Ogie Diaz, nilinaw na wala siyang galit kay Sarah Lahbati

Ogie Diaz, nilinaw na wala siyang galit kay Sarah Lahbati

  • Ogie Diaz nilinaw na wala siyang galit kay Sarah Lahbati matapos mag-viral ang vlog tungkol kina Ellen Adarna at Derek Ramsay
  • Nagsimula ang isyu nang mabanggit ni Ogie sa vlog na sangkot umano si Sarah sa breakup nina Ellen at Derek
  • Ellen Adarna ipinakita ang conversation nila ni Sarah na tila nagtataka kung bakit parang may galit si Ogie sa kanya
  • Ogie inamin na “feeling niya” si Sarah ang may galit sa kanya matapos umano siyang i-block sa Instagram

Matapos mag-viral ang isyung kinasasangkutan ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz at aktres na si Sarah Lahbati, nilinaw ni Ogie na wala siyang galit sa aktres. Sa kanyang paliwanag habang nasa Estados Unidos, sinabi niyang siya mismo ang nagulat sa mga reaksyon matapos mabanggit ang pangalan ni Sarah sa kanyang vlog tungkol sa umano’y breakup nina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Read also

Bangkay ng 15-anyos na anim na buwang nawawala, natagpuan sa abandonadong bahay sa Davao de Oro

Ogie Diaz, nilinaw na wala siyang galit kay Sarah Lahbati
Ogie Diaz, nilinaw na wala siyang galit kay Sarah Lahbati (📷Ogie Diaz/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Ogie, layunin lamang ng kanyang video na linawin ang mga tanong na ipinadala sa kanya ng kanyang source. Sa naturang episode ng Showbiz Update, sinabi ni Ogie na may nagtanong kung totoo bang isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nina Ellen at Derek ay may kinalaman kay Sarah Lahbati. Lumabas pa umano sa usapan na hinihikayat daw ni Sarah si Ellen na bumili ng bagong bahay, at sinasabing si Sarah ay nagsilbi ring agent sa nasabing transaksiyon.

Kasabay nito, nabanggit pa na isa sa mga dahilan kung bakit gustong bumili ng bagong bahay si Ellen ay dahil diumano, doon pa rin nananatili ang dating kasintahan ni Derek na si Andrea Torres.

Ngunit agad itong itinanggi ni Ellen Adarna. Sa isang Instagram story, ipinakita niya ang conversation nila ni Sarah Lahbati kung saan nabanggit ni Sarah na parang si Ogie ang may “galit” sa kanya. Sa naturang post, natawa pa si Ellen at sinabihan si Ogie na dapat siguraduhin muna ng kanyang source ang mga detalye bago ito ibahagi sa publiko.

Read also

Patrick Dela Rosa, pumanaw matapos ang tatlong taong laban sa lung cancer

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pagkatapos lumabas ang reaksyon nina Sarah at Ellen, nagsalita muli si Ogie na naiulat ng Bandera. Eto nag-viral na naman si Ellen Adarna dahil pinost niya at lahat ay tina-tag tayo,” ani Ogie. Ipinaliwanag niyang wala siyang intensyong siraan si Sarah, at gusto lang niyang malaman ang katotohanan sa likod ng mga tanong ng kanyang source.

Dagdag pa ni Ogie, Wala akong galit sayo Sarah kung gusto mo o willing ka ring magpa-interview sa akin ng one on one. Feeling ko ikaw ang may galit sa akin kasi akoyung binlock mo sa IG.”

Read also

Vice Ganda, trending sa matapang na Banal Na Aso rendition

Sa kabila ng lahat, tila nais ni Ogie na maayos ang anumang hindi pagkakaunawaan. Nanatiling kalmado ang tono niya at ipinakita niyang bukas siya sa posibleng pag-uusap nila ni Sarah para malinawan ang lahat.

Si Ogie Diaz ay kilalang talent manager, komedyante, at vlogger na matagal nang bahagi ng showbiz industry. Siya ang humahawak sa career ng ilang sikat na artista at aktibo rin sa pagbibigay ng entertainment updates sa kanyang Showbiz Update channel sa YouTube.

Samantala, si Sarah Lahbati ay isang aktres at modelo na asawa ng aktor na si Richard Gutierrez. Kamakailan, naging laman din siya ng mga balita dahil sa mga haka-hakang may problema umano sa kanilang relasyon, bagay na hindi pa niya tahasang kinumpirma o itinanggi.

Sa naturang ulat, ipinakita ni Ellen ang kanilang chat ni Sarah kung saan tila nagtatawanan pa sila habang pinag-uusapan ang isyu. Ipinunto rin ni Ellen na walang katotohanan ang isyung kinasasangkutan ni Sarah at hinimok si Ogie na siguraduhing tama ang impormasyon ng kanyang mga source.

Sa sumunod na ulat, nirepost ni Sarah ang IG story ni Ellen bilang tugon sa kumakalat na isyu. Sa pamamagitan nito, tila ipinakita ni Sarah na wala siyang sama ng loob kay Ellen at nakakatawa lamang para sa kanila ang buong usapan tungkol sa vlog ni Ogie.

Read also

Melissa De Leon, nagpahayag ng pasasalamat kay Vice Ganda sa isyu ng korapsyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proofreading by Glory Mae Monserate, copy editor at KAMI.com.gh.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate