Glaiza de Castro, may nakakaantig na pagbati sa kanyang "amigah" na si Angelica Panganiban
- Nagbigay si Glaiza de Castro ng taos-pusong pagbati sa birthday ni Angelica Panganiban
 - Ipinahayag ni Glaiza na "iba na ang takbo ng buhay" nila ngunit nananatili silang magkasama
 - Aniya Glaiza, hindi sapat ang "20 slides" sa Instagram para iparamdam ang lalim ng kanyang pagmamahal
 - Talaga namang nagpaantig ng puso ang post na ito ni Glaiza sa kanyang Instagram account
 
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbigay ng taos-pusong pagbati ang aktres na si Glaiza de Castro sa kanyang matalik na kaibigan na si Angelica Panganiban sa Instagram, kung saan ipinagdiwang niya ang kaarawan nito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga throwback at candid na larawan.

Source: Instagram
Ang post ni Glaiza ay puno ng pagpapahalaga sa kanilang matibay na pagkakaibigan, na hindi iniba ng paglipas ng panahon o ng mga pagbabago sa kanilang buhay.
Sinimulan ni Glaiza ang kanyang mensahe sa pagkuwento kung gaano siya kasaya tuwing kaarawan ni Angelica, dahil nagbibigay ito ng dahilan para balikan niya ang kanilang mga pinagsamahan.
"Syempre birthday mo kaya panahon na naman para maghalungkat ng mga masasayang alaala sa gallery ko. At kada taon, parang hindi naman ako nauubusan ng ipo-post kasi nadadagdagan pa yung mga larawan at videos mo sa phone ko, di na nga ako makapili at yung iba, i-PM ko na lang sayo," aniya Glaiza.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ipinahayag ni Glaiza na kahit may kanya-kanya na silang buhay, nananatiling matibay ang kanilang samahan at suportahan.
"Ilang birthday mo na rin tayo magkasama, bukod pa sa mga milestone ng buhay natin. Iba na ang takbo ng buhay pero andito parin tayo — nagsusuportahan sa mga kabaliwan at katinuan natin. Naks."
Tiniyak ni Glaiza kay Angelica na sapat na ang kanyang ipinakitang slides ng mga larawan para iparamdam ang pagmamahal niya.
"Basta mahal kita diyan, di sapat yung 20 slides para iparamdam yun sayo. Kita-kits at celebrate tayo, paantay ako please hihi HAPPY BIRTHDAY AMIGAH KOOO @iamangelicap salamat sa lahat!"
Ang post ay nagpapakita ng isang tapat at matalik na pagkakaibigan na hindi nabibili ng anuman. Ang bond nina Glaiza at Angelica ay isa sa mga strongest celebrity friendships na hinahangaan ng marami.
Swipe left para makita ang iba pang photos:
Si Glaiza de Castro ay isang kilalang aktres at singer sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera sa palabas na Cool Dudes noong 2001, at nakilala sa kanyang mga roles sa Stairway to Heaven at Grazilda, at kalaunan ay naging si Pirena sa fantasy series na Encantadia. Bukod sa pag-arte, aktibo ring singer si Glaiza. Sa kanyang personal na buhay, si Glaiza ay ikinasal kay David Rainey noong 2021 sa isang Celtic wedding ceremony na ginanap sa Northern Ireland, United Kingdom.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong July ay nagluksa sa pagpanaw ng kanyang ama ang aktres na si Glaiza de Castro. Kamakailan ay ibinahagi ni Glaiza ang nakakalungkot na balita sa kanyang Instagram. Dito ay nagsulat si Glaiza ng isang nakakaantig na mensahe tungkol sa kanyang daddy.
Samantalang ay nag-viral si Glaiza de Castro dahil sa kanyang nakakaaliw na post. Sa Instagram, isinapubliko ni Glaiza ang video nila ng kanyang mister. Labis na kinagiliwan ng marami ang ginawa ni Glaiza sa video. Ngunit, ang nagpa-viral pa sa video ay ang comment ng ibang celebrities, lalo na nga ang reaksyon ni Angelica Panganiban.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

