Coco Martin, ibinahagi kung paano umiwas sa tukso sa showbiz

Coco Martin, ibinahagi kung paano umiwas sa tukso sa showbiz

  • Ibinahagi ni Coco Martin kung paano niya pinapanatili ang respeto at disiplina sa trabaho
  • Sinabi ng aktor na ginagamit niya ang kaniyang posisyon upang magtakda ng hangganan sa mga tao sa paligid niya
  • Ipinatupad niya ang mga patakaran sa set gaya ng pagbabawal sa cellphone at paninigarilyo, at biglaang drug test
  • Naniniwala siyang kailangan niyang panatilihing may distansya upang maiwasan ang tukso at manipulasyon sa industriya

Ibinahagi ng FPJ’s Batang Quiapo star na si Coco Martin ang sekreto kung paano siya nananatiling disiplinado at hindi natutukso sa magulong mundo ng showbiz. Sa panayam ni Karmina Constantino para sa programang “KC After Hours” noong Nobyembre 1, ipinaliwanag ni Coco kung paano niya ginagamit ang kaniyang awtoridad hindi para magmalaki, kundi upang magturo ng respeto sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Coco Martin, ibinahagi kung paano umiwas sa tukso sa showbiz
Coco Martin, ibinahagi kung paano umiwas sa tukso sa showbiz (📷@cocomartin_ph/IG)
Source: Instagram

"Ang ipinaparamdam ko kasi, ‘yong posisyon ko… para magkaroon ng respect. Kasi kapag naramdaman ng mga artista na artista ka pa rin, ‘yon lang din ang tingin nila sa ‘yo. [Pero] kapag nagsalita ka, rerespetuhin ka,” pahayag ng aktor.

Read also

Bea Binene, nagbigay-linaw sa maling pagpapakilala bilang Vivamax actress

Ayon kay Coco, bahagi ng kanyang disiplina sa trabaho ang pagpapatupad ng ilang mahigpit na patakaran sa set. Kabilang dito ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone at paninigarilyo habang nagtatrabaho. Bukod dito, bigla-bigla rin daw siyang nagpapa-drug test upang masiguro ang kaligtasan ng lahat sa set.

Para kay Coco, mahalagang mapanatili ang respeto sa pagitan ng mga artista at crew. Ito raw ang dahilan kung bakit may “agwat” siyang pinananatili sa mga taong nakapaligid sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nararamdaman nila na parang, ‘Opps, hindi gano’n.’ Kasi sa totoo lang, hindi ko rin kasi puwedeng masyado akong madaling lapitan. Maraming mga tao, honestly, na ima-manipulate ka,” dagdag pa niya.

Dahil dito, pinuri ng mga netizens ang dedikasyon ng aktor sa kanyang propesyon at sa paraan ng kanyang pamumuno sa mga proyekto. Kilala si Coco bilang hindi lamang bida kundi direktor at producer ng FPJ’s Batang Quiapo, isa sa pinakapinapanood na teleserye sa bansa.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang panayam ng radio personality na si DJ Chacha sa partner ni Coco na si Julia Montes, kung saan tinanong siya tungkol sa mga babaeng umaaligid umano sa aktor. Ibinahagi ni Julia na bagama’t hindi maiiwasan ang ganoong sitwasyon, buo ang kanyang tiwala sa partner at alam niyang responsable ito pagdating sa ganitong mga bagay.

Read also

Dating PBB housemate Shuvee Etrata, ibinahagi ang hirap ng buhay bilang 4Ps beneficiary

Si Coco Martin ay kilalang aktor, direktor, at producer sa ABS-CBN. Nakilala siya sa indie films bago sumikat sa mainstream television sa pamamagitan ng teleseryeng Walang Hanggan, Ang Probinsyano, at kasalukuyang FPJ’s Batang Quiapo. Dahil sa kanyang husay at dedikasyon, itinuring siyang “Primetime King” ng network. Bukod sa pagiging artista, si Coco ay kilala rin sa pagiging hands-on sa kanyang mga proyekto, kabilang ang pagpapatakbo ng produksyong CCM Productions.

Aljur Abrenica, game sa request ni Coco Martin na kantahin ang “Himala” ng Rivermaya Sa isang eksena ng FPJ’s Batang Quiapo, nagpakita ng kakaibang sense of humor si Coco Martin nang biruin si Aljur Abrenica na kantahin ang “Himala.” Ipinakita ng dalawa ang kanilang good working relationship sa likod ng camera.

Coco Martin marks birthday with heartwarming celebration thrown by ABS-CBN and Dreamscape Isang espesyal na sorpresa ang inihanda ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment para sa kaarawan ng aktor. Ibinahagi ni Coco ang kanyang pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng kanyang teleserye at sa patuloy na suporta ng mga manonood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate