Ogie Diaz, ‘walang galit’ kay Sarah Lahbati kahit umano’y binlock siya sa IG

Ogie Diaz, ‘walang galit’ kay Sarah Lahbati kahit umano’y binlock siya sa IG

  • Ogie Diaz inamin na umano’y na-block siya ni Sarah Lahbati sa Instagram
  • Sinabi ni Ogie na wala siyang galit sa aktres at bukas siya sa isang one-on-one interview
  • Naugnay ang isyu matapos maglabas ng screenshot si Ellen Adarna tungkol sa umano’y fake news
  • Sarah Lahbati ay hindi pa nagbibigay ng pahayag tungkol sa alegasyon ni Ogie

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa isang panibagong vlog, inilahad ni veteran talent manager at showbiz columnist Ogie Diaz na umano’y na-block siya ng aktres na si Sarah Lahbati sa Instagram. Ibinunyag ni Ogie ang obserbasyong ito kasunod ng isyung nag-ugat sa post ni Ellen Adarna, kung saan ipinakita nito ang kanilang Instagram conversation na nagbanggit ng pangalan ni Ogie.

Ogie Diaz, ‘walang galit’ kay Sarah Lahbati kahit umano’y binlock siya sa IG
Ogie Diaz, ‘walang galit’ kay Sarah Lahbati kahit umano’y binlock siya sa IG (📷Ogie Diaz, Sarah Lahbati/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Ogie, wala umano siyang galit kay Sarah at bukas siyang makipag-usap upang malinawan ang anumang hindi pagkakaunawaan. "Dito kay Sarah Lahbati, tinatanong niya kung may galit sa kanya, wala akong galit sa’yo Sarah. Kung gusto mo, kung willing ka din, open naman ako for one-on-one interview with you," pahayag ng kolumnista.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw na wala siyang galit kay Sarah Lahbati

Dagdag pa ni Ogie, tila si Sarah pa raw ang may galit sa kanya dahil siya umano ang na-block sa social media account ng aktres. "Nagkataon lang na feeling ko ikaw may galit sa akin kasi ako yung blinock mo sa IG. Ako wala akong galit, promise," aniya.

Ang isyu ay nagsimula matapos ibahagi ni Ellen Adarna ang screenshot ng kanilang pag-uusap ni Sarah, kung saan sinabi ng aktres, "@ogie_diaz na to may galit talaga sa akin [laughing emojis]." Mabilis namang itinanggi ni Ogie ang paratang at sinabing handa siyang bigyan si Sarah ng pagkakataong maipahayag ang kanyang panig.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bago matapos ang kanyang vlog, nilinaw din ni Ogie ang kontrobersyal na pahayag tungkol sa umano’y bahay na ibinebenta kina Ellen at Derek Ramsay. Ayon sa kanya, hindi tiyak ng kanyang source ang impormasyon at agad naman niyang kinlaro ito matapos makipag-usap kay Ellen. "Basta ang importante, naging balanse naman tayo at inilahad natin yung panig namin ni Ellen Adarna," dagdag pa ng talent manager.

Hanggang sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng tugon si Sarah Lahbati sa isyu at sa umano’y pagba-block sa IG.

Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz columnists at talent managers sa bansa. Nakilala siya sa kanyang pagiging outspoken at sa mga vlog na naglalayong maghatid ng showbiz updates. Samantala, si Sarah Lahbati ay isang aktres at model na kilala sa kanyang mga teleserye sa GMA at ABS-CBN, gayundin bilang asawa ni Richard Gutierrez.

Read also

Raymart Santiago, nanindigan: “Kailanman ay hindi ko nagawa ang mga paratang nila”

Ellen Adarna shows conversation with Sarah Lahbati, tags Ogie Diaz: “Mama Ogs, klaruhin lang natin” Sa post na ito mula sa Kami.com.ph, ibinahagi ni Ellen Adarna ang screenshot ng kanilang pag-uusap ni Sarah Lahbati kung saan napag-usapan si Ogie Diaz. Layunin ni Ellen na ipaliwanag na may kumalat na maling impormasyon mula sa vlog ni Ogie tungkol sa kanila ni Derek Ramsay.

Sarah Lahbati reacts, reposts Ellen Adarna’s Instagram story about Ogie Diaz Matapos ang post ni Ellen, nag-react si Sarah sa pamamagitan ng pag-repost ng Instagram story, na tila sumasang-ayon sa pahayag ng kaibigan. Ipinakita rito na nais lamang nilang linawin ang mga kumalat na impormasyon at hindi palalain ang isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate