TBA Studios, nagsalita matapos ang kontrobersyal na komento ng apo ni Quezon sa pelikulang ‘Quezon’

TBA Studios, nagsalita matapos ang kontrobersyal na komento ng apo ni Quezon sa pelikulang ‘Quezon’

  • Naglabas ng pahayag ang TBA Studios matapos batikusin ng apo ni Manuel L. Quezon ang pelikulang ‘Quezon’ sa isang talkback session sa Makati City
  • Sa social media post ng kumpanya, iginiit nilang ang pelikula ay “grounded in verified historical accounts” mula sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian
  • Si Ricky Quezon-Avancena, apo ng dating pangulo, ay naglabas ng matinding pahayag laban sa direktor Jerrold Tarog at aktor Jericho Rosales
  • Nanawagan ang TBA Studios sa publiko na panoorin ang pelikula upang makabuo ng sariling pananaw tungkol sa kasaysayan

Naglabas ng opisyal na pahayag ang TBA Studios matapos ang kontrobersyal na eksena sa talkback session ng kanilang bagong pelikulang “Quezon” kung saan hinarap ng apo ng dating Pangulong Manuel L. Quezon ang direktor nitong si Jerrold Tarog at ang lead star na si Jericho Rosales.

TBA Studios, nagsalita matapos ang kontrobersyal na komento ng apo ni Quezon sa pelikulang ‘Quezon’
TBA Studios, nagsalita matapos ang kontrobersyal na komento ng apo ni Quezon sa pelikulang ‘Quezon’ (📷@jerichorosalesofficial/IG)
Source: Instagram

Sa naturang talakayan na ginanap sa Makati City, si Ricky Quezon-Avancena ay diretsahang nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa paraan ng pagkakalarawan sa kanyang lolo. “Sinalaula niyo ang alaala ng aking lolo,” ani Quezon-Avancena sa harap ng mga manonood. Dagdag pa niya, “Hindi niyo alam ang ginawa niyo. Dahil kayo, gusto niyong kumita ng pera. Gusto niyong sumikat. Sinalaula ninyo ang alaala ng isang pamilyang nagbuwis ng buhay... Mahiya kayo!

Read also

Noontime TV choreographer Anna Feliciano, binigyang pugay ng mga dating kasamahan

Habang nanatiling kalmado sina Tarog at Rosales sa gitna ng mainit na diskusyon, agad namang naglabas ng pahayag ang TBA Studios upang linawin ang pinagmulan ng pelikula at ang batayan ng kanilang historical portrayal.

Sa kanilang opisyal na post, sinabi ng TBA Studios:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“At the recent talkback session for the film, one of President Manuel L. Quezon’s descendants expressed his views on the movie. While we respect and understand his sentiments, we wish to reiterate that the film is grounded in verified historical accounts, including President Quezon’s own autobiography and other reputable sources.”

Read also

Melissa De Leon, nagpahayag ng pasasalamat kay Vice Ganda sa isyu ng korapsyon

Binigyang-diin pa ng production company na bagaman may ilang fictional elements sa pelikula, ang mga pangunahing detalye at pangyayari ay maaring easily verifiable through public records, online research, or library resources.”

Kasabay ng pagpapalabas ng pelikula, naglunsad din ang TBA Studios ng study guide at companion book na naglalaman ng listahan ng mga ginamit na sanggunian sa kanilang pananaliksik. Mayroon itong 48 pahina at tumatalakay sa mga dokumento, memoirs, at iba pang publikasyong ginamit bilang batayan ng pelikula.

Sa pagtatapos ng kanilang pahayag, hinikayat ng kumpanya ang publiko na panoorin muna ang pelikula bago magbigay ng hatol.

“We encourage everyone to watch the movie so they can form their own opinions and join the ongoing conversation about the film, our history, and how it continues to resonate today,” ayon sa TBA Studios. “We hope that #QUEZON can continue to inspire meaningful dialogue, reflection, and a deeper appreciation of our nations past.

Read also

Claudine Barretto, gustong tapusin ang mahabang alitan nila ng kapatid na si Marjorie

Ang “Quezon” ay ang pinakabagong historical drama mula sa TBA Studios, na kilala rin sa paggawa ng mga pelikulang “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral.” Pinagbibidahan ito ni Jericho Rosales bilang Pangulong Manuel L. Quezon at idinirehe ni Jerrold Tarog, na kilala sa kanyang masusing pananaliksik at malikhaing storytelling sa mga pelikulang hango sa kasaysayan.

Layunin ng pelikula na ipakita ang mas personal at moral na pakikibaka ng dating pangulo, lalo na sa gitna ng mga desisyong humubog sa bansa bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Sa isang panayam, inamin ni Jericho Rosales na maayos ang kanyang relasyon sa kanyang mga dating kasintahan, kabilang na si Heart Evangelista. “Life’s too short for enemies,” aniya. Marami ang humanga sa kanyang maturity at sa paraan ng paghawak ng personal na isyu.

Nagpaabot ng pagbati si Lotlot de Leon kay Jericho Rosales matapos ang tagumpay ng kanyang bagong proyekto. Sa kanyang social media post, ipinahayag niya ang paghanga sa aktor bilang propesyonal at bilang tao. Nagpasalamat naman si Jericho sa suporta at pagkakaibigan nila ni Lotlot sa industriya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate