Judy Ann Santos, nag-react sa "sisters of 23 years" na post ni Sharon Cuneta

Judy Ann Santos, nag-react sa "sisters of 23 years" na post ni Sharon Cuneta

  • Ipinagdiwang ni Sharon Cuneta ang 23 taong pagkakaibigan nila Judy Ann Santos
  • Aniya pa nga ni Sharon, maging ang kanilang mga asawa ay parang "brothers" na
  • Mabilis namang sinagot ni Judy Ann si Sharon, at iginiit na sila ay "sisters by choice"
  • Sa comments, maraming netizens naman ang naantig sa friendship ng dalawa

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nag-viral kamakailan ang Megastar na si Sharon Cuneta matapos niyang ipagdiwang ang kanyang 23 taong pagkakaibigan kay Judy Ann Santos sa isang post sa Instagram. Ang tribute na ito ni Sharon ay mabilis na sinagot ni Judy Ann, na nagpapatunay sa lalim at tibay ng kanilang samahan.

Judy Ann Santos, nag-react sa "sisters of 23 years" na post ni Sharon Cuneta
Photos: @officialjuday, @reallysharoncuneta on Instagram
Source: Instagram

Nagbahagi si Sharon ng ilang masasayang larawan nila ni Judy Ann, kung saan makikita ang kanilang mahigpit na yakapan sa harap ng camera. Sa caption, inilarawan ni Sharon ang bond nila.

"Sisters of 23 years! Our kids have grown up together and our husbands are now also brothers. What a blessing! I love you so much, sis ko! Thank you for being our other family! Forever!"

Read also

Claudine Barretto, nag-post ng sweet photo kasama si Milano Sanchez

Ang mensahe na ito ni Sharon ay nagpapakita na ang kanilang pagkakaibigan ay lumawak pa nga sa kanilang mga pamilya — mula sa kanilang mga anak na magkasamang lumaki hanggang sa kanilang mga asawa na magkapatid na rin ang turingan sa isa't isa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad namang nag-komento si Judy Ann sa post na ito ng Megastar at sinabing "sisters by choice" sila ng aktres.

"Sisters by choice. We love you all sooo much, ate! Thank you for the love and trust!"

Nag-iwan din ng heart emoji ang asawa ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo sa komento, na lalo pang nagpapatunay ng lalim ng kanilang pakikipagkaibigan.

Ang palitan ng mensahe nina Sharon at Judy Ann ay nagbigay inspirasyon sa kanilang mga tagahanga, na nagpapakita na sa loob ng showbiz, mayroong mga relasyon na mananatiling matibay at lalalim pa sa paglipas ng panahon.

Swipe left para makita ang iba pang photos:

Judy Ann Santos, nag-react sa "sisters of 23 years" na post ni Sharon Cuneta
Screenshot mula sa Instagram ni @reallysharoncuneta
Source: Instagram

Si Judy Ann Santos ay isang Filipina aktres. Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga TV drama tulad ng Mara Clara at Ula, Ang Batang Gubat, at mula noon ay naging isa sa mga pinakarespetadong personalidad sa showbiz. Ang mga versatile roles niya ay nagdala sa kanya ng maraming parangal. Sa kanyang personal na buhay ay kasal si Judy Ann kay Ryan Agoncillo, isang Filipino actor-host. Sila ay may 3 anak na sina Johanna Louise, Juan Luis, at Juana Luisa. Bukod sa kanyang matagumpay na acting career, kilala rin si Judy Ann sa kanyang galing sa pagluluto.

Read also

Kim Chiu, inaming "OA" siya noon pagdating sa pag-ibig: "Ngayon sakto na lang"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naantig ang puso ng maraming netizens sa post ni Judy Ann Santos. Binati kasi kamakailan ng aktres ang anak niya na si Lucho sa Instagram page. Aniya Juday, proud daw siya na siya ang mommy ni Lucho, na nagpaantig online. Say pa nga ng aktres sa kanyang post, "God again delivered one of my greatest wishes."

Samantalang ay pinasaya ni Judy Ann Santos ang kanyang mga fans dahil sa viral video niya. Ibinahagi kasi ni Ryan Agoncillo sa Instagram ang resulta ng 'experiment' ni Juday. Tila sinubukan kasi ni Juday na mag-bake ng tinapay from scratch sa bahay nila. Ngunit, talagang naloka ang dalawa sa resulta ng baking experiment na ito ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco