Claudine Barretto, gustong tapusin ang mahabang alitan nila ng kapatid na si Marjorie
- Claudine Barretto ipinahayag ang hangaring makipag-ayos sa kapatid niyang si Marjorie matapos ang mahabang panahon ng alitan
- Sa panayam kay MJ Marforie, sinabi ni Claudine na handa siyang magpakumbaba at akuin ang pagkakamali upang magkabati sila
- Naayos na ni Claudine ang relasyon nila ng yumaong kapatid na si Mito bago ito pumanaw
- Ang Barretto family feud ay nagsimula pa noong 2019 matapos pumanaw ang kanilang ama na si Miguel Alvir Barretto
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Matapos ang maraming taon ng hindi pagkakaunawaan, ipinahayag ni Claudine Barretto ang kagustuhan niyang tuluyan nang ayusin ang alitan nila ng kapatid na si Marjorie Barretto.

Source: Instagram
Sa isang panayam kamakailan kay MJ Marforie, ibinahagi ng aktres na handa siyang magpakumbaba at tanggapin ang anumang pagkakamali kung ito ang paraan upang magkabati silang magkapatid.
Ayon kay Claudine, nagmula ang kanyang desisyon sa masakit ngunit makabuluhang karanasan sa kanyang yumaong kapatid na si Mito Barretto. Bago ito pumanaw, nagkaroon sila ng pagkakataong magkaayos matapos ang matinding sigalot na umabot pa sa banta ng demanda. “He apologized to me, and even before it happened, I had already forgiven him with all the fiber of my being,” pagbabalik-tanaw ni Claudine. Ang karanasang ito, ayon sa kanya, ang nagbigay-daan upang makita niya ang kahalagahan ng pagpapatawad sa loob ng pamilya.
Sa kanyang taos-pusong pahayag, sinabi ni Claudine, “Pinapaalam ko sa kanya na if I hurt her in any way for the things that I did or the things she thinks I did, sige na lang, okay na. I will be accountable. Mapatawad nya lang ako balang araw.” Dagdag pa ng aktres, wala na siyang hinahangad kundi ang maibalik ang katahimikan sa kanilang pamilya na matagal nang binahiran ng alitan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang tensyon sa pagitan nina Claudine at Marjorie ay naging laman ng mga headline sa mga nakaraang taon. Nagsimula ang muling paglala ng kanilang hindi pagkakaunawaan noong 2019, matapos pumanaw ang kanilang ama na si Miguel Alvir Barretto. Sa panahong iyon, nagkaroon pa ng public exchange ng matitinding salita sa social media sa pagitan ng mga magkakapatid. Nagpatuloy ang hidwaan hanggang sa tila tuluyan nang nagkahiwalay ng landas ang mga Barretto sisters.
Sa kabila nito, naniniwala si Claudine na hindi pa huli ang lahat para sa pagbabalik ng pagkakapatiran. Ipinahayag niyang handa siyang lumapit kay Marjorie anumang oras at magsimula ng panibagong kabanata ng kanilang relasyon bilang magkapatid.
Si Claudine Margaret Castelo Barretto ay isang multi-awarded actress na nakilala sa kanyang husay sa drama at sa kanyang mga iconic roles noong dekada 1990 at 2000. Isa siya sa mga prominenteng personalidad sa industriya ng showbiz na kabilang sa kilalang Barretto clan, na kilala rin sa kanilang mga on-screen achievements at off-screen controversies. Kilala rin siya sa pagiging malapit sa kanyang mga anak at sa mga kapwa artista gaya ni Mark Anthony Fernandez.
Sa isang photoshoot na mabilis na kumalat sa social media, muling nagkasama sina Claudine at dating onscreen partner na si Mark Anthony Fernandez. Naghatid ito ng nostalgia sa mga fans na matagal nang umaasang magkakaroon sila ng reunion project. Marami ang natuwa sa chemistry ng dalawa, at nag-trending pa ang kanilang mga larawan online.
Sa isa pang kontrobersyal na pangyayari sa Barretto family, naglabas ng matinding mensahe si Inday Barretto, ina nina Claudine at Marjorie, laban sa aktres na si Jodi Sta. Maria. Marami ang nagulat sa bigat ng pahayag ni Inday, na tila patama sa mga usap-usapang may kaugnay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh