Jillian Ward, planong magsampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya
- Ikinokonsidera ni Jillian Ward na magsampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanya
- Kinuwestiyon ang mga tsismis na mayroon siyang sugardaddy at koneksyon umano kay dating Gov. Chavit Singson
- Nilinaw ng aktres na hindi pa niya kailanman nakikita o nakasalamuha si Singson sa personal
- Aminado si Jillian na naapektuhan ang kanyang career at muntik na siyang tumigil sa pag-aartista dahil sa isyu
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Pagod na si Jillian Ward sa mga paratang at kasinungalingang ibinabato laban sa kanya. Matapos madawit sa mga isyung may kinalaman sa pagkakaroon umano niya ng “sugardaddy” at pagkaka-link kay dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, isiniwalat ng Kapuso actress na kinokonsidera na niyang magsampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng mga fake news.

Source: Instagram
Ayon sa ulat, matagal nang kumakalat sa social media ang mga maling impormasyon tungkol sa personal na buhay ng aktres. Isa sa mga pinakakontrobersiyal na isyu ay ang umano’y may “sugardaddy” si Jillian — isang tsismis na nagsimula pa nang siya ay 16 taong gulang at makabili ng second-hand sports car.
Aminado ang aktres na naapektuhan siya sa isyung ito, lalo na nang madamay pati ang kanyang pamilya. Ayon sa mga kumalat na tsismis, umano’y “ibinubugaw” siya ng kanyang ina at “nakikinabang” daw ang pamilya sa mga relasyon nito — isang paratang na labis niyang ikinasakit.
Nilinaw ni Jillian na wala siyang personal na koneksyon kay Chavit Singson. “Hindi ko po siya kilala at hindi ko pa siya nakikita,” aniya sa panayam, bilang sagot sa mga kumakalat na maling balita. Dagdag pa niya, hindi niya kailanman inisip na madadamay ang kanyang pangalan sa ganitong isyu na wala namang katotohanan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil sa paulit-ulit na pangbabatikos, umamin si Jillian na dumating siya sa punto na gusto na niyang itigil ang pag-aartista. “Naapektuhan talaga ako, pati career ko,” ayon sa aktres. Sa ngayon, patuloy siyang kumukonsulta sa mga abogado upang alamin ang legal na hakbang laban sa mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon.
Sa mga nakaraang buwan, ilang ulit nang nagsalita si Jillian upang ituwid ang mga maling isyung ibinabato sa kanya. Sa isang panayam kay Boy Abunda, inamin niyang labis ang sakit ng mga paratang lalo na’t nadadamay ang kanyang ina. “My parents didn’t raise me that way… Sobrang sakit talaga kasi nananahimik ‘yong mother ko,” emosyonal niyang pahayag.

Read also
Chie Filomeno, emosyonal na naglabas ng sama ng loob laban sa taong umano’y sinisiraan siya
Ipinakita ng aktres ang kanyang katatagan at pagnanais na linisin ang kanyang pangalan sa kabila ng mga pagsubok. Sa kabila ng mga maling akusasyon, nanindigan siya na ang lahat ng kanyang tagumpay ay bunga ng sariling sipag at tiyaga, hindi ng anumang koneksyon o impluwensiya.
Matatandaang naging emosyonal si Jillian sa isang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda,” kung saan nilinaw niya ang mga paratang na siya umano ay “binubugaw” ng kanyang ina. Hindi napigilan ng aktres ang luha habang ipinaliwanag na lahat ng kanyang tagumpay ay bunga ng sariling pagsisikap. “Lahat ng meron ako, pinagpaguran ko and my mom would never do that to me,” saad niya.
Ibinahagi rin ni Jillian ang kanyang sakit sa pagkakadawit ng kanyang ina sa mga isyung wala umanong katotohanan. “Sobrang nasasaktan ako kasi hindi po talaga gano’n ang mom ko. Nananahimik ‘yong mother ko,” dagdag pa niya.
Si Jillian Ward ay isa sa mga pinakakilalang batang aktres ng GMA Network na lumaki sa harap ng kamera. Nakilala siya bilang child star sa Trudis Liit at patuloy na namamayagpag sa mga teleserye at proyekto ng Kapuso Network. Sa kabila ng kanyang murang edad, hinahangaan siya sa kanyang professionalism, charm, at dedikasyon sa trabaho.
Sinagot ni Jillian ang mga espekulasyong naglalabasang may kaugnayan sa mga ari-arian umano niyang hindi raw tugma sa kanyang edad. Nilinaw ng aktres na lahat ng kanyang pag-aari ay bunga ng kanyang matagal na pagtatrabaho sa showbiz. Muling pinatunayan ni Jillian na kaya niyang panindigan ang kanyang tagumpay.
Sa panibagong pahayag, nilinaw ni Jillian na hindi niya kailanman nakilala o nakausap si Chavit Singson. Giit ng aktres, nasasaktan siya sa mga tsismis at umaasa siyang matapos na ang isyu. Ipinakita ni Jillian ang kanyang katatagan sa gitna ng kontrobersiya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh