Andrea Brillantes, hinangaan sa pagiging supportive na kaibigan kay Bea Borres

Andrea Brillantes, hinangaan sa pagiging supportive na kaibigan kay Bea Borres

  • Bea Borres, ibinahagi ang emosyonal na sandali nang samahan siya ni Andrea Brillantes sa ultrasound
  • Andrea dumating matapos lamang ang 15 minuto nang malaman na mag-isa si Bea sa check-up
  • Netizens, pinuri ang pagkakaibigan ng dalawa at ang kabutihan ni Andrea sa kabila ng mga kontrobersiya
  • Bea at Andrea, muling hinangaan ng publiko dahil sa tunay na pagkakaibigang ipinakita sa gitna ng pagsubok

Naantig ang puso ng maraming netizens matapos ibahagi ni content creator at influencer Bea Borres ang ginawa ng kanyang kaibigan na si Andrea Brillantes, na agad siyang sinamahan sa kanyang ultrasound appointment matapos sabihin na nalulungkot siya dahil mag-isa lamang siya noon.

Andrea Brillantes, hinangaan sa pagiging supportive na kaibigan kay Bea Borres
Andrea Brillantes, hinangaan sa pagiging supportive na kaibigan kay Bea Borres (đź“·Bea Borres/FB)
Source: Instagram

Sa Facebook post ni Bea, ibinahagi niya ang simpleng mensahe na nagpaiyak sa marami: “For context, I texted her that I’m so naawa sa self ko cuz I was alone sa ultrasound then she arrived after 15 minutes :)) saved the day tapos pinagshopping pa ko hahah.”

Read also

Kim Atienza, naiyak sa sulat ng kaibigan ng anak: “You’re an incredible father”

Sa isang video post naman ay makikita ang caption na “POV: Your baby’s dad is Andrea Brillantes”, na sinabayan ng kuhang larawan niya habang tila naiiyak sa labis na pasasalamat. Sa comment section, ibinahagi rin ni Bea ang mismong mensahe ni Andrea na nagtanong kung gusto niyang samahan siya. Ani Bea, “CRIEDDDD.”

Ayon sa mga netizens, labis silang humanga sa kabutihan ni Andrea at sa matatag na pagkakaibigan nila ni Bea. Isa sa mga komento ang nagsabing, “I saw sa FB yung video ni Bea about her going to OB-Gyne alone and she felt naawa for herself and she said this to Andrea and within 15 minutes, she was there to be with her and even paid for the check-up.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami rin ang nagpahayag ng suporta sa dalawa. “Let’s not forget how Bea stood by Andrea’s side when almost all Andrea’s showbiz friends unfollowed or canceled her during the KathNiel breakup,” ayon sa isang netizen. Isa pa ang nagsabing, “Andrea is overhated, but she actually seems really nice. You can tell from how she treats her friends and family.”

Isa pang fan ang nagbahagi ng detalye mula sa video ni Bea kung saan makikitang may lipstick pa si Andrea sa kamay, na tila dumiretso mula sa opisina ng kanyang brand na Lucky Beauty. “She came all the way from Lucky Beauty office daw after siya i-message ni Bea,” saad ng komento.

Read also

Rita Daniela, inaming siya ang nag-first move sa relasyon nila ni McLaude Guadaña

Dahil dito, marami ang nagsabing kahanga-hanga ang kanilang samahan at nagpapaalala na ang pagkakaroon ng mabuting kaibigan ay kasinghalaga rin ng pag-ibig. “Bea’s baby may not have the conventional family, but they will be loved nonetheless,” dagdag pa ng isa.

Si Bea Borres ay isang social media personality at influencer na kilala sa kanyang vlogs at TikTok content. Sa mga nagdaang buwan, naging bukas siya sa publiko tungkol sa kanyang pagbubuntis at sa mga hamon na kinakaharap niya bilang isang single mom-to-be. Samantala, si Andrea Brillantes naman ay isa sa pinakatanyag na aktres ng kanyang henerasyon, na kilala sa pagiging totoo at mapagmahal sa mga taong malapit sa kanya.

Bea Borres, nag-react sa biglaang pagpanaw ni Emman Atienza Matapos ang balitang pagpanaw ni Emman Atienza, anak ni Kim Atienza, nagbigay ng emosyonal na reaksyon si Bea Borres. Sa kanyang post, nagpahatid siya ng pakikiramay at mensaheng puno ng pag-ibig para sa pamilya Atienza, na minsan na rin niyang nakasama sa industriya ng entertainment.

Bea Borres, ipinagtanggol si Jillian Ward laban sa mga bashers na kumukwestyon sa tagumpay ng kababaihan Kamakailan, ipinagtanggol ni Bea si Jillian Ward laban sa mga kritiko na kumukwestyon sa tagumpay ng mga kababaihan sa showbiz. Pinuri siya ng mga netizens dahil sa tapang niyang magsalita at sa pagtindig niya para sa kapwa babae, isang patunay ng kanyang paniniwala sa empowerment at support sa isa’t isa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate