kanilang reunion concert sa Araneta Coliseum, isang engrandeng pagtatanghal na magbabalik sa entablado ng mga awitin at sayaw na nagpatingkad sa kanilang karera. Inaasahang dadagsain ito ng mga tagahanga mula sa iba’t ibang henerasyon na lumaki sa kasikatan ng grupo.
Narito ang kabuuan ng kanilang performance:
Ang Sexbomb Girls ay nabuo noong taong 1999 bilang mga backup dancers sa Eat Bulaga sa GMA Network. Naging marka sa kanila ang "get, get, aww" na kanilang nagagawa sa portion ng nasabing noontime show na "Laban o Bawi." Mula sa pagiging background dancers, mabilis silang nakilala dahil sa kanilang energetic na performances at catchy dance hits tulad ng "Spageti Song" at "Bakit Papa?". Kinalaunan, naging isa sila sa pinakasikat at pinakamatagumpay na girl group sa bansa, hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa musika at pelikula.
Sa paglipas ng panahon, isa-isang nawala ang miyembro ng nasabing grupo sa Eat Bulaga matapos silang magpokus sa kanilang sariling mga proyekto at personal na buhay. Ang ilan sa kanila ay nagpatuloy sa showbiz bilang aktres tulad na lamang ni Rocehelle Pangilinan. Ang iba naman ay naging choreographer, o performer, samantalang ang iba ay piniling mamuhay nang pribado at magtayo ng negosyo o pamilya.
Sa kanilang pagbabalik, ipinakita ng Sexbomb Girls na nananatiling buhay ang kanilang samahan at impluwensya sa industriya.
Patunay ito na kahit lumipas ang mga taon, hindi kailanman kumukupas ang alindog at talento ng mga orihinal na reyna ng sayawan sa telebisyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

