Aiko Melendez, nagbigay komento sa mga naka-costume ng DPWH nitong Halloween

Aiko Melendez, nagbigay komento sa mga naka-costume ng DPWH nitong Halloween

  • Nag-viral ang post ni Aiko Melendez tungkol sa mga naka-costume umano ng DPWH nitong Halloween
  • Sa kaniyang Facebook post, tinawag ng aktres na “nakakatakot” na raw ang DPWH sa paningin ng mga tao
  • Umani ito ng iba’t ibang komento mula sa netizens, kabilang ang mga nakakatawa at mapanuyang reaksyon
  • Ilan ay sumang-ayon sa mensahe ni Aiko habang ang iba naman ay nagtanong kung ano ang itsura ng naturang costume

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Usap-usapan ngayon sa social media ang makahulugang post ni Quezon City Councilor at aktres na si Aiko Melendez matapos niyang magbigay ng pasaring sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng mga umano’y Halloween costumes na inspired ng ahensya.

Aiko Melendez, nagbigay komento sa mga naka-costume ng DPWH nitong Halloween
Aiko Melendez, nagbigay komento sa mga naka-costume ng DPWH nitong Halloween (📷Aiko Melendez/Facebook)
Source: Facebook

Sa kaniyang Facebook post nitong Nobyembre 1, ibinahagi ni Aiko ang obserbasyon tungkol sa mga taong ginawang “inspirasyon” ang DPWH para sa kanilang costume party.

Read also

Bea Binene, nagbigay-linaw sa maling pagpapakilala bilang Vivamax actress

"GOOD AM grabe dami naka costume ng DPWH kagabi. Proud kayo? Kayo na ginagaya ngayon. Ibig sabihin nakakatakot na kayo sa paningin ng tao. Awoooooo," ani Aiko sa kaniyang post.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi man direktang tinukoy ng aktres kung ano ang pinatutungkulan, malinaw na nagdulot ito ng tawanan, intriga, at diskusyon sa comment section. Maraming netizen ang nagbahagi ng sarili nilang kuro-kuro at reaksyon.

Isa sa mga nagkomento ay nagsabing, “May kagabi naka contractor attire, sabi niya siya daw taga-hawak ng ghost project.” Habang ang isa naman ay pabirong nagtanong, “Anong hitsura ng DPWH costume? Pa-view naman.”

May ilan ding nakisakay sa banat ng aktres at nagsabing, “Kahit hindi na sila mag-costume, wala naman pagkakaiba.”

Ayon sa mga tagasubaybay ni Aiko, sanay na silang makakita ng ganitong klaseng “witty” posts mula sa kanya, lalo’t kilala ang aktres sa pagiging prangka at matapang pagdating sa mga isyung pampubliko.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay matagal nang napapailalim sa mga isyu ng katiwalian, partikular na sa mga tinatawag na ghost projects, overpriced contracts, at kickbacks mula sa ilang kontratista. Sa mga nakalipas na taon, naging simbolo ito ng kawalan ng tiwala ng publiko sa ilang proyekto ng gobyerno, lalo na sa mga kalsada, tulay, at flood-control programs.

Read also

Barbie Imperial, aliw sa Halloween post ni BINI member Gwen Apuli

Si Aiko Melendez ay kilalang aktres, dating beauty queen, at kasalukuyang konsehal ng Quezon City 5th District. Bukod sa kanyang matatag na karera sa showbiz, kilala rin siya bilang public servant na aktibong nagbabahagi ng saloobin sa mga isyung panlipunan sa pamamagitan ng social media.

Hindi ito ang unang pagkakataong nag-viral ang isang post ni Aiko. Sa mga nakaraang buwan, nagbahagi rin siya ng mga emosyonal na post tungkol sa pamilya at sa kaniyang personal na buhay, bagay na nagpatibay pa ng koneksyon niya sa kanyang mga tagahanga.

Aiko Melendez posts touching tribute for son Andre Yllana on his birthday Sa isang heartwarming post, nagbigay pugay si Aiko sa kanyang anak na si Andre, anak niya sa dating aktor na si Jomari Yllana. Pinuri niya ito bilang “mabuting anak at responsableng binata,” dahilan upang mag-trend ang naturang mensahe ng ina.

Aiko Melendez at Jay Khonghun, hiwalay na ayon kay Ogie Diaz Kinumpirma ni Ogie Diaz ang balita ng hiwalayan ng aktres at ng dating Zambales vice governor na si Jay Khonghun. Ayon kay Aiko, nananatili silang magkaibigan at patuloy siyang nagpapasalamat sa mga alaala ng kanilang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate