Coco Martin, piniling magmulat sa pelikula kaysa makibaka sa lansangan

Coco Martin, piniling magmulat sa pelikula kaysa makibaka sa lansangan

  • Coco Martin nagpaliwanag kung bakit hindi siya dumalo sa anti-corruption protest noong Setyembre 21
  • Ayon sa aktor, mas pinipili niyang gamitin ang kaniyang mga palabas upang magmulat at magturo sa mga Pilipino
  • Inalala rin niya ang emosyonal na panahong nagsalita siya noong ABS-CBN shutdown noong 2020
  • Binigyang-diin ni Coco na hindi kailangang sumigaw o makibaka sa lansangan upang ipakita ang malasakit sa bayan

Ibinahagi ng Kapamilya Primetime King na si Coco Martin ang kaniyang pananaw tungkol sa mga kasalukuyang isyung panlipunan sa bansa. Sa panayam sa “KC After Hours” noong Nobyembre 1, sinabi ng aktor na may kanya-kanyang paraan ang bawat tao upang ipakita ang malasakit nila sa bayan—at para sa kaniya, ito ay sa pamamagitan ng mga kuwentong nagbibigay aral at inspirasyon.

Coco Martin, piniling magmulat sa pelikula kaysa makibaka sa lansangan
Coco Martin, piniling magmulat sa pelikula kaysa makibaka sa lansangan (📷@cocomartin_ph/IG)
Source: Instagram

Ayon kay Coco, may kaibigan siyang nagtaka kung bakit hindi siya dumalo sa malaking anti-corruption protest noong Setyembre 21. Ipinaliwanag ng aktor na hindi niya kailangang sumigaw o magprotesta upang maipakita ang kanyang malasakit sa bansa.

Read also

Coco Martin, ibinahagi kung paano umiwas sa tukso sa showbiz

"I said, because I don't need to fight, shout, or throw stones. We all have our own ways. And my way is to tell stories and educate people about what's happening in our country," ani Coco.

Para kay Coco, malaki ang papel ng pelikula at teleserye sa pagpapakita ng tunay na buhay ng mga Pilipino. Ito raw ang kanyang paraan upang maiparating ang mensahe ng pag-asa, katotohanan, at pagbabago sa mas nakararaming manonood.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"As we say, whether it's a series, a teleserye, or a movie, it reflects the lives of Filipinos, it reflects the lives of the people," dagdag niya.

Marami ang humanga sa mensaheng ito ni Coco, na sa kabila ng kanyang katayuan sa industriya, ay patuloy pa ring nakikibahagi sa usaping panlipunan sa paraang positibo at makabuluhan.

Hindi ito ang unang beses na nagpahayag ng opinyon ang aktor tungkol sa mga isyung pambansa. Naalala rin ni Coco ang panahon ng ABS-CBN shutdown noong 2020, kung saan naging emosyonal siya sa harap ng publiko habang ipinagtatanggol ang network.

"We're not just speaking out as artists. We're speaking out for the people who will lose their jobs. But what hurts the most is that our fellow artists are the ones who are destroying us," ani Coco, sabay balik-tanaw sa mahirap na yugto ng kanyang karera.

Read also

Aiko Melendez, nagbigay komento sa mga naka-costume ng DPWH nitong Halloween

Matatandaang noong Mayo 2020, tuluyang napaso ang 25-year legislative franchise ng ABS-CBN matapos bumoto ng 70 congressmen laban sa pag-renew nito. Ang nasabing desisyon ay nagdulot ng libu-libong nawalan ng trabaho at pansamantalang pagkalungkot sa maraming Kapamilya artists.

Bukod dito, nag-ugat din ang kontrobersya sa isyu ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na diumano’y hindi inere ng network ang ilan sa kanyang campaign ads noong 2016 elections. Nagbigay naman ng paliwanag ang pamunuan ng ABS-CBN, na sinabing may mga limitasyon sila sa pagtanggap ng mga lokal na patalastas.

Para kay Coco, ang mga pangyayaring iyon ang lalo pang nagpatibay sa kanyang paniniwala na ang sining ay maaaring gamitin para sa kabutihan. Naniniwala siyang sa pamamagitan ng mga kuwentong ipinapakita sa telebisyon, maaari niyang hikayatin ang mga manonood na maging mas mapanuri, matatag, at mapagmahal sa bayan.

Si Coco Martin ay isa sa pinakatanyag na aktor, direktor, at producer ng ABS-CBN. Kilala siya sa kanyang mga de-kalidad na proyekto gaya ng Ang Probinsyano at FPJ’s Batang Quiapo. Sa halos dalawang dekada sa industriya, napanatili niya ang respeto ng publiko hindi lamang dahil sa kanyang husay sa pag-arte kundi sa kanyang dedikasyon at malasakit sa mga manggagawa sa showbiz.

Read also

Bea Binene, nagbigay-linaw sa maling pagpapakilala bilang Vivamax actress

Coco Martin marks birthday with heartwarming celebration thrown by ABS-CBN and Dreamscape Isang espesyal na handaan ang inihanda ng Dreamscape Entertainment para kay Coco bilang pasasalamat sa kanyang dedikasyon at kababaang-loob.

Coco Martin ibinahagi kung paano umiwas sa tukso sa showbiz Sa hiwalay na panayam, ibinahagi ni Coco ang mga patakaran niya sa set tulad ng pagbabawal sa cellphone, paninigarilyo, at biglaang drug test upang mapanatili ang respeto sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate