Marjorie, sinabing si Mommy Inday ang pumigil sa kanyang makipag-ayos kina Claudine at Gretchen

Marjorie, sinabing si Mommy Inday ang pumigil sa kanyang makipag-ayos kina Claudine at Gretchen

  • Marjorie Barretto, emosyonal na sinagot ang mga pahayag ng kanyang ina na si Mommy Inday Barretto
  • Ayon kay Marjorie, si Mommy Inday umano ang nagmakaawa sa kanya na huwag ayusin ang gusot nila Claudine at Gretchen
  • Mariing pinabulaanan ni Marjorie ang akusasyon na hindi niya iniimbitahan ang kanyang ina sa mga pagtitipon ng pamilya
  • Tinawag ni Marjorie ang panibagong panayam ng ina na “false, unfair, and destructive”

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa gitna ng muling pag-uugong ng isyu sa pagitan ng Barretto family, nagsalita na si Marjorie Barretto matapos ang kontrobersyal na panayam ng kanyang ina na si Mommy Inday Barretto. Ayon kay Marjorie, labis siyang nasaktan sa mga sinabi ng kanyang ina at hindi na niya kayang manahimik pa.

Marjorie, sinabing si Mommy Inday ang pumigil sa kanyang makipag-ayos kina Claudine at Gretchen
Marjorie, sinabing si Mommy Inday ang pumigil sa kanyang makipag-ayos kina Claudine at Gretchen (📷@marjbarretto/IG)
Source: Instagram

Ang isyu ay nagsimula matapos lumabas ang panayam ni Mommy Inday kamakailan kung saan sinabi nitong hindi sila magkasundo ng anak na si Marjorie. Ayon sa kanya, “I’m asked and I’m honest and I’ll tell the truth–– we don’t get along fine. I love her, she knows that. She better know it otherwise, what a loss.”

Read also

Raymart Santiago, nanindigan: “Kailanman ay hindi ko nagawa ang mga paratang nila”

Pagkalipas ng halos isang linggo, sinagot ni Marjorie ang mga pahayag ng ina sa pamamagitan ng emosyonal na post. Inamin niyang labis siyang nasaktan at hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Mommy Inday. Ayon sa kanya, taliwas umano sa katotohanan ang ilang detalye na binanggit sa panayam.

Tinukoy ni Marjorie na lagi naman umanong kasama sa mga family gatherings ang kanyang ina at madalas pa itong makikita sa mga larawan ng kanilang pamilya. Subalit, siya raw mismo ang pinakiusapan ng ina na huwag i-post ang mga larawan nila sa social media upang hindi magalit sina Claudine at Gretchen.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“My mom mentioned that I don’t invite her because I’m embarrassed of her. Why would you say that, Mom? You and my siblings know very well that you’ve often asked me not to post photos of us together because Gretchen and Claudine might get upset,” saad ni Marjorie sa kanyang post.

Sa parehong post, ibinunyag din ni Marjorie ang isang mas mabigat na pahayag tungkol sa kanilang pamilya. Ayon sa kanya, si Mommy Inday mismo umano ang nagsabi sa kanya noon na huwag na sanang ayusin ang alitan nila ni Claudine at Gretchen.

“Mom, as God is my witness, you begged me to never fix things with my 2 sisters so you won’t be left out,” pag-amin ni Marjorie. Dagdag pa niya, labis siyang nasaktan sa paulit-ulit na pangungusap na iyon mula sa kanyang ina — isang sakit na hanggang ngayon ay bitbit pa rin niya.

Read also

Kuya Kim Atienza, ipinahayag na mga labi ni Emman iuuwi na sa Pilipinas

Tinawag din ng dating aktres ang ikalawang bahagi ng panayam ni Mommy Inday bilang “false, unfair, and destructive,” at inamin na matagal na niyang tinitiis ang ganitong klase ng sitwasyon. Ayon sa kanya, tila ba parusa pa ang maging “non-problematic child” sa kanilang pamilya.

Isa si Marjorie sa pitong anak nina Inday at ng yumaong si Miguel Barretto. Sa magkakapatid, tatlo sa kanila — sina Marjorie, Claudine, at Gretchen — ang pumasok sa showbiz. Gayunman, matagal nang may mga alitan sa pagitan ng magkakapatid na Barretto na paminsan-minsan ay muling napag-uusapan sa publiko.

Hindi bago sa publiko ang mga isyu sa pagitan ng mga Barretto sisters. Mula pa noong 2013 ay naging laman na sila ng mga entertainment headlines dahil sa mga tampuhan at personal na hindi pagkakaunawaan. Sa mga panahong lumipas, may mga pagkakataong tila magkakaayos na sila, ngunit nauuwi rin sa panibagong sigalot.

Sa kasalukuyan, tila mas malalim na ang sugat na kailangang paghilumin sa pagitan ng magkakapatid — at sa pagitan ni Marjorie at ng kanilang ina.

Read also

Vice Ganda, trending sa matapang na Banal Na Aso rendition

Marjorie Barretto breaks silence on mother Inday’s interview: “I’m tired, I’m hurt” Sa unang pagkakataon matapos ang panayam ni Mommy Inday, emosyonal na naglabas ng saloobin si Marjorie. Inamin niyang pagod na siya sa paulit-ulit na isyu sa pamilya at nais na lamang magkaroon ng kapayapaan para sa sarili at mga anak.

Family and friends rally behind Marjorie Barretto amid mom’s allegations: “She’s a protector” Matapos ang paglabas ng mga pahayag ni Mommy Inday, ilang kaibigan at kamag-anak ni Marjorie ang nagpahayag ng suporta sa kanya. Ayon sa kanila, si Marjorie ay isang mapagmahal na ina at matatag na babae na laging inuuna ang kapakanan ng kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate