Pumatay kay John Lennon ng The Beatles, nilahad ang motibo sa krimen matapos ang halos 45 na taon
- Muling nagsalita si Mark David Chapman, ang pumatay kay John Lennon, halos 45 taon matapos ang krimen
- Inamin niyang ginawa niya ito dahil sa labis na pagnanais maging sikat
- Sinabi niyang alam niyang mali at masama ang kanyang ginawa, ngunit pinili pa rin niyang gawin ito
- Paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa mga mahal ni Lennon at sa mga tagahanga nito
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Instagram
Muling nagsalita si Mark David Chapman, ang pumatay sa The Beatles legend na si John Lennon noong 1980.
Sa panayam na nakuha ng New York Post, inamin niyang ginawa niya ito dahil sa pagiging “completely selfish” at para lamang sa sarili niyang interes.
Ayon kay Chapman, ginawa niya ito dahil gusto niyang maging sikat. Inalala niyang gusto niyang “to be famous, to be something [he] wasn’t.”
Habang iniisip niya noon ang kanyang motibo, napagtanto niyang “hey, there is a goal here. I don’t have to die and I can be a somebody. I had sunk that low.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa hiwalay na ulat ng PEOPLE Magazine, sinabi rin ni Chapman sa parole hearing noong 2022 na hinangad niya ang kasikatan kapalit ng buhay ni Lennon.
Ani niya, “I knew what I was doing, and I knew it was evil. I knew it was wrong, but I wanted the fame so much that I was willing to give everything and take a human life.”
Naganap ang pamamaril noong Disyembre 8, 1980, sa labas ng apartment building ni Lennon sa Manhattan.
Kasama ng mang-aawit ang asawang si Yoko Ono nang barilin siya ni Chapman ng apat na beses sa likod, ilang oras matapos pirmahan ni Lennon ang kanyang album.
Hinahatulan siya ng 20 taon hanggang habambuhay na pagkakabilanggo. Labing-apat na beses na siyang tinanggihan sa parole at muling makakapaghain sa 2027.
Sa mga pagdinig, paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa pamilya, mga kaibigan, at tagahanga ni Lennon, at sinabing “This was a human being... I apologize for the devastation that I caused you.”

Read also
Dingdong, may nakakakilig na mensahe para kay Marian matapos ang kanyang bridal runway sa Vietnam
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

