Kim Chiu, inaming "OA" siya noon pagdating sa pag-ibig: "Ngayon sakto na lang"
- Nag-reflect si Kim Chiu sa pag-ibig, at inaming ang kanyang matured perspective ay nagmula sa experiences
- Aniya ng aktres, nagbago na siya mula sa pagiging "OA" noong una hanggang sa maging "sakto" na lang
- Ipinaliwanag ni Kim na ang kanyang experience ang nagturo sa kanya pagdating sa usaping pag-ibig
- Nang matanong siya na i-define na ang love ngayong siya ay mas matura, tila nabigla si Kim sa interview
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng candid na insight si Kim Chiu tungkol sa pag-ibig at kung paano nagbago ang kanyang pananaw dito sa mga nakalipas na taon, sa kanyang panayam sa 'Are You G?' ng The Filipino Channel kasama si MJ Felipe.

Source: Instagram
Tinanong kasi ni MJ kay Kim kung paano niya masasabing nag-mature na siya sa pag-ibig. Aniya Kim, noon daw ay tila 'OA' siya.
"OA ka ba pag ma-in love? Ganun ba si Kim?" tanong ni MJ. "Ay grabe naman," natatawang panimula pa ng kilalang aktres.
Gayunpaman, inamin ni Kim na nagbago na ang pananaw niya sa pag-ibig dahil sa experience.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Dati. Ganun siya dati ma-in love, OA, ngayon sakto na lang. Ano, siyempre from experience. Kasi experience is the best teacher," say ni Kim.
Idinagdag pa niya na ang mga pinagdaanan niya sa buhay pag-ibig ang nagturo sa kanya, dahil "it will give you the test before the lesson."
Dahil sa kanyang naging sagot, natanong naman siya ni MJ na bigyan ng kahulugan ang love.
"I can sense the maturity. Can you define love for me now as a matured Kim?" tanong ni MJ. Subalit, nanatiling 'mysterious' ang sagot niya, na nagpapahiwatig na may mga bagay sa buhay na hindi kayang ipaliwanag ng salita.
"Grabe naman yung ganyan, define love. Parang slambook naman yan. Love… Ang hirap naman. Paano ba i-define ang love? Ang dami talaga. Four letters, big meaning," pahayag ni Kim.
Ang candid interview ni Kim ay nagbigay-inspirasyon sa mga netizen, na pinatunayan na ang pinakamahusay na aral sa buhay at pag-ibig ay talagang nagmumula sa mga experiences.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Kim Chiu ay isang Filipina actress, television host, at singer na sumikat matapos niyang manalo sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006. Kilala siya sa lokal na showbiz bilang "Chinita Princess." Matapos ang kanyang tagumpay sa PBB, naging isa siya sa mga pangunahing artista ng ABS-CBN, at gumanap sa mga sikat na teleserye tulad ng Sana Maulit Muli, My Girl, Ina, Kapatid, Anak, at Love Thy Woman. Bukod sa pag-arte, isa rin siya sa mga hosts sa It's Showtime.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay kinilig at naantig naman si Kim Chiu kamakailan lang dahil kay Alora Sasam. Sa Instagram, nag-post si Alora ng 'unboxing' video ng isang gamit na kakabili lang niya. Aniya Alora, matagal na raw siyang naghahanap ng gamit na ito na talagang matibay. Dahil sa reaksyon niya, labis na na-touch si Kim at napa-thank you.
Samantalang umani rin ng ingay sa social media ang isa pang post ni Kim Chiu. Kamakailan, nag-upload si Kim ng isang video kung saan makikitang naglalakad siya sa mga kalye ng London sa gabi. Hindi na rin nakapagtataka na maraming netizens ang naging curious sa caption ni Kim tungkol sa mga "unspoken battles" sa buhay ng isang tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

