Aljur Abrenica, game sa request ni Coco Martin na kantahin ang “Himala” ng Rivermaya

Aljur Abrenica, game sa request ni Coco Martin na kantahin ang “Himala” ng Rivermaya

  • Coco Martin, nag-request kay Aljur Abrenica na kantahin ang “Himala” ng Rivermaya
  • Agad tinupad ni Aljur ang request ni Coco at naglabas ng viral song cover video
  • Umani ng papuri ang boses ng aktor mula sa netizens na nagsabing ‘on point’ ang rendition
  • May ilan ding nagpahayag ng suporta sa bagong music content ng aktor sa kabila ng mga kritiko

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Game na game na tinugon ni Aljur Abrenica ang special request ng Kapamilya Primetime King Coco Martin na kantahin niya ang sikat na awiting “Himala” ng Rivermaya.

Aljur Abrenica, game sa request ni Coco Martin na kantahin ang “Himala” ng Rivermaya
Aljur Abrenica, game sa request ni Coco Martin na kantahin ang “Himala” ng Rivermaya (📷Aljur Abrenica/Facebook)
Source: Instagram

Sa isang video na ibinahagi ni Aljur nitong Biyernes, Oktubre 31, makikita muna ang maikling clip ni Coco Martin kasama ang ilang crew ng FPJ’s Batang Quiapo habang humihiling kay Aljur na kantahin ang nasabing kanta. “Pareng Aljur, naririnig namin at napapanood namin ‘yong mga malulupit mong kanta, baka naman puwede kaming mag-request sa ‘yo. Sana kantahin mo naman ‘yong Himala by Rivermaya!” ani Coco sa video.

Read also

Zsa Zsa Padilla, hindi na nakapagtimpi sa mga bashers: "Sarap nyo tirisin!"

Hindi naman nagdalawang-isip si Aljur at agad na tinugunan ang request ng kanyang kapwa aktor. “Say less!” ang sagot ni Aljur na sinundan ng kanyang full rendition ng Himala, na agad namang umani ng positibong komento mula sa mga netizens.

Mapapansin sa video na buong puso at emosyon ang pagkanta ni Aljur, dahilan upang maraming manonood ang mapahanga sa kanyang boses. Marami ang nagkomento na “on point” ang tono at timbre ng kanyang boses, habang ang ilan ay natuwa sa kanyang pagiging natural performer kahit hindi nasa entablado.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang netizen ang nagkomento, “I don’t know where the hate is coming from pero his voice is on point naman dito. Let’s just support each one of us kung saang larangan feel natin mag venture.” May ilan din namang nagbiro, gaya ng “Tenor pala boses mo sir Aljur. Tenor-ture. di joke lng.”

Ang iba ay nagpahayag ng paghanga sa versatility ni Aljur, na ngayon ay tila mas nakikilala na rin bilang online performer sa mga video niyang madalas mag-viral. Isa sa mga komento pa ng netizens, “Concert duo kau ni Anne Curtis bro!” na sinabayan pa ng mga emojis ng halakhak at clap reactions.

Read also

Claudine Barretto, nag-post ng sweet photo kasama si Milano Sanchez

Sa kabila ng ilang kritisismo na patuloy niyang natatanggap sa social media, marami ang nagsabing deserve ni Aljur ang suporta dahil sa ipinapakitang talento at effort sa kanyang mga content. Ayon sa isa pang netizen, “Honestly? This dude knows how to sing. It’s just that a lot of people hate him because of what he has done in the past.”

Ang video ay umani ng libo-libong reactions at shares, dahilan upang umakyat ito sa trending list ng Facebook at TikTok. Tila nagbigay ito ng bagong kulay sa imahe ni Aljur na madalas ay nasasangkot sa kontrobersiya—ngayon naman, dahil sa kanyang talento.

Si Aljur Abrenica ay isang aktor, modelo, at recording artist na unang nakilala sa pamamagitan ng reality show na StarStruck ng GMA Network. Isa siya sa mga tinaguriang “Ultimate Hunk” ng industriya at nakagawa ng maraming teleserye at pelikula. Sa kabila ng mga isyung personal, unti-unti siyang bumabalik sa showbiz spotlight sa pamamagitan ng kanyang mga music videos at vlogs, kung saan ipinapakita niya ang kanyang passion sa musika.

Kilala naman si Coco Martin bilang isa sa pinakapinagkakatiwalaang aktor ng ABS-CBN at head ng long-running action-drama series na FPJ’s Batang Quiapo. Sa kanyang simpleng request, ipinakita rin ni Coco ang suporta sa mga kapwa artista sa iba’t ibang network.

Read also

Bangkay ng 15-anyos na anim na buwang nawawala, natagpuan sa abandonadong bahay sa Davao de Oro

Celebrities, naaliw sa tanong ni Chariz Solomon ukol sa mga covers ni Aljur Abrenica Maraming celebrities ang natawa at natuwa sa candid na tanong ni Chariz Solomon tungkol sa mga song covers ni Aljur. Ang naturang post ay agad nag-trending at nagdulot ng saya sa social media, kung saan pinuri rin ng ilan ang husay ni Aljur sa pagkanta.

Aljur Abrenica, nag-react sa transformation ni AJ Raval bilang ‘Darna’ Nagbigay ng reaksyon si Aljur matapos mag-viral ang bagong look ni AJ Raval na tinaguriang “Darna transformation.” Ayon kay Aljur, proud siya sa dedikasyon ni AJ sa kanyang fitness at career, na patuloy na inspirasyon sa kanya bilang partner.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate